"Im home" binagsak ko ang katawan sa sofa at hinilot ang sintido upang mabawasan yung sakit ng ulo ko "where's Alucard?"
"nasa kwarto sir tulog pa"
"how about Austin? Nakauwi na ba yun?"
"nasa kwarto ni sir---"
Napaayos kaagad ako ng upo at tinignan ang katulong
"anong ginagawa nun sa kwarto ni Alucard?" tanong ko
"nanood po sila magdamag tapos nakatulog"
Tumayo ako at umakyat sa hagdan ng makaharap ang pintuan ng kwarto ni Alucard ay hindi na ako kumatok binuksan ko na iyon and I saw both of them sleeping peacefully while hugging each others arm, nilapitan ko pwesto ni Austin at walang anumang hinila ito palayo kay Alucard, Alucard groaned at tumalikod sabay yakap sa mahaba niyang unan habang si Austin naman ay nagising at nagulat ng makitang hawak hawak ko siya, pinanlakihan ko siya ng mata, magsasalita na sana siya ng itapat ko ang hintuturo sa aking bibig
Nang makalabas kami sa kwarto ni Alucard ay don ko na siya binitawan, hindi ba niya alam na may guest room dito? Bakit hinayaan niyang makatulog sa kwarto ni Alucard? At talagang magkayakap pa sila na parang bagong kasal ahhh hindi ba niya kayang magising para ilipat ang sarili sa kabilang kwarto? Oh baka naman talagang sinadya niyang matulog kasama si Alucard?
"what do you want?" tanong nito at inayos ang suot na damit
"bakit kayo magkatabi, magkayakap? Sinadya mong makatulog sa kwarto ni Alucard no?!" I hissed "you said you don't like him yet here you are clinging to Alucard's arm!"
"tulog ako kagabi hindi ko na alam mga nangyayari"
"para bang pinararating mo sakin na kasalanan pa ni Alucard ang lahat---"
"hindi---"
I hushed him
"stop blaming the innocent, Austin, I know you like Alucard and I know that you silently want to own him"
Napakamot ito sa batok, bakit? Dahil alam ko na ang tinatago niyang pagnanasa kay Alucard? Sabi ko na nga ba iba talaga ramdam ko dito sa lalaking to eh, una palang masama na pakiramdam ko sa kaniya, nang makitang papasok nanaman siya sa loob ng kwarto ay iniharang ko na ang aking sarili....babalik siya sa loob? Seriously? Para ano? To continue sleeping while hugging Alucard's arm?
"babalik ka sa loob? No fucking way, leave now....ipagpatuloy mo yang tulog mo sa bahay mo at hindi dito" nangangalati kong sabi at pinakita pa sa kaniya ang kamao ko
"yung bag ko nasa loob"
"let me get your bag and wait downstairs"
Pumasok ako sa loob ng kwarto at hinanap ang bag nito, nang makita ay kinuha ko iyon...napatigil ako nang makitang papahulog na si Alucard mabilisang nilapitan ko ito at inusog papalayo sa gilid ng kama, nilagayn ko ng dalawang unan ang magkabilaang gilid nito pati na din sa magkabilaang gilid ng kama para kapag mahulog man siya hindi siya masasaktan, ibinaba ko ang damit nitong nakataas na at kitang kita ang maputi nitong tiyan nilagyan ko din ng kumot ang buo niyang katawan at pinatay ang tv na hanggang ngayon nakabukas pa din, wala akong tiwala don sa Austin na yun paano kung hinayaan ko siyang makapasok dito ulit para kunin bag niya? Baka pagnasaan niya na si Alucard.
"Austin...."
Kunot noo ko itong nilingon
"Austin..."
Umupo ako sa gilid ng kama at nilapit ang mukha sa kaniyang tenga
"it's Rieux" I whispered
-