"San punta mo?"
Hinila ko ang hood ng kaniyang hoodie para patigilin siya sa paglalakad
"pupunta akong watson" pinakita niya sakin ang kulay pink na mabuhok na bilog na nakasabit sa kaniyang susi ng kotse
"sama"
Pinantaasan niya ako ng kilay sabay pinag cross ang braso at hinarap ako
"no, hindi pwede, ayoko, bawal, na-ah so shatap and stay away from me"
"taray mo naman marites"
"im not Marites im Alucard the sexy, gorgeous and beautiful stunning man slash woman"
Lumabas na ito ng bahay kaya sinundan ko siya hanggang pumunta kami sa likod at nakita ko ang tatlong magagandang kotse na kulay pink, white at violet (Bentley flying spur), tumunog ang kotse nito kaya pumunta ako sa passenger seat at bubuksan na sana ang pinto nun ng malamang naka lock pa, nasa loob na si Alucard at sinimulan nang paandarin ang makina, I bend my back at kinatok ang bintana dahan dahang iyong bumaba, sinilip ako nito, he's chewing a gum and damn what the hell? Puro glitters ang loob pati mga upuan ay merong cover na fury, manibela niya ay may mga diamonds!!
Too girly, daig pa niya si paris Hilton.
"stay here" he said
"sasama nga ako, buksan mo"
"I said no, so tigas ng ulo!"
I mimicked him
"bahala ka, kapag hindi mo ko sinama sisirain ko mga scarf mo susunugin ko hanggang maging abo lalo na yung isang scarf mong naka frame pa----"
"I hate you!" tili nito and he unlock the door, i thank him using my sarcastic tone
Nang makapasok ako ay mabilis na niyang minaneho ang sasakyan, hindi pa ako nakakapaglagay ng seatbelt kaya nauntog ako sa harapan....kinuyom ko ang kamao ko at kinagat ang dila
"wear your seatbelt" ngumiti ito
"you too" i faked a smile
"and please be careful and avoid scratching my car, mas mahal pa to kaysa sa life mo"
Mabilis itong magmaneho kaya nakadating kaagad kami sa mall, nang makababa ay tinakpan ko ang mukha ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, sinarado na ni Alucard ang pinto at naunang naglakad, pumasok kami sa mall like he said sa Watson kami nagtungo...pinabitbit niya sakin yung basket pati na din ang kulay pink nitong handbag, pagkapasok namin sa Watson nakita ko ang ilang kalalakihan na nakabuntot sa kanilang mga girlfriend/asawa at tila gusto nang umuwi
Nasa likod lang ako ni Alucard habang namimili siya puro lagay siya sa basket hanggang mapuno kaya painwan ko sa counter yung napunong basket at kumuha ulit ng bago, sa mga lipstick naman siya ngayon, pinapahid niya ang dulo ng mga lipstick sa wrist at tumatango tango pa tapos lagay sa basket, iisa lang labi pero mahigit sampo ang lipstick, magpapatayo ba siya ng sarili din niyang Watson? Binaba ko ang basket at sinipa sipa nalang iyon kapag maglalakad ulit
"ohh I love this" pinakita niya sakin ang maliit na bilog na nagpapaputi sa mukha niya "mabango din"
"yeah, matagal pa ba?"
"ha ha ha, I told you na huwag ka na lang sumama" inikutan niya ako ng mata at kinuha ang basket na nakalapag sa sahig "matagal pa ako here kaya mag ikot ka muna"
Pinakita ko sa kaniya ang bulsa ng pants ko
"so?"
Hinawakan ko kamay nito na inalis din agad niya
