May nangyari samin! May nangyari samin! Ahhhh kasalanan niya ang lahat kung hindi niya sana ako hinalikan at kung hindi siya umaktong sexy edi sana walang nangyari, ayaw mo ba? Bulong sakin ng traydor kong utak, gusto ko! Oo gustong gusto ko pero hindi lang maalis sa utak ko ang pinagagawa namin nung isang araw, hindi ko din maiwasang pamulahan ng mukha kapag nagtatama ang mga mata namin at kapag nakikita ko ang pa ika ika nitong paglalakad, ang dinahilan nga niya kay Austin ay napilay siya sa kakasayaw, nakakahiya talaga!!
I scratch the back of my head at lumabas na ng kwarto, bumaba ako sa hagdan at nakita ko si Alucard na nakatayo sa harapan ng bintana at may kausap sa telepono
"Bukas, tita? Akala ko sa susunod na linggo pa"
Si mom ba kausap niya?
"Sige po, sasabihin ko nalang kay Rieux later kapag gising na siya" binaba na nito ang tawag "shit!"
Napaatras ito dahil sa gulat kaya tumawa ako ng malakas, gagi parang nakakita siya ng multo!
"Kanina ka pa diyan?!" Inis na tanong nito at inikutan ako ng mata
"Kakababa ko palang, si mom ba kausap mo? Ano sasabihin mo sa akin?" Kinagat nito ang ibabang labi kaya nag iwas ako ng tingin at nagtungo sa sofa
Umupo ako, sumunod naman ito akala ko ay sa malayo malayo siya pupwesto pero nanlaki ang mata ko ng umupo ito sa tabi ko at hilahin ang aking braso tsaka pinuwesto ako sa ibabaw ng kaniyang hita, aalis na sana ako dahil hindi ako komportable lalo na at naalala ko nanaman ang nangyari sa aming dalawa, pero pinalibot na nito ang braso sa akin at ipinadikit ang aking likod sa kaniyang dibdib
"Uuwi na bukas sila tito that means dadaan sila dito bukas para kunin ka sa akin" nakanguso nitong sabi
"Ayaw mo nun wala ka ng sakit sa ulo"
"Kung ikaw lang naman magbibigay ng sakit sa ulo ko, ok lang" inikutan nanaman ako nito ng mata
"Do you want me to stay here with you? Forever?" I asked
"Excuse me, walang forever! Mga immortals lang ang may forever, we are all going to die!" Napatakip ako sa tenga dahil sa pagtinis ng boses nito
"Mabibingi ako sayo, bitawan mo na nga ako"
Walang hirap ako nitong binalik sa tabi niya pero ang lapit naman ng mukha niya sa akin, tumatama na ang inilalabas na hangin ng bibig at ilong niya sa mukha ko, oh god. Dati ay nakakaselos kapag nakikita ko ang paglapit niya sa mga lalaki na halos halikan na niya pero ngayon ay takot na ang nararamdaman ko dahil sa akin na niya ginagawa ang mga ito, nag isahang linya ang aking labi at umatras ng unti pero muli nanaman itong lumapit
"Ano bang nagustuhan ko sayo?" Tanong nito sa sarili "malayo ka sa mga type ko, yung mga type ko bad boy looking at mas matangkad sa akin na or daddy type, bumaba ang standards ko ah" he licked his lower lips at tila ba inaalam kung bakit ako pa ang nagustuhan niya
"Gwapo ako"
"I know" he rolled his eyes
Maya maya ay madrama itong tumayo, napahawak sa noo at umiling, napabuntong hininga ako dahil nagsisimula nanaman siya, kinuha nito ang puting panyo at pinunasan ang pisngi kahit wala namang luha
"Kapag magkasama tayo sa mga public places baka pagkamalan akong kuya mo or mas malala tatay mo!" Madrama ako nitong dinuro "is this my karma?"
Im his handsome karma, dapat nga ay masiyahan pa siya dahil sa kaniya ako nagkagusto, hindi din naman siya ang type ko, ang mga type ko petite pero babae, babaeng maganda, malambot ang buhok, tsaka sexy.
Parang sising sisi siya na mas bata pa ang nagustuhan niya ah?
"Huwag kang mag alala, kasalanan mo din naman ang lahat kaya panagutan mo" ngumiti ako ng samaan niya ako tingin
"Me? Hindi ko kasalanan na you step inside this mansion and mess my life" bumalik ito sa tabi ko at hinalikan ang aking labi
"Ahh gusto mo na ako simula ng unang kita mo sa akin?" Nang aasar na tinusok ko ang tagiliran niya
Sasagot na sana ito ng may lumapit na isang katulong
"Sir" tawag nito kay Alucard "kulang po ng isa ang mga paro paro niyo, naglilinis po kami sa garden at napansin na wala yung kulay pulang paro paro"
Napatayo si Alucard, nanlalaki ang kaniyang ilong at tila sasabog na sa galit
Sneaking out silently---
"Rieux?"
Napatigil ako sa pag akyat sa hagdan at dahan dahang nilingon si Alucard na ngayon ay may nakabahid na nakakatakot na ngiti sa kaniyang labi, tumawa ako ng marahan
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Mas naging creepy ang pag ngiti nito
"Wala ah" iiling iling na sagot ko
"Where are you going?"
"K..Kwarto, i...inaantok pa ako tignan mo oh..." humikab ako at nag unat unat pa "sige matutulog ulit ako"
"RIEUX XARDIS?!!"
Nagmamadali akong umakyat sa hagdan ng malakas itong sumigaw, nasarado ko na ang pinto at na lock pero nasa labas si Alucard at malalakas ang katok sa pinto ko, he freaking wants to break my door, wala akong pagtatakasan dito, im going to die!
"Get out of the room and face me Rieux! Gow dare you kill one of my babies? Huh?!" Gigil na sigaw nito
"Let me explain, hindi ko naman sinasadyang matamaan siya ng batong nasipa ko, may kasalanan ka din naman bakit nakakalat mga paro paro mo sa paligid?" Tumili ito at mas lumakas pa ang pagkatok sa pintuan
"Kakalbuhin kitang bata ka! Babalatan kita ng buhay! At puputulin ko yang gitna mo!"
"Paano kita mapapasaya kung puputulin mo?"
"Maraming paraan!" Sigaw nito sakin
Pinadulas ko ang sarili sa sahig, mukhang wala siyang balak na tumigil, hehehehe
RIP Butterfly
(Pili na kayo ng mga isang friend ni Alucard na gusto niyong isusunod ko, maliban sa mga tapos na at meron ng mga kwento)
