"malapit na ang uwi namin Rieux, marami kaming biniling pasalubong ng dad mo...but let me ask you, are you behaving? behave ka ba diyan? hindi mo ba binibigyan ng sakit ng ulo si Alucard?"
err—this past few days? uhm I think im behaving, slight? perhaps five percent but god atleast im behaving, hindi ko na siya gaanong kinukulit ang sakit kaya nang palo niya sa akin kapag umiinit ulo niya o di kaya ay naiinis parang bakal yung kamay niya
nakahiga ako ngayon sa sofa dito sa sala habang pinapanood si Alucard na nakaupo sa yoga mat, kasama niya si Jana parehas silang nag me-meditate habang nakikinig sa meditation music, may face mask pa si Alucard sa mukha na kulay berde, he's wearing a white leggings, pink fitted croptop and a pink headband na may ribbon pa sa gitna...nasa tabi nito si violet na natutulog at nakasuot nang damit, mas mayaman pa ata yang aso kaysa sa akin nakitaan ko din ito kahapon na may mini birkin bag na regalo daw ni Alucard nung bday nito, this dog is spoiled.
"are you listening, Rieux?" my mom interrupt again
"yes" bored kong sagot
"may ipapabili ka ba?"
"wala"
"ask Alucard kung may ipapabili ba siya para naan mabili na namin"
inilapag ko ang phone sa dibdib tsaka nag psst kay Alucard, hindi ako nito pinansin kaya inulit ko, nang maidilat niya ang mata at tinaasan niya ako ng kilay
"ano daw ipapabili mo?" I mouthed
"what?" he hissed
idinikit ko ang phone sa tenga
"what daw yung gusto niya" I chuckled when I heard my mom cursed
"goodness Riuex" sa inis sa akin ay binaba na nito ang tawag
kailan pa sila matatapos? mag ka-kalahating oras na sila diyan ah, tumayo ako at nag unat unat ng katawan bago sila nilapitan, umupo ako sa pagitan nang dalawa at inabot ang popcorn na nasa plastic container at nagsimulang kumain nagising si Violet at umalis sa tabi ni Alucard para matulog sa sofa na kinahihigaan ko kanina, ngunguyain ko palang yung popcorn nang sikuhin ako ni Alucard, napangiti ako at inilapag ang baba sa kaniyang balikat hindi siya nagreklamo kaya mas lalo akong napangiti at ginawa nang unan ang balikat niya
sexy si Jana, makurba ang katawan at malaki ang pang upo, mahaba ang buhok at napaka amo nang mukha, kapag nandito si Kino ay baka kanina pa niya ito pinopormahan at baka kinabukasan makikita ko nalang silang dalawa na nag da-date pero malas tong si Jana kapag nakita siya ni Kino, tsk uuwi tong luhaan, knowing Kino? he's a fucking playboy halos lahat ng makitang babae lulundagan, naghihintay nalang kami nila Nessey na makarma siya
Alucard cleared his throat kaya naalis ang tingin ko kay Jana, nakatingin pala sa akin si Alucard through my reflection sa kaharap na salamin, tinulak ako nito papalayo kaya hindi ko kaagad naibalanse ang katawan dahilan nang pagkakabangga nang aking braso kay Jana, dumilat ito at gulat akong tinignan
"sorry, hindi ko sinasadya" I said
inilagay nito ang buhok na napupunta sa kaniyang mukha sa likod nang kaniyang tenga at ngumiti "ayos lang"
hinahangin ang buhok niya, hindi ako ang nasa sitwasyon niya pero para ako yung naiinis, ualis ako sa gitna nila at lumapit sa maliit na box tsaka iyon binuksan tumambad sa akin ang iba't ibang kulay nang ipit, pinili ko ang asul dahil yun ang bagay sa inosenteng mukha ni Jana, bumalik ako at inilahad ang asul na tali sa kaniya
tumaas ang kilay ni Alucard, nang magtama ang mata namin ay galit itong nag iwas kaagad nang tingin at mariing pinikit ang mata
"salamat, nasira kasi yung tali ko eh" ani ni Jana at tinali ang buhok
napa wow ako nang makita yung tattoo nito sa batok lumuhod ako at as tinignan pa iyon
"you're so cool" I blurted out "gudetama, right?"
"you like that too?"
napakamot ako sa batok at umiling
"nung bata ako napapanood ko lang tsaka mahilig si mom sa gudetama, marami siyang collection noon pero pinamigay na niya sa bahay ampunan" kwento ko
"may gudetama collection din ako, until now ay nag co-collect ako. May tattoo pa ako nang gudetama"
inunat nito ang braso at may maliit na gudetama na may hawak na ice cream
"last month lang ito" she said
magsasalita na sana ako nang patunugin ni Alucard ang leeg
"Rieux" he calmly calls my name
"hmm?" ngiting pumunta ako sa harapan niya habang nakaluhod at magkasalikop ang dalawang palad "shrek" I whispered na narinig nito dahil pinanliitan niya ako ng mata "just kidding hehehe"
pumikit ito, kumunot ang noo ko....akala ko ay may sasabihin siya?
kinagat ko ang ibabang labi hindi pa din umaalis sa harapan niya, nang wala na akong magawa pa ay inilapit ko ang katawan sa kaniya, tumingin muna ako kay Jana nang makitang nakapikit ito ay niyakap ko na si Alucard at ipinahinga ang aking ulo sa kaniyang balikat, I sniff him and as usual mabango
"stop hugging me, Rieux" he whispered, tumatama ang hanging binubuga nang kaniyang bibig at hanging inilalabas ng kaniyang ilong sa leeg ko
"why? tinawag mo ko pero wala ka namang sinabi" I pouted
"masama bang tawagin ang pangalan mo?" I bet he's raising his eyebrows right now "Im annoyed, hindi mo ba feel?"
"bakit ka naiinis? dahil ginugulo kita?"
"dahil binigay mo yung tali ko, that's mine Rieux"
I ruffled the back of his hair
"don't worry bibilhan kita nang mas maganda pa don" pag aalo ko
niyakap ako nito pabalik at bigla nalang bumilis ang tibok nang puso ko
"why beating so fast?" namula ang buo kong mukha nang sexy itong tumawa nang mahina at idinikit ang labi sa aking tenga
lumayo ako at tumayo, he's smirking now
"uhmm....im going to my room" paalam ko
nang makaakyat na at makapasok sa kwarto at sinabunutan ko ang sarili at nagmamadaling lumapit sa salamin, pulang pula na buong ukha ko para na akong kamatis nito at alam kong napansin niya din iyon but fuck my heart para bang sasabog na ito
