chapter 12

4.6K 125 6
                                        

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Alucard ng makitang hindi iyon nakasarado ng mabuti, narinig ko kaagad ang tumutunog nitong phone at mukhang naliligo pa siya, nilapitan ko ang phone at tinignan ang caller Night who's this? Isa nanaman ba sa mga lalaki niya? Sinagot ko ang tawag at idinikit sa tenga ang phone nito

"sino to?" kunot noo kong tanong "naliligo pa yung may ari ng cellphone na to"

"mamaya nalang ako tatawag—sino ka?"

I tsked, maganda yung boses, mga tipo talaga ni Alucard magaganda ang boses.

"wala ka na don"

Narinig ko sa pagtawa nito sa kabilang linya at mukhang may kasama siya dahil may tawa din sa kanilang background, kung aayain niyang makipagkita si Alucard ay hindi yun mangyayari, hindi katiwa-tiwala boses nang kumag na to eh parang handang lumapa nang aasar pa paraan ng pagtawa niya, kapag nakita ko talaga babangasan ko to

Ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita pa ito

"Rieux, right?"

"paano mo nalaman pangalan ko?" gulat kong tanong

"he's the one Alucard's talking, the hard headed kid" rinig kong sinabi ng isa nitong kasama

Na pa ahhh naman ang ilan sa kanila na para bang may naalala

Muntik ko nang malaglag phone ni Alucard ng tawagin nito pangalan ko, pinatay ko na ang tawag at inilagay ang phone niya sa dating pwesto

"Rieux!" he shouted

"why?"

"sino kausap mo diyan?!"

"nothing"

Tumunog muli ang phone nito kaya inis na tinanggal ko ang sim card niya at pinutol

"bili ka bagong sim card"

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siyang naka roba at nakabalot ng tuwalya ang ulo, akala mo naman babae ohh, bumaba ang tingin nito sa sim card na nasa sahig na nahati sa dalawa

"what the pinky hell is going on here? Bakit mo sinira?" lumapit ito sakin kaya naamoy ko ang body gel at hair gel na gamit nito

"aray!" napahawak ako sa ulo ng batukan niya ako

"bakit ka nanaman ba nandito?!" pinatalikod niya ako at tinulak tulak papalabas ng kaniyang kwarto

"iniiwan mong bukas yung pinto kaya papasok talaga ako"

"hindi mo ba alam ang word na privacy?"

I mimicked him kaya nakatanggap nanaman ako ng batok

Malakas niyang sinarado ang pinto na muntik pang tumama sa tungki ng aking ilong

-

"hindi lang ikaw lalaki niya " iiling iling na sabi ko kay Austin

Ipinatong ko ang dalawang paa sa headrest ng couch habang ang ulo ko ay nasa sahig, nandito nanaman si Austin ginagawa nang tambayan dito eh kulang nalang dalhin niya na gamit niya at dito tumuloy, wala dito si Alucard he's nowhere to be found iniwan nalang niya kami dito, pinagsalikop ko ang dalawang palad at tinignan si Austin na nagbabasa ng magazine

"hindi ka ba natatakot na maagaw si Alucard ng ibang lalaki? Tsk tsk tsk kawawa ka naman kung mawalan ka ng partner sa pag sayaw, paano kung mas magaling pala sayo sumayaw mga lalaki niya?"

Wala akong nakuhang reaksyon, kaya nilakumos ko ang papel na nasa gilid at ibinato sa kaniya, he sigh at tinignan na ako

"masaya ako para sa kaniya kahit na hindi na ako ang kasayaw niya "

"what?! Hahayaan mong makuha siya ng iba?" ngiwi kong tanong

"may tiwala ako kay Alucard" he answered "malaki na siya at alam na niya ang ginagawa niya"

I started fidgeting my fingers at nilaro ang dila sa loob ng bibig

"ikaw ba? May tiwala ka ba sa kaniya?" he asked

Tumango ako "sa kaniya oo, pero sa nakapaligid sa kaniya hindi"

"kung ganon wala kang tiwala sakin?" itinaas nito ang isang kilay sabay ngiti

"kahit kailan hindi kita pagkakatiwalaan, baka mamaya ay tangayin mo si Alucard, don't fool me" I shake my head

"hahahaha silly"

Nagpasalamat ito sa katulong na naglapag ng maiinom sa lamesang nasa harapan, umayos na ako ng upo tsaka kinagatan ang mansanas na nakalagay sa bowl na nasa ibabaw ng lamesa

"may naging girlfriend ka na ba?" nilingon niya ako at isinandal ang likuran sa kinauupuan

"elementary, yes," he answered "highschool, yes"

"sino nakipag hiwalay?"

"me"

"bakit?"

"hindi ko na alam kung anong dahilan kung bakit ako nakipag break"

May ganun ba?

Hindi ko nalang ito pinansin hanggang bumalik na si Alucard na may dala dalang doughnut at softdrinks, lumapit ito sa amin at umupo sa tabi ko kaya mapang asar na tinignan ko si Austin at nilabas ang aking dila bwahahaha mainggit ka, hindi ka tinabihan, ako ang tinabihan ng walang pagdadalawang isip

Bubuksan ko na sana ang box ng doughnut ng paluin nito ang aking kamay

"para kay Austin yan" masungit nitong sabi sakin

Austin faked a coughed at katulad ng ginawa ko kanina ay mapang asar niya din akong tinignan at inilabas ang kaniyang dila, this fucker!

"saan yung akin?" nguso kong tanong

"none"

"si Austin meron tapos ako wala?" inis na tumayo ako "pupunta ako sa mga kaibigan ko, baka mamaya na din akong gabi makakauwi"

"pumayag na ba ako?" taas kilay na sabi nito

"atleast nagpaalam ako sayo"

"bumalik ka dito, hindi ka pwedeng lumabas ngayon" tinuro nito ang labas ng bintana kaya sumilip ako don, makulimlim nga

"magdadala ako ng payong—"

"hindi ka lang binigyan ng doughnut" rinig kong sabi ni Austin kaya nilapitan ko siya at asar na pinalo ang kaniyang balikat kaya binato ako ni Alucard nang unan

Alucard Royce(COMPLETED)Where stories live. Discover now