chapter 11

2.2K 86 0
                                    

"Where's Alucard?" tanong ko ng makapasok ako sa loob ng bahay

Galing ako sa school, apat na araw na ang nakakalipas simula nang makauwi ako galing sa hospital at hindi pa din ako pinapansin ni Alucard halos si Austin nalang lagi kausap ko minsan ay kapag magkasama ang dalawa at nag sasayaw at lumapit ako ay ipatitigil ni Alucard ang ginagawa nila para iwasan ako, ako na lumalapit para kausapin siya pero ayaw niya talaga, binabaan ko na pride nag sorry na ako ehh...

"nasa kwarto po Sir"

Tumango ako tsaka umakyat na sa hagdan, hindi muna ako pumasok sa kwarto ko at dahil nakita ko ang nakauwang na pintuan ni Alucard ay pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at nakita ko itong nakatayo sa harapan ng full body mirror at inaayos ang ribbon ng kaniyang see through polo, at ang kaniyang puting pants, kumalat din sa buong paligid ang pabango nito, tinignan niya ang repleksyon ko sa salamin nag isahang linya ang kaniyang labi, aalis ata siya dahil nakaayos at naka pink pang lipstick saan naman kaya ang lakad niya? Pinag cross ko ang braso at sumandal sa hamba ng pintuan, nakasabit pa din sa likod ko ang bag ko at nakasuot pa din ako ng uniform

"saan ang punta mo?" tanong ko

Inikutan niya ako ng mata at may inilagay siya sa kaniyang ibabang mata na glitters

"sama ako"

Umalis ito sa harapan ng salamin at nilapitan naman ang drawer na katabi ng malaking cabinet, binuksan niya ang drawer at pumili ng panyong babagay sa suot niya, ilang minuto ko siyang pinanood hanggang piliin na niya ang dilaw na panyo na may sunflower sa gilid

"sama ako" lumapit na ako sa kaniya "Alucard, sama ako sayo....saan pupunta?"

Hindi niya ako pinansin, para lang akong hangin sa kaniya!

Napangisi ako ng makaisip ng ideya, lumapit ako sa frame na nakasabit sa wall

"Alucard!" tawag ko sa kaniya

Hindi niya ako tinignan, inabot ko ang isang bamboo stick na nakalagay sa gintong vase na nasa gilid ng pintuan at itinapat iyon sa frame

"kung hindi mo ko kakausapin o papansinin, babasagin ko tong frame na to at susunugin ko pinaka iingat ingatan mong scarf" ngisi kong sabi

Mabilisan niya akong nilingon, napaawang ang bibig nito at sinamaan ako ng tingin, kung nakamamatay lang ang ganiyan niyang mga tingin sakin ay siguradong unang araw ko palang sa bahay na ito ay pinaglalamayan na ako

"you!" dinuro niya ako "put.that.DOWN" he gritted his teeth

"sabihin mo muna kung saan ka pupunta" I gave him a cheeky smile at mahinang tinapik tapik ang frame gamit ang dulo ng bamboo stick

He groaned

"Im going to a friend party and don't come with me"

"bakit? Kasama mo ba si Austin?" tinaas ko ang kilay ko

"hindi siya sasama sakin goodness" maarte nitong sabi

"bakit ayaw mo kong pasamahin?"

"why are you so makulit?"

I mimicked him

Nang makalapit siya sakin ay inagaw niya ang hawak ko at ibinalik sa lalagyanan tsaka ako pinaupo sa gilid ng kama, ngumuso ako at inilapag ang bag sa sahig ngunit kinuha niya iyon tsaka maayos na inilapag sa ibabaw ng sofa na hugis bilog

"hindi mo magugustuhan ang party na pupuntahan ko Rieux, and I know na aayain mo kaagad akong umuwi" he said

