Justine Mae's POV
Sabado ngayon at ngayon din ang usapan namin ni Darell na gagawin nya yung deal namin na manglilibre sya.
Napangisi ako sa naiisip ko haha, lagot sa akin iyang wallet mo Darell. Sulitin ko na ang araw na ito.
Talo sya sa deal namin kaya magdusa sya ngayon.
I wear a simple floral dress na yellow, pinarisan ko ito ng wedge sandal. A little touch and tada! Ok na.
Nandito pa rin ako kila mama, hanggang bukas ng gabi na lang ako dito at uuwi na sa condo ko. Family day namin every sunday or should say family bonding with them, sayang nga dahil wala sila kuya kaya kaming tatlo nila papa ang mamasyal bukas..
Nasa trabaho ang parents ko at tatapusin nila ang kanilang trabaho para bukas wala ng sagabal.
Habang kumakain ng almusal ay may biglang may bumisina mula sa labas.
*Beep* *beep*
Sya na yata yan. Tatayo na sana para buksan nang pigilan ako ni manang Nida.
"Ako na iha at ipagpatuloy mo na lang pagkain." Nakangiti nyang saad.
Tumango ako at ngumiti, linunok ko muna ang nasa bibig ko bago magsalita. "Thank you po."
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kaya napalingon ako doon at tama nga na sya talaga yung dumating.
Todo ang ayos ng itsura nya ngayon. Hindi naman ganun kaimportante ang okasyon ah. Pero infairness ang gwapo nya today, today lang. Chos!
"Goodmorning Justine." Bati nya na tinanguan ko lamang may laman pa ang bibig ko.
Kasi nga, don't talk while your mouth is full nga daw eh.
I admit ang gwapo nya ngayon. Huwag kayo ano d'yan dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya no more, no less dahil may nagmamay-ari na ng puso ko hehe.
"Ang gwapo ng pormahan natin ngayon pre. Hindi naman ganun kahalaga ang okasyon ngayon dahil ililibre mo lang ako di'ba?" Nakangiwi kong saad.
Napasimangot sya sa sinabi ko at may kung anong binulong bulong.
I raised one eyebrow "Ano iyang binulong bulong mo dyan?"
Napailing naman sya at ngumiti nang tipid bago sya umupo sa harap ko, bali katapat ko lamang.
"Kumain ka na ba?" Biglaan kong tanong.
"Nice timing gutom na ako." Mabilis nyang sabi at ngumiti nang malapad.
Ayos huh? I guess, another side of him.
"Manang!" Pasigaw kong tawag nasa kusina kasi sya.
Dali daling lumabas naman si manang habang nakangiti sa amin na lumapit. Pero may kakaiba sa ngiti nya na parang ba'ng kinikilig sya dahil ngayon nya lang ako nagpapasok dito ng lalaki.
"Magandang umaga po muli sa inyo manang." Bati ni Darell habang nakangiti at nagmano kay manang.
Magalang rin pala ang isang toh, akala ko puro kalokohan lang ang alam eh.
"Magandang umaga rin iho, pasensya na kanina at may niluluto kasi ako kaya nagmamadali ako." Paumanhin ni manang. "Tawagin mo na lang akong Nanay Nida."
"Kirk Darell po Nay." Nakangiti nyang pagpapakilala.
"Manang, pwede po ba'ng pakidalhan na lang po sya ng almusal?" Sabat ko.
"Oo nga pala, sige iho ikukuha lang kita." Pagpapaalam ni manang.
"Salamat po Nay." Tumango naman si manang at ngumiti bago tuluyan na pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Book 1: Be Mine Sir! 👑
RomanceNa-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang guro sa Grayson University ay sikat dahil siya ay isang guwapong lalaki, at matalino kaya maraming ang...