Justine Mae's POV
Lumipas ang mga araw at linggo nanliligaw sa akin si Darell ganun din na nagsasanay kami para sa graduation namin. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin sya sa buong sulok ng school, hindi ko talaga iyon maiiwasan lalo na't nasanay ako sa presensya nya.
Hindi na ganun kaingay ang school dahil wala sya ngunit sila Darell ang pumalit sa pagiging sikat dito at marami ang nakakaalam na nanliligaw sya sa akin. Naiilang lang ako minsan dahil sa pagiging clingy nya sa akin kapag kami na lang dalawa o 'di kaya kasama namin sila Bryce, ngunit kapag maraming tao na ay walang emosyon o 'di kaya yung usual nyang ekspresyon. Kaya ayun, maraming naghuhumaling sa lalaking ito.
Sa tingin hindi na ako dito mag-aaral ng senior high para makapagpokus na ako.
Nabalik ako sa realidad ng may tumapik sa balikat ko.
"Saan ka mag-aaral ng senior high?" Tanong sa akin ni Joshua.
Wala sila Darell, ewan ko sa tatlong iyon kung nasaan sila. We're here under the mango tree.
"I think sa Japan muna ako mag-aaral ng senior high and I miss my brothers na nandoon." Kibit balikat kong sabi habang nasa malayo ang tingin.
"How about kay Darell? Diba nanliligaw sya sa'yo?"
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong nararamdaman sa kanya, i like him as my boy bestfriend not a lover, tsaka hindi pa ako nakaka-move-on sa kanya.
"Siguro... Papahintuin ko na sya sa panliligaw sa akin dahil ayaw ko syang umasa sa wala at mas ayaw ko syang masaktan." Malungkot kong sabi.
Naramdaman ko ang kamay nya na pumatong sa ulo ko at marahan nya itong tinapik.
"Naku! Mahirap 'yan chararat. Ang maipapayo ko sa iyo bilang isang matalik na kaibigan mo ay humanap ka ng tyempo at pag-isipan mo ang mga sasabihin mo para hindi sya masyadong masaktan. Hindi mo maiiwasan na masaktan sya, basta kung kailangan mo tulong nandito lang ako sa'yo." Nakangiti nyang sabi.
Napaluha at niyakap ko sya nang mahigpit, niyakap nya rin ako ng pabalik.
"Thank you badaf, thank you talaga. Grabe! Na-touch ako sa sinabi mo. Mahal na talaga kita badaf ko huhuhu."
"W-what?"
"Haha syempre mahal kita bilang isang kaibigan. Ano ba ang iniisip mo?" Nakangising saad ko at humiwalay sa yakap nya, kinuha ko sa bulsa ko ang panyo na lagi kong dala at pinunasan ang luha ko.
Mukhang nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Hoo! Akala ko, more than friends eh. At tsaka ewww~ hindi tayo talo." Maarte nyang sabi.
"Charot ko lang naman iyon eh, masyado ka kasing seryoso hahahaha."
He murmured something.
"Anong sabi mo badaf?" Nakataas ang isang kilay ko.
"Wala, ang sabi ko tara na sa cafeteria at gutom na aketch." Dali-dali syang tumayo.
Inayos ko na rin ang sarili ko.
"Bilisan mo d'yan babaita!"
Binilisan ko ang pagkilos at nagmamadali na si madam auring haha.
"Oo na, ito na nga eh." Nakanguso kong sambit at tumayo na.
"Lez go!" Maarte nyang sabi.
Daig nya pa na babae sa kaartehan sa pagsasalita. Natatawa na napapailing na lamang ako sa kanya.
***
Hindi ako makatulog dahil pinag-iisipan ko kung paano at ano ang dapat ko sabihin. Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na 12 a.m. na pala sa wall clock ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...