"Ang tahimik ah..." my mom said while hugging my dad's arm
Nasa harapan namin silang dalawa, tahimik lang ako dahil baka mas tumindi init ng ulo sa akin ni Alucard buti nga ay kinatok ni mom ang pinto ng kwarto ko kaya nakalabas ako ng buhay at hindi nauwi sa mga kamay ni Alucard, napatingin ako sa katabi at nang makitang nakatingin ito ng masama sakin at sinisingkitan ako ng mata ay iniwas ko na ang tingin, damn....
"Iuwi mo na ito Tita" maarteng sabi ni Alucard
Natawa si mom, habang si dad ay nakasandal lang sa kinauupuan, tahimik as usual.
"May ginawa nanaman ba tong si Rieux?" Mom asked
"Yes! He killed one of my butterflies!"
"Hindi nga sinasadya---"
"I don't care, sinasadya man o hindi!"
"Papauwiin mo na talaga ako?" Bulong ko para hindi marinig nila mom since hindi pa naman nila alam ang tungkol sa amin dalawa "tsaka sasabihin na natin yung tungkol sa atin diba?"
Hindi niya ako pinansin, pinalayo niya ako sa kaniya gamit ang palad niyang inilapat sa mukha ko. Wag niyang sabihing hindi na niya ipapaalam kala dad ang totoo? Inis na dinampot ko ang tobleron na nasa harapan at kinagatan iyon, nag usap sila mom at tinatanong nito kung may mga bagay pa ba akong ginagawa dito na hindi naman dapat, nginitian ko si Alucard ng tapunan niya ako ng tingin, he rolled his eyes, nawala ang ngiti ko ng sabihin nito ang ilan sa mga kina highblood niya.
Pinandilatan ako ni mom kaya umungol ako at tumingala
Matapos mag lunch ay nagsimula ng magpaalam
Sinundan ko si Alucard papunta sa kwarto nito kahit wala naman siyang sinabing sundan ko siya, yung mga gamit ko din ay nakaayos na kukunin ko nalang sa loob ng kwarto ko.
"What?!" He shouted
"Shhh, marinig ka sa baba, baka sabihin na ni ra-rape kita" natawa ako ng mapulahan ito ng mukha
"Finally tapos na din ang pag aalaga ko sa pasaway na batang hindi marunong makinig sa akin" he sarcastically said at umupo sa dulo ng kama "tita and tito are waiting for you downstairs, so move your ass and go home"
Padabog na nilapitan ko siya hanggang nasa harap na niya ako, nakakunot ang noo ko, sinipa ko ang bola ni Violet kaya kinurot ni Alucard ang tagiliran ko
"Huwag mo kong artehan Rieux"
"Excited kang umalis na ako, baka may kikitain ka lang na iba, baka araw araw na din dito si Austin at baka mahulog kayo sa isa't isa. Don't you want me to stay here with you? Ang layo ng bahay namin sayo"
"Bakit? Can't you drive and visit me here?" Taas kilay nitong sabi
"Ikaw ang bumisita sakin!"
"Aba! Why me? I don't want to waste my time driving and sweating myself just to visit the top"
"Sinasabi mo lang yan dahil sa paro paro mo----"
"Nawala na galit ko sayo" he murmured
Niyakap ko siya at hinalikan ang kaniyang noo
"Tayo naman na kaya bakit hindi nalang tayo tumira sa iisang bahay?" Tanong ko bago kami naghiwalay ng yakap
"Magtapos ka muna ng pag aaral then magpalaki ka, gusto ko yung malakihan mo ko para kapag mag live in na tayo hindi ikaw pagkamalang bottom" tumayo ito at sinuklay ang buhok ko "oh god bakit biniyayaan pa ako ng bata? All i want naman is yung badboy looking"
"Mahal mo ba talaga ako?" Inis kong tanong
"Im so in love with you..." he touched both of my shoulders and started to push me outside his room
Nakatakip ang mukha ko ng dalawa kong palad dahil sa pamumula nun, bakit ba biglaang lumalabas mga matatamis na salita sa labi niya? Hindi man ako pinaghahanda! Nambibigla siya!
Para tuloy akong bottom sa aming dalawa, tsk
"Aalis na kami, Alucard...salamat sa pagbabantay at pag aalaga sa anak namin" pasasalamat ni mama
Pumwesto na ako sa likod at binaba ang bintana para makita ako ni Alucard
"You're welcome tita, don't forget ah? Yung promise mo"
"Of course naman, sige na. Thank you ulit----" nilingon ako ni mom "say thank you Rieux"
"Thank you" kinindatan ko si Alucard pero sinuklian niya lang ako ngiwi
"Mom can we go to Behatti's house?" Sabi ko ng makapasok na si mom sa passenger seat
"Sure sure"
Itataas ko na sana ang bintana ng may kamay na tumigil doon
"Alucard? Why? May sasabihin ka pa ba?" Nagtatakang tanong ni mom ng makita si Alucard na ipinasok na ang ulo sa bintana
"Aalis na kami" sabi ko habang gulat pa ding nakatingin sa kaniya
"Excited?" Binuksan na nito ang pintuan at pumasok sa loob "tita, im going to visit your house pala"
"No problem"
Nilapit ko ang labi sa tenga ni Alucard
"Bakit biglaan kang sumama?"
"Am i not allowed na sumama? Why? Dahil ba makikipagkita ka?"
Ngumisi ako ng ma realize ang gusto niyang iparating, he's jealous?
"Don't worry ikaw lang naman ang nagpapatibok ng puso ko" tinapik nito ang kamay kong dumapo sa hita niya
"Are you flirting with me?" Nandidiri nitong sabi sakin
Buti nalang busy yung parents ko na mag usap tungkol sa mga masasayang nangyari sa pinuntahan nila kaya hindi nila kami napapansin dito sa likod.
"Who's Behatti? Matapos mong umalis sa bahay diretso ka sa Behatti na yun?" Umuusok na ang ilong nito kaya mas napangisi ako
"Don't be jealous, Behatti is my three years old cousin" Also Behatti is a girl.
"Really?"
"Really"
"Huwag ka dumikit sakin" he hissed at siniksik ang sarili sa gilid "para kang linta"
"Huwag kang lalapit sakin mamaya" inis na tumingin ako sa bintana
Akala mo kung sino
"Ikaw ang huwag lalapit sakin at ako lang ang pwedeng magdesisyon kung lalapit ka o ako ang lalapit" rinig ko pang sabi nito
Tinext ko kaagad sa Gc na uuwi na ako sa bahay, ginulo ko ang buhok ng maalala na malayo nanaman ang biyahe papunta sa school at kailangan nanaman na maaga ang gising ko!
Kakausapin ko nalang si mom tungkol dito, para may dahilan na din ako na mag stay na permanently sa bahay ni Alucard hahahahaha.
(Lovelots mysties, tagal ko na ding hindi nakapag update dito since naging busy ako mag update sa isa kong story, 😘)