"what kind of party?" inis na sinipa ko ang laruang bola ni Violet "bakit kasi ganiyan suot mo? Lagi nalang pakita ng balat, kung hindi pang ibabang katawan pinakikita yung itaas naman, gabi na Alucard malamig na sa labas, huwag ka nang umalis"

"meron akong jacket" inikutan niya ako ng mata

"sama na ako, promise hindi ako mag aaya na uuwi, behave"

He scratch his forehead

-

"What kind of party is this" bulong ko kay Alucard

"I told you, hmp"

Nang makapasok kami sa loob ng malaking bahay ay iginaya kami ng isang bakla na nakasuot ng bistida at may korona na gawa sa bulaklak ang nakapatong sa ibabaw ng ulo, nang makapunta kami sa likod bahay ay bumungad sakin ang halos lahat ng mga transgender at gays...lahat sila ay makukulay ang mga kasuotan ako lang ang naiiba pinasuot ako ni Alucard ng makapal na jacket at jeans, huwag ko daw huhubarin jacket ko sa hindi ko alam na dahilan

Napatingin sa amin ang lahat at kuminang ang kanilang mga mata ng makita si Alucard

"Alucard!" tili nila at nagsilapitan sa kaniya kaya napaatras ako

"late ka na, Al, akala namin hindi ka na pupunta...." Sabi nung isa na parang babae na

Matapos makipag usap ni Alucard sa mga lumapit sa kaniya ay nagtama ang mata namin, pinatabi niya ang pumapalibot sa kaniya at hinawakan ang braso ko, kaya napunta naman sakin ang tingin nila

"baka naman" they all chant

"no no no" iiling iling na sabi ni Alucard "this young boy is not available"

Nagtaas ng dalawang kamay ang lahat

"he's handsome" bulong ng isang transgender kay Alucard na narinig ko naman

Pinaupo na ako ni Alucard sa upuan kaharap ang lamesa at tumabi naman ito sa amin

Kinalabit ko si Alucard, tinignan niya ako

"Rieux, behave" taas kilay niyang sabi

"gusto ko nang dessert" kinamot ko ang ilong at nginuso ang dessert table na nasa di kalayuan

He sigh

Nagtawag siya ng waiter, sinabi ko kaagad ang gusto kong kainin

Gaya ng sabi ni Alucard sakin habang nasa daan palang kai ang party na pupuntahan niya ay hindi party na iniisip ko, kaya nang maitapak ko na paa ko dito nakakagulat na halos wala man lang akong makitang ni isang babae at lalaki maliban sa mga waiter na mga lalaki ngunit may mga edad naman na

Habang hinihintay ang dessert, kinuha ko ang laylayan ng polo ni Alucard tsaka pinaglaruan hinayaan naman niya ako at nakipag usap nalang sa mga kasama namin sa table

"hmm, pamangkin mo pala...." Napatingin kaagad ako sa harapan "may lahi ba siya?"

Umiling si Alucard "wala, pure pinoy parents niya..."

Ngumiti naman ang isa "is he giving you a hard time?" napakunot noo ko

Alucard laughed "yes"

Napatingin sa akin ang dalawang kausap ni Alucard

"Do you have a girlfriend?"

"womanizer?"

Tanong nila

"I don't have a girlfriend," sagot ko "and im not a womanizer"

"hmm, baka naman nagdadala ka ng babae sa bahay ni Alucard kapag wala siya" naghampasan ang dalawa

Naramdaman ko din na nakatingin na sa akin si Alucard at hinihintay ang sagot ko

"wala akong inuuwing babae, hindi ako ganon" sabi ko

"Rieux is a hard headed kid but I know na hindi niya gagawin ang bagay na yan" tinapik ni Alucard ang kamay kong nilalaro laylayan ng kaniyang polo "at kung meron man humanda siya sakin"

Kumain na ako ng dessert, naiilang ako dahil may mga matang nakatingin sakin at kapag nililingon ko naman kung sino ang mga iyon ay ngumingiti sila sakin

Alucard Royce(COMPLETED)Where stories live. Discover now