"You may kiss the bride"
Humiyaw si Fix at kino nang maghalikan na ang dalawang newly weds, matapos ay nagpalakpakan kaminh lahat at nagsipuntahan na sa harapan, by group ang pag papapicture.
Nauna na kami sa venue matapos ang picture taking, bantay ni Nessey si Reign dahil wala naman daw siyang magawa, unti unti nang dumadami ang mga tao hanggang dumating na ang newly weds at umupo sa harapan doon nagpatuloy ang kasiyahan, nagsayawan, nagpalaro at marami pang ginawa na ikinasasaya ng mga bisita.
Nasa kabilang table ang circle of friends ni Alucard at busy sila mag usap yung iba sa kanila ay parang may sariling mundo, nagtama ang mata namin ni Carrix nginitian ko siya pero nag iwas siya ng tingin sakin, may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa simpleng pag iwas niya.
Ilang oras ang celebration at nasa cabin na kami, nag aayos na ako ng mga gamit dahil mamaya ay bibiyahe na kami pauwi hindi na kami magtatagal pa dito ni Reign, karamihan sa kanila ay mag s-stay muna dito sa beach resort upang magbakasyon pati sila Kino, Fix at Nessey ay stay din muna dito.
Pumasok ako sa loob ng banyo at naghilamos ng mukha, nagpalit na ako ng damit at inilabas na ang mga luggage, nilakad ko ang parking lot at pinasok ang mga dala sa likod ng kotse bago muling bumalik sa cabin, masayang lumabas si Reign at tumakbo sa buhanginan.
"Stay muna kayo dito" pagpilit ni Nessey
"Reign needs to study"
Home schooled si Reign at monday to friday ay napunta doon ang teacher niya para turuan siya
"Mukhang hindi ko na kayo mapipilit, ingat nalang sa daan," nguso nitong sabi "hoy Kino, Fix! Uuwi na sila Rieux!"
Hindi lang sila Kino ang napalingon pati na din ang circle of friends ni Alucard, kaya nakaramdam ako ng pag ka ilang, patakbong lumapit ang dalawa tsaka ginulo ang buhok ni Reign pero inayos lang din kaagad ng makita ang pagsama ng tingin ko sa kanila.
"Ingat sa pagmamaneho, Rieux" Fix
"Bibisita ako sa bahay niyo Reign, panoorin natin yung Texas chainsaw massacre" ani ni Kino sa anak ko
"Don't let my daughter watch gore movies, Kino" sinipa ko ang likod ng tuhod niya
Itext ko nalang mamaya si Lay kapag nakauwi na kami, busy na yun sa honeymoon nila ni Venus ayoko namang sirain baka ipakulam ako eh, kumaway na kami ni Reign ng makasakay sa kotse.
-
"Stepaniya, sorry im late" umupo ako sa harapan niya at nag order ng maiinom "hinatid ko lang yung anak ko sa lola niya"
Stepaniya, naging mas naging close ko siya nang makabalik ako sa school galing sa pagkakahospital, she claimed that she is my friend wala naman siyang masamang intensyon sakin kaya nagkaroon ako ng tiwala sa kaniya, kinuwento din nito kung paano kami nagkakilala.
"No problem" ngumiti ito
She's wearing contacts hindi na salamin, kaya mas umunlad ang pagiging maganda niya.
"May nalaman ka na ba?" Paninimulang tanong ko
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nitong humigpit ang pagkakahawak sa frappe, bumuntong hininga and the way she looks at me parang hindi maganda ang kaniyang nalaman.
"Inutusan ka ng isa sa mga prof. na ibigay ang folders sa kabilang school" panimula niya
Yeah, gusto kong malaman kung bakit ako nadisgrasya dahil hindi sinasabi nila mom sakin kung ano ang dahilan. Gusto ko lang magkaroon ng kahit kunting kaalaman, at tungkol sa mga nangyari noon samin ni Alucard at kung bakit niya sinasabing nagloko ako at may ginawang kabastusan sa likod niya
