C H A P T E R 33

131 7 0
                                    

Kirk Darell's POV

"Beautiful." I murmured while staring at her na mahimbing natutulog pero napansin ko ang pagkaputla ng mukha nya.

Pasimple kong hinipo ang noo nya at napalayo ang kamay ko sa init nya ngayon.

Nakita ko na nanginginig ang katawan nya sa lamig.

Sh*t nilalagnat sya!

"Hmmm..." Mahina nyang ungol at hindi mapakali na nakadukdok sa mesa.

Dahan dahan ko syang inayos sa pagkakaupo at maingat na binuhat na pa-bridal style. Napatingin sa amin ang mga kaklase ko na naguguluhan maging ang teacher namin sa math na si Ms. Niña na kakadating pa lang.

Tss, late as always.

"Where are you taking Ms. Usui, Mr. Ermita?" Naguguluhan nyang tanong.

"Clinic." Malamig kong tugon.

Hindi ko hinintay ang sasabihin nya dahil MAS MAHALAGA ang kaligtasan ng minamahal ko na may sakit. I need take care of her and I know she need someone and that's me.

Alam ko kung bakit ganito ngayon ang minamahal ko. At ito ay dahil sa kanya.

And speaking of...

Nakasalubong ko lang naman sya at kita ko sa mga mata nya pag-aalala habang nakatingin kay Justine na buhat ko ngunit may malamig na eskpresyon nang mapadako ang paningin nya sa akin; sir James

Tsk, I knew it.

Sya ang dahilan kung bakit may sakit ang minamahal ko dahil pinaghintay nya si Justine sa park kahapon. Nando'n ako noong mga oras na iyon, sinundan ko lang naman si Justine dahil pag aakala ko ay uuwi na nang makita ko sa hindi kalayuan ang kotse ni sir James. Malamig ang mga oras na iyon dahil maggagabi na.

Alam ko naman na talo ako sa kanya dahil kita ko sa gawi at mata ni Justine.

She like him or more than that.

At iyon ang masakit na katotohanan ngunit mukhang kakailanganin ko na ipaglaban ang nararamdaman at pagmamahal ko para kay Justine. Ang aking minamahal.

Nagkunwari ako na walang nakita at diretso lang ang punta ko sa clinic.

Inihiga ko sa vacant bed si Justine at humingi sa nurse na naka assign dito ng mga kakailanganin, pinilit ko pa nga na ako na ang mag aalaga kay Justine kaya ayun sumang-ayon naman sya.

Lumapit sa akin ang nurse na may dalang maliit na planggana na may maligamgam na tubig na hinaluan ng alcohol at bimpo na malinis, kasama na rin ang gamot. Inilapag nya ito sa side table.

"Ayan na iho, pakainin mo muna sya ng sopas tsaka painumin ng gamot." Paalala nya.

Ngumiti at tumango na lamang ako.

"Kay gwapo mong bata, lalo kapag nangiti ka. Maiiwan ko na kayo ng girlfriend mo, mapalad sya na mayroong kasintahan na gaya mo."

Napangiti ako ng malawak sa sinabi nya. "Hehe salamat po." Tumango naman ito at umalis.

Pagkatapos kong pigain ang bimpo ay tinupi at inilagay sa noo ng mahal ko. Naisipan kong lumabas muna para bumili ng sopas sa cafeteria para makakain at makainom na ng gamot si Justine.

"Pabili po ng sofas at bottled water na dalawa yung hindi po malamig tsaka matcha cake at burger with fries." Tsaka ako nagbayad.

Pagbigay sa akin ng order ko ay dali-dali ngunit maingat akong tumungo sa clinic. Baka matapon eh, sayang naman kung ganun.

Nadatnan ko syang nakaupo sa kama habang sapo ang ulo. Napatingin sya akin na may ngiti at tila kumikinang ang mata sa hawak kong pagkain.

Lihim akong napangiti sa inasta nya. I know kung bakit haha. She only saw her favorite; matcha cake.

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon