C H A P T E R 22

162 12 10
                                    

Justine Mae's POV

7 am ako nakarating sa school kahit na inaantok pa ako, napagod ako sa bonding namin but worth it dahil kahit gano'n sila ka-busy ay naglalaan pa rin sila ng oras para sa amin pero sayang dahil wala sila kuya, mas masaya kung nandito sila at kasama namin sila kahapon.

Naglakad lang ako dahil kung magbisikleta ako baka sumemplang pa eh di sira pa ang beautiful face ko.

Pagkarating ko sa malapit sa gate ng school ay natatanaw ko na si Joshua na parang may hinihintay, nakasandal at naka-crossed armed pa sya kaya maraming kababaihan ang napapatingin sa kanya at kinikilig.

Sayang na sayang ka talaga badaf tch!

Napapailing na lang sa aking isipan.

Nang mapatingin sya sa gawi ko ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kaya mas maraming kababaihan ang nabibihag ng mga ngiti nya. Kumaway sya sa akin, kumaway rin ako at ngumiti sa kanya. Tumakbo na ako papunta sa pwesto nya.

Ang gwapo talaga ng bestfriend ko haha pero kawawa ang mga may gusto dito dahil hindi nila alam na baklito ang bestfriend ko.

"Good morning Josh!" Masigla kong bati.

"Good morning din Mae, blooming natin ngayon ah. Anong meron? Share your secret naman." Pabiro nya akong binubunggo sa balikat. Pero haha manly ang gawi nya ngayon, sabagay dahil may mga tao ngunit kung kami na lang dalawa hay naku na lang.

"Inborn ang pagiging blooming ko. By the way, kamusta weekend mo Josh?" Taas-baba ng kilay ko. Pero wait, bakit may pasa sa gilid ng labi nya?

Nagulat ako ng bigla nya akong hinila at dinala sa garden.

Lumungkot ang kaninang maaliwalas nyang mukha kanina na humarap sa akin. Nangyari sa kanya?

"Alam na ni kuya." Malungkot nitong saad.

Unti unting nag-sink sa isip ko ang ibig sabihin nya. Napatakip ako ng bibig at malungkot ko rin syang tiningnan na ngayon ay nangingilid na ang mga luha nya.

Hinila ko sya at niyakap, maya maya ay naririnig ko na syang humihikbi sa balikat at tinugon ang yakap ko. I pressed his back to comfort him.

"K-kahapon nya lang nalaman dahil nahuli nya sa k-kwarto na nagsusuot ng pangbabaeng wig at nakadamit na pangbabae. Sinapak pa ako oh." Parang bata nyang sumbong at turo turo nya pa ang pasa na nasa gilid ng labi.

Imbes na malungkot lalo natawa pa ako sa inasta nya.

I brushed his soft hair using my hand.

"So ano na ng mangyayari n'yan?"

Napayuko sya. "Kapag hindi daw ako magbago o wala akong girlfriend na ipakilala sa kanila lalo na sa darating na huwebes na family dinner din namin at sa araw na iyon uuwi sila daddy galing Denmark at ang mga kaibigan ni kuya lagot daw ako."

Tumingin sya sa akin nang nagmamakaawa at tila ay naghahanap ng pag-asa. Hinawakan nya ang mga kamay ko at nagpuppy eyes pa ang baklito.

May kailangan toh, panigurado.

Pero may na-realize ako, sa tingin ko na kung ano ang hihilingin nya. Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling-iling.

Pero sya ay ngumisi lang. "Please tulungan mo ako sa huwebes ng gabi. Magpanggap ka lang na girlfriend ko sa araw na iyon, please?" Matching pa-cute nya pa.

Pero ako iling lang. Ayaw ko nga! Hmp!

Napanguso sya, sorry badaf alam kong cute ka pero hindi mo ako madadaan sa ganyan.

"May ibibigay pa naman sana ako kaso, huwag na lang ayaw mo naman akong tulungan eh. VIP tickets ng BTS concert sana kasama ako sa sabado tapos ililibre ko pa ng ice cream na gusto nya. Tsk sayang talaga hmmm?" Pangongonsensya nya. Pero wait, VIP tickets ng BTS concert tapos libreng ice cream?

Hay para sa BTS at ice cream gagawin ko na lang ang gusto nya, sayang kung tatanggihan ko. Libre pa naman yun.

I sighed as defeat.

Ngumiti ako sa kanya at tumango tango. "Sige na nga basta yung promise mo hehe."

Umaliwalas ang mukha nya. "Really! Walang bawian yan ah and as promise gaya ng sabi mo ay gagawin ko. Hehe salamat chararat you're my hero talaga."

"Baka gusto mo kiss ko." Nakangising saad ko.

"Yuck! Sayo na lang yan. Tara na nga baka malate pa tayo sa klase ni sir pogi kyaaah!~" Nauna na sya akin, nakakatampo pagkatapos ng lahat lahat iiwan nya ako. Chos! Masyadong madrama.

"Hoy! Hintayin mo naman ako!" Nagtatakbo kong sigaw pero ang baklito hindi namansin. Tinakbuhan pa ako.

Pagkapasok namin sa room ay kompleto na pala ang lahat at kami na lang ang kulang. Nagpapaganda pa ang mga babae at binabe dahil for sure naman na si sir ang magtuturo.

Nagsitayuan kami sa pagkakaupo ng dumating na ang pinakahihintay ng lahat ng fans ni sir, tch ang dami ko tuloy kaagaw sa puso ni sir.

"Ang gwapo talaga ni sir."

"Buo na ang araw ko."

"Araw-araw na talaga ako papasok."

Hanggang tingin lang kayo girls haha, ako nakakausap at nginingitian pa ako tapos may kapitbahay ko pa sya.

"Good morning class!" Bati nya habang nakatingin sya dito– sa akin?

"Good morning sir!" Bati namin pero yung sa akin synchronized lang hehe.

Hindi ako gaano nakikinig sa mga tinuturo nya, dahil nakapag advanced reading na ako kaya no problem. Pinagmamasdan ko lang sya habang sya ay nagtuturo. Every his moves, walanjo!

"Class dismissed!" Biglaan nyang sambit na nagpagising sa diwa ko.

Hindi ko namalayan na tapos na pala sya magturo, ganun ba katagal na pinagmamasdan ko sya at hindi ko manlang namalayan na tapos na sya magturo.

Sir pwedeng pa extend kahit one hour or kahit forever na!

Bago sya lumabas napatingin na naman sya sa gawi ko, ngumiti sya nang matamis na ako lang yata ang nakakita tsaka sya lumabas ng room.

Is that real?!

Or

I'm a paranoid?





To be continued...

Finished Edit: 01/28/2022

© 2021 SweetQueen_24

Book 1: Be Mine Sir! 👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon