chapter 9

4.6K 130 4
                                        

"Sabi ko sayo huwag kang papaulan eh!" inis na tinulak ako ni Kino ng makita ang buong katawan kong basang basa dahil sa ulan

"biglaan pag ulan kaya hindi na din ako nakasilong" sinalo ko ang tuwalyang binato ni Fix sakin

"bobo ka pala bakit hindi ka nagdadala lagi ng payong? Ikaw din Lay may dala kang payong tapos hindi mo man lang pinasilong diyan si Rieux!" Nessey angrily said

"huwag mong pagalitan to" tinuro ko si Lay "pinauna ko siyang maglakad kanina kaya hindi ako nakasilong sa payong niya"

"huwag na kayong mag away diyan, lalakas ng boses niyo pinagtitinginan na tayo" pag aawat ni Fix "mauna na ako, may trabaho pa ako eh" nakipag fistbomb ito saming apat bago tumakbo papunta sa kotse nitong naka park sa gilid

Nandito kami ngayon sa gilid ng starbucks dahil ito lang ang malapit na pagsisilungan namin, nakasilong din motorbike ni Nessey pati na din kay Kino, galing kami ni Lay sa school at papauwi na sana nang tawagan kami ni Nessey at sinasabing naghihintay sa starbucks hindi kalayuan sa school namin dahil tambay nanaman kami sa playhouse pero habang naglalakad ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan ng pagkabasa ko pati na din mga gamit ko sa bag, nagalit sakin si Kino dahil alam nitong mahina ang katawan ko pagdating sa ulan, at alam din nilang magkakasakit ako kapag nabasa ng ulan

Hinubad ni Kino ang suot nitong jacket tsaka binigay sakin, nagpasalamat ako at inalis pagkakabutones ng polo napatingin sa akin ang mga nasa loob ng starbucks kaya nagmadali na akong tanggalin ang polo nang matanggal at sinuot ko ang jacket ni Kino

"taxi!" pinatigil ni Kino ang taxi na napadaan

Binaba nung taxi driver ang bintana at sinilip kami

"pakihatid nga tong kaibigan ko" sinabi nito ang address na tinitirhan ko ngayon sa driver

"sige, pasok na" ani ng Driver

"dalian mo, pumasok ka na, maligo ka kapag nakauwi ka na" Nessey

Tumango nalang din ako dahil naiinis na sila sakin, nang makapasok sa loob ng taxi ay isinandal ko ang ulo sa headrest ng kinauupuan, ipinakit ang mga mata tsaka pinahinaan sa driver ang aircon dahil napakalamig

Ginising ako nang driver ng nasa harap na kami ng bahay ni Alucard, bumaba na ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng gate nagulat pa ang ibang katulong na naglilinis sa hagdan ng makitang basang basa ako, umakyat ako sa hagdan at una kong nakita si Alucard na nag sasayaw nanaman kasama si Austin...

"wala bang katapusan yang sayaw niyo? Nakakamatay ba kapag hindi kayo magsasayaw ng sobrang dikit sa isa't isa?"

Wala akong nakuhang sagot, na realize ko na ang hina pala ng boses ko kaya hindi nila ako marinig...hindi pa din nila ako napapansin kaya napailing nalang ako, gaya ng sabi ni Nessey ay naligo muna ako bago pumunta sa kama at inihiga ang katawan, pinindot ko ang bilog na nasa dingding

"warm water" I said

"noted, sir"

Wala pang isang minuto may kumatok na sa pinto ng kwarto ko, bumukas iyon at ang isang katulong na dala dala ang pinakukuha ko

"sir, namumutla ka"

"ayos lang ako"

"pero sir, yung labi niyo wala nang kulay"

"itutulog ko nalang to, bukas maayos na ako"

"sasabihin ko kay Sir---"

"he's busy" pagputol ko sa kaniya "huwag mong sabihin sa kaniya"

Nagdadalawang isip na napatango ito at lumabas na ng kwarto, kinuha ko ang phone ko at napangiti ng mabuksan ang gallery

"lola..."

Alucard Royce(COMPLETED)Where stories live. Discover now