Justine Mae's POV
Hay ang ganda talaga dito sa garden. Naisipan ko munang magbasa ng manga. Habang nagbabasa may narinig akong kaluskos sa likuran ng puno ngunit hindi ko ito pinansin dahil nasa climax na ako ng aking binabasa.
Ngunit palapit ng palapit ang kaluskos hanggang sa tumigil sa harapan ko tumingala ako para tingnan kung sinong bastardo na nais istorbohin ang mapayapa kong pagbabasa.
"Sino bang—"
Ngunit natigilan ako at napangiwi na malaman na si sir pala yun.
'wrong move Justine, wrong move'
Nakatitig lang sya sa akin habang nakangiti nang matamis. Gosh nakakasilaw ang ngiti nya.
"Sorry naistorbo yata kita, sige alis muna ako." Tatalikod na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya para pigilan. Tumingin sya sa akin na may pagtataka.
Inilagay ko muna sa tabi ko ang manga na binabasa ko bago ngumiti sa kanya ng awkward.
"Hindi po sir hehe, umupo muna po ikaw." Inilahad ko sa kanya yung space sa aking tabi.
Umupo naman sya sa tabi na halos magkadikit na ang mga braso namin at tumingin muli sa akin nang masinsinan. Matutunaw na yata ako.
Bumalot sa amin ang katahimikan ngunit binasag ko na ito agad.
Tumikhim muna ako. "May sasabihin ka po ba sir?" Naiilang kong tanong.
Bigla syang sumeryoso. "Do you like mr Ermita?" Tanong nya. "I mean lagi kasi kayong magkasama at mukhang close na close kayo sa isa't isa. Pero ok lang kung hindi mo sagu—" Pinutol ko agad ang kanyang sasabihin.
"H-hindi po, wala po akong feelings sa kanya. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya." Mabilis kong sagot.
Kundi ikaw ang gusto ko sir.
Napangiti sya sa sinabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay na nasa lap ko bago tumitingin nang direkta sa aking mata
Nagwawala na naman ang puso ko na kahit na maya maya ay lalabas na. Kinakabahan tuloy ako.
His face was getting closer and closer. I closed my eyes until I could feel his soft lips on mine.
Kyaahhhh he kiss me! HE KISS ME!
Totoo ba ito?
Pagkatapos ng ilang sandali ay sya na mismo ang bumitaw. Ay bitin, chos!
Ang lande teh! Uweeee!
Ngunit nabigla ako sa sumunod nyang sinabi na napapula at napatulala sa akin.
"I love you Justine." Sambit nya at umalis na sya na ako rito ay napatulala dahil sa sinabi nya.
Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa balikat ko.
Ay panaginip lang.
"Gising Mae kalurki ka talaga." Gising sa akin ni Joshua, ano ba yan ang ganda ganda na nga ng panaginip ko eh.
Nakasimangot akong tumingin sa kanya ngunit ang baklito ay ngumiwi sa reaksyon ko.
"Nangyari sayo babaita para kang nabitin na ewan." Nakangiwi nyang sabi.
Hinampas ko sya nang pabiro dahil sa pag istorbo nya sa maganda at nakakakilig kong panaginip with my bebeloves.
"Wala na, sira na. Sinira mo ang napakaganda kong dreamland with sir James." Mangiyak-ngiyak kong sambit.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...