Nang maimulat ko ang mata ay puting kisame kaagad ang nasilayan ko at sa paglanghap ko ng hangin ay amoy gamot at alcohol lang ang naamoy ko kaya pinasadahan ko ng tingin ang paligid and I realized na nasa hospital ako at may nakakabit na dextrose sakin, dahan dahan kong iniangat ang sarili since im using Gatch bed ay hinanap ko ang handle upang maiangat ang kalahati ng kama at nang mahanap ay unti unti kong piñatas ang bandang uluhan ko, I sigh
What happened? Hindi ko na alam ang nangyari, ang naalala ko lang ay mabigat ang ginawa kong pag iyak, im wearing a hospital gown at wala akong suot na underwear buti nalang ay may makapal na kuot na nakabalot sa akin, inabot ko ang remote na nakapatong sa lamesang nasa gilid lang ng kinahihigaan ko at binuksan ang tv na nakadikit sa dingding
Narinig kong Bumukas ang pinto, hindi ko makita kung sino ang pumasok dahil may dingding na nakaharang kaya hinintay ko nalang na masilayan ko kung sino iyon, and I saw Alucard carrying a basket full of fruits and a bottle of water, nagtama ang mata naing dalawa nginitian ko siya pero ang sinukli niya sakin ay pag ikot ng mata at lumapit na sakin umupo ito sa harapan ng lamesa at kumuha ng mansanas sa dalang basket tsaka nagsimulang magbalat, ang tahimik niya wala man lang imik nag away ba sila nung Austin niya? Dala din pala niya yung Chihuahua niyang matagal ko nang hindi nakikita, nakahiga ito sa sofa at mahimbing na natutulog at naka kumot pang kulay pink
"ikaw nagdala sakin dito?" I asked Alucard
Hindi niya ako sinagot, binigay niya sakin ang hiwa nang mansanas na nakalagay sa maliit na bowl, nagpasalamat ako at kumuha ng isa at kinagatan
"bakit ang tahimik mo?" katulad nang kanina hindi siya umimik "kailan daw ako makakalabas dito? Naulanan kasi ako kaya nilagnat"
Sinilip ko siya sa peripheral vision ko at katabi na niya ang kaniyang Chihuahua
"nag away ba kayo ni Austin?"
Kapag inaway niya lang talaga si Alucard hindi ko na siya papapuntahin sa bahay!
That motherfuker!
"nag away kayo?" pang uulit ko
Nang hindi ito suasagot ay inis na inilapag ko ang bowl na may laman pang hiwang mansanas, ibinaba ko ang railing ng gatch bed tsaka ngiwing ibinaba ang paa sa sahig, kinuha ko ang mahabang humahawak sa dextrose tsaka ako tumayo at nilapitan si Alucard, he's caressing his Chihuahua's back
"hey, im talking to you....why are you not answering me? May problema ba? Kung ayaw mo akong bantayan dito ay pwede ka naman nang umuwi, ayos lang ako dito basta ipaalam mo lang sakin kung kailan ako pwedeng lumabas" tinapik ko ang mag ka cross niyang hita upang makuha ang atensyon niya "Alucard---"
Tinapik nito ang kamay kong nasa hita niya at sinamaan ako ng tingin, kaya napakunot ang aking noo what's wrong with him?
I massage the temple of my nose tsaka huminga ng malalim
"go home Alucard, kaya ko naman mag isa.....huwag mo na akong problemahin, go home now" mahinahon kong sabi at itinatayo siya pero nagpapabigat siya at kung pwersahan ko naman ang pagtayo sa kaniya ay baka mabinat ako "come on, tawagan ko nalang si Austin ipasundo kita dito..."
Napatingin ako sa likod ng may pumasok na isang nurse
"Sir, mahiga lamang kayo baka mabinat kayo" tinapunan ko ng tingin si Alucard bago ako bumalik sa kama ngunit hindi ako humiga, umupo lang ako "parating nap o ang pagkain niyo Sir, kapag tapos nap o kayong kumain nandito po ang gamot na kailangan niyong inumin"
Pinakita sakin nang nurse ang maliit na tray na may lamang dalawang gamot
"kailan ako makakauwi?" tanong ko
"bukas ng hapon Sir, paubusin lang yung dextrose niyo"
Tumango ako, umalis na ang nurse kaya muli akong napatingin kay Alucard
"Alucard, go home....don't worry im not going to tell this to my mom, hahahaha" I chuckled and scratch my nape "you hungry? Want me to peel you an orange?"
Nagising ang Chihuahua nito at kaagad na bumaba sa sofa, nagsimula itong tumakbo takbo sa loob ng kwarto at habang nilalaro ang maliit na bolang tumutunog
"what's your name?" tanong ko sa Chihuahua nang tignan ako nito
Tumahol ito at nagpaikot ikot, I squinted my eye upang malinaw kong makita ang pangalan nitong nakaukit sa kaniyang pink na collar
"Violet!" lumapit sakin si Violet and she wag her tail "nice name"
Tumahol ito at nilabas ang dila
"bakit hindi namamansin mama mo?" tanong ko sa aso "pasaway ka ba?"
Nang makaramdam ng pagka ihi ay muli akong tumayo at tinungo ang banyo, napangiwi ako ng maitama ko sa sink ang kamay kong may nakatusok na karayom
"crap" I cursed
Inilabas ko ang alaga ko tsaka tinitutok sa bowl nang matapos ay naghugas ako ng kamay tsaka lumabas na
"hey, Rieux..." nakipag apir sakin si Austin na nakatayo na sa gilid ng kama ko
May dala naman itong pagkain na mukhang niluto niya
Mukhang ayos naman sila ni Alucard dahil nakita ko silang nag uusap kanina
"you ok now? Ang init mo kagabi, nang maidala ka namin dito sa hospital ay pinagalitan kami nung doctor" he laughed "bakit daw namin pinatagal ang pagpunta sayo dito, at kung hindi ka daw namin nadala kagabi ay baka mas lumala pa kalagayan mo"
"s...salamat" siya ang kasama ni Alucard sa pagdala sakin kaya kailangan ko munang kalamahin ang sarili ko
Sa susunod ko nalang siya susuntukin
"naghahabol ka din ng hininga kagabi" mahina nitong sabi sakin
"naulanan ako eh, hindi malakas katawan ko pagdating sa ulan"
Tumango ito
"I see"
Tumayo si Alucard at nagpaalam na lalabas, nang makalabas ay tinignan ko si Austin
"isama mo na si Alucard kapag uuwi ka na" ani ko
"bakit?"
"mukhang bad trip eh, kanina ko pa kinakausap hindi sumasagot"
Natahimik ito, maya maya ay tumango tsaka umupo sa sofa
"kagabi pa siya walang imik ng maidala ka namin dito, pero hindi siya bad trip, nag aalala siya sayo....pinakakalma ko dahil nanginginig na siya sa takot, you're important to him kaya sana huwag nang maulit pa ito"
Natakot ko si Alucard kagabi?
"binantayan ka niya kagabi dito, wala pa siyang pahinga, tinawagan ko kaninang madaling araw para salitan muna kami sa pagbabantay sayo pero sinabi niyang siya na ang magbabantay sayo" dagdag nito "don't worry makakauwi ka na bukas"
