I slowly open my eyelid, bumungad sakin ang puting kisame at halo halong amoy ng mga gamot ngunit mas naghari ang amoy ng alcohol, ibinangon ko ang sarili at napahawak sa ulo nang mahilo ako ng kunti. Sinugod ako sa hospital nang makita ang dugo na dumadaloy sa ilong ko, pinag alala ko sila mom lalo na si Reign.
Bababa na sana ako sa hinihigaan ng makita si Reign na nakahiga sa sofa at yakap yakap ang dalawang tuhod, she's sleeping peacefully. Bumuntong hininga ako at muling bumalik sa pagkakahiga at tinakpan ang mga mata gamit ang likod ng palad nang maalala ang lahat, hindi ko sasaktan ang anak ko, hinding hindi ko siya pababayaan dahil lang ang nanay nito ay rapist. Mamahalin ko ng buong buo si Reign dahil siya ang nagbigay kulay at kasiyahan nang magising ako sa ilang taon coma at nasa tabi ko siya sa tuwing nangangapa ako sa aking nakaraan.
She gave me hope and happiness.
"Gising ka na" nag aalalang hinawakan ni mom ang palad kong nasa ibabaw ng aking tiyan at naramdaman kong hinalikan niya iyon "sabi ng doctor, wala daw laman ang tiyan mo at inistress mo daw ang sarili mo"
"Gusto ko mang makamit ang hustisya ko ay hindi ko na makakamit pa dahil wala na siya, walang kasalanan ang mga magulang niya siya ang may kasalanan, kung nasan man siya ngayon sana pagdusahan niya ang kasalanang ginawa niya sakin"
"Ang diyos na ang bahala sa kaniya"
Tumango ako, nagising si Reign at tinakbo ang pagitan naming dalawa, gumilid ako at pinahiga siya sa tabi ko
"Papa, im so scared" binaon nito ang mukha sa dibdib ko "papa, you need to be healthy and let me stay by your side para nakikita ko kung anong nangyayari sayo"
Nanginginig na nilagay ko ang kamay sa ulo nito
"I love you, Reign" i whispered
"I love you more"
Napatigil ako at napatulala ng may mga larawang nagsipasukan sa isipan ko ng marinig ang apat na salitang iyon
"Mom, can i ask something?" Nilingon ko si mom
"Anything"
"Who's Alucard? Do you know him?"
Kumunot ang noo ko ng maestatwa ito sa kinatatayuan, para bang naputulan siya ng dila o di kaya ay lumabas ang kaluluwa sa katawan niya, may mali ba sa tinanong ko at ganiyan ang naging reaksyon niya?
"Rieux anak..."
"Mom, do you know him?"
Tumango ito
"Gusto kong malaman ang lahat mom"
Mukhang ayaw nitong ikwento para napilitan siya dahil kita na niya sa mukha kong hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya kinukwento ang lahat, tahimik sa buong kwarto, nakatulog muli si Reign habang nakayakap sakin, nagsimulang mag kwento si mom habang tumatagal mas namumuo ang luha sa mga mata ko, based sa kwento nito walang lungkot na nangyari sa pagitan namin ni Alucard, we are a happy couple.
Matapos ang pagkekwento ni mom ay muli akong nagtanong, kung may napangasawa na ba ito nang ma coma ako ngunit sabi niya ay wala naman daw, umalis si Alucard at sinabi kala mom na huwag sasabihin sakin kung saan siya nagtungo ngunit dahil nag aalala si mom sa kaniya nagpakuha siya ng taong magbabantay kay Alucard at ayon sa sinabi ng sikretong taga bantay ni Alucard nagtungo daw ito ng france at doon nagsimula.
