Nakasilip lang ako sa pintuan ni Alucard habang pinapanood itong kumakain nang lugaw na iniluto sa kaniya ng mga katulong, hindi pa niya ako napapansin at hindi niya ako mapapansin dahil maliit lang ang pag kaawang ng kaniyang pinto parang langgam lang ata ang may kakayahang sumingit kaya halos tanggalin ko na ang isa kong mata at iparolyo papasok sa loob upang makita ko siya ng maayos, kakagising ko lang at wala pa akong hilamos gusto ko lang sanang makita kung gising na ba ito.
Nahihiya akong lapitan siya hindi dahil sa nangyari sa pagitan ko at ng mga kaibigan niya kundi dahil sa mga pinagsasabi niya sakin, napasabunot ulit ako sa buhok nang maalala nanaman iyon
Im yours, Rieux
Im yours
Im yours
Aishhhh, this is annoying! My brain can't forget those words!
Pinindot nito ang button na nasa tabi ng kama at tinawag ang isang katulong kaya kaagad akong nagtago sa malaking vase na nasa gilid at sinundan ng tingin ang isang katulong na nagmamadaling umakyat sa hagdan at pumasok sa loob ng kwarto ni Alucard
"Bakit po Sir?"
"Where's Rieux?" Alucard asked
My heart starts to beat fast, and im fucking blushing! Tinatanong lang naman niya kung nasaan ako bakit nagwawala ang buo kong pagkatao?! Dahil sa hindi mapigil na pagpula nang mukha ay kahit walang nakakakita ay tinakpan ko pa din ang aking mukha gamit ang dalawang palad, nahihiya ako sa nangyayari sa akin ngayon, para akong babaeng nanonood ng romantic movies na hindi mapigilang kiligin dahil sa mga nangyayaring kilig scenes
"Natutulog pa po ata si Sir. Rieux, gisingin ko po ba?" Ani ng katulong
Hindi ko masilip kung anong mukha ang ginagawa ni Alucard!
Malungkot ba siya dahil wala ako sa tabi niya nang magising siya? Gusto ba niyang makasama ako ngayon? Perhaps he wants to apologize because he flirts someone? but damn were not together kaya bakit hihingi siya sa akin ng tawad dahil lumandi siya sa iba? Pero nagselos ako ng 2% kaya kailangan pa din niyang humingi sa akin ng tawad, tsaka mukhang taken na yung Si Astro kay Luca.
Napasandal ako sa dingding nang marealize na halos lahat ng taken na kaibigan ni Alucard ay puro kapwa lalaki ang kasintahan wala man lang akong nakitang ni isang babae doon, ibig sabihin lahat sila ay bakla?
"Don't wake him, he's tired." Muling ibinaon ko ang mukha sa palad
"May kailangan pa po ba kayo Sir?"
"You may go"
Umalis na ako sa pagkakatago sa likod nang vase nang makaalis na yung katulong, umayos ako ng tayo at pinagpagan ang naalikabukang pang upo bago pumasok sa loob ng kwarto, naligo na ako at nagbihis lang ng hoodie at pajama, umupo ako sa dulo ng kama at ngusong pumindot sa touch screen na cellphone, nag text kaagad ako sa GC
Me: busy?
Na seen kaagad ni Lay at may lumabas na three dots, maya maya ay nag reply siya, sunod sunod naman ang ibang nag seen
Lay: busy.
Nessey: wanna have fun?
Fix: busy.
Kino: may hangover🤚
Nessey: bisita ako diyan Rieux?😁
Rieux: kailan?
Inihiga ko na ang kalahating katawan sa kama at pinagpatuloy ang pag chat sa GC.
Nessey: joke lang, busy ako. Pupuntahan ko babaeng nililigawan ko
Kino: yung bang babaeng sinulatan yung braso mo nang number niya?
Nessey: inggit ka? Huwag mong tuhugin yun, humanda ka talaga sakin!!
Kino: 👌sayo na, marami pa naman sakin.
Na out of place na ako sa usapan nila kaya pinatay ko na ang phone ko, hindi nagtagal ay nakatulog ako.
Nagising ako ala una na ng tanghali, napabangon kaagad ako at lumabas ng kwarto, wala na si Alucard sa kwarto niya kaya sinilip ko ang sala at nandoon siya sumasayaw habang nakapikit ang mga mata, kapag umiikot ito ay hindi ko mapigilang mapahanga at mapangiti lalo na kapag sumasabay sa pag sayaw ang kaniyang kulay pilak na buhok pati na din ang malambot nitong tela na bumabalot sa kaniyang magandang pangangatawan.
Bumalik sa akin ang panahon kung saan ko siya unang nakitang sumasayaw, dito din ako sa pwestong ito nakatayo habang humahanga sa nakikita.
I can't stop staring at him.
He's a perfection.
Habang tumatagal na panonood ko sa kaniya dahan dahan kong naibigkas ang mga salitang hindi ko aakalain na naibigkas ko
"Im fucking in love"
My eyes widen and i slap my cheeks three times.
Pinadulas ko ang sarili sa sahig at inilabas ang phone tsaka pumunta sa gallery at pinindot ang isang litrato doon
"I don't know what's happening to me lola," paninimula ko "ang gulo nang isipan ko, una sasabihin kong wala akong gusto sa kaniya ngunit hindi magtatagal gusto ko na siya ngunit hindi naman iyon umaabot ng 100%, kinikilig na din ako kahit banggitan lang niya ang pangalan ko, at kani kanina lang may naibigkas akong salitang hindi ko akalain na maibibigkas ko, natatandaan ko ang sinabi mo sakin noon lola na sundin ko ang takbo ng puso ko pero lalaki siya lola at lalaki din ako, kapag nalaman ni mom at dad na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki magagalit sila sa akin at madadamay pa si Alucard" yumuko ako at tinignan ang daliri sa paa
Kung buhay pa ang lola sigurado akong hihilahin niya ang braso ko, magkukulong kami sa kwarto ko at maghapon niya akong bibigyan ng advice.
Muli kong nilingon si Alucard at halos maibagsak ko na ang phone ko sa tiled floor nang makitang nakatingin ito sa akin
Crap!
He saw me!
"Rieux---"
Hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo na ako at patakbong pumasok sa loob ng kwarto.
(Pa correct po ako kapag may nabasa kayong wrong grammar, mahina sa english ang author, trying hard yarn? Lovelots everyone and enjoy reading!!!)
