"Nasaan ang anak ko?!"
"Kayo po ba ang parents ni Mr. Xardis?"
Tumango ang mag asawa
"Malaki po ang natamo ng anak niyo, nabunggo ito ng rumaragasang truck ayon sa pulisya lasing ang nag da drive ng truck kaya nangyari ang trahedya" napakapit si Mrs. Xardis sa braso ng asawa ng marinig ang sinabi ng doctor sa kanila "nalinisan na namin ang sugat niya, sobrang lakas ng pagkakatilapon niya buti ay naagapan kaagad dahil kung hindi ay baka ang kalahati ng katawan niya ay hindi na makakilos pa sa madaling salita hindi na niya magawa pang makalakad. Hindi po natin alam kung kailan magigising ang anak niyo at sasabihin ko na din na baka magkaroon ng amnesia ang bata dahil masiyadong naalog ang kaniyang utak at tumama din sa sahig ang ulo nito"
"Nasaan na ang anak namin?" Tanong ni Mr. Xardis
Pagsisisi ang naramdaman ng mag asawa dahil nasa ibang bansa sila nang mangyari ang aksidente, kagabi lang nila nalaman ang balita kaya dali dali silang nag book ng ticket pauwi.
"Ang anak natin" humagulgol si Mrs. Xardis ng makita ang anak na nakahiga sa isang kwarto at madaming aparatus ang nakatusok sa katawan
"Lalaban ang anak natin" ani ni Mr. Xardis
5 years later.
"Papa look oh, look at my drawing" pinakita sakin ni Reign ang coupon bond na may drawing niya "this is me and you and also, lola and lolo"
Ginulo ang buhok niya at kinuha ang coupon bond
Idinikit ko iyon sa dingding ng kwarto niya na kaagad niyang ikinangiti at niyakap ang hawak na teddy bear
"Reign....sabi ni yaya hindi ka nanaman daw uminom ng gatas kaninang umaga" nakapameywang na hinarap ko siya "nangako ka saking iinom ka ng gatas"
Ngumuso ito
"Papa, big girl na ako kaya"
"You still my baby"
Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok, Reign Xardis my daughter. Nang magising ako sa dalawang taong pagkakatulog ay bumungad kaagad sakin ang mukha ni Reign karga karga nang dalawang mag asawang nagpakilalang mga magulang ko at sinabi nila na anak ko daw si Reign, tinanong ko kung nasaan ang nanay ngunit sabi ay nagsuicide dahil sa pag ka depress at iniwan sa harapan ng bahay ang sanggol, hindi din nagdalawang isip pa sila mom at dad na kunin dahil kamukha kamukha ko siya.
Until now.
She's the girl version of me.
Wala akong maalala na kahit isang detalye, nung una hindi ko matanggap na may anak ako ngunit habang tumatagal napapalapit ang loob ko sa bata.
Grumaduate akong may dalang anak sa stage hahahaha, she's clingy.
Now im a toy factory owner, 90% ng laruan na ginagawa sa factory ay binebente while the 10% binibigay sa mga charity.
Bumaba kami ng hagdan at pinasuot ko sa kaniya ang sandals niya, she's a four years old kid.
Kinuha ko ang luggage naming dalawa at sabay kaming lumabas binati kaagad kami ng security guard, inalalayan umupo sa passenger seat ng kotse si Reign at nilagyan ko na ng seatbelt, patakbo akong nagtungo sa driver seat at pinaandar na ang makina.
![](https://img.wattpad.com/cover/291496103-288-k70234.jpg)