Chapter 23

4.4K 124 17
                                        

"Uy look oh"



Sinundan ko ng tingin ang nginunguso nito pero hindi ko pa natitignan ng maayos ang nginunguso niya ng hinampas niya ang braso ko at kinurot ang tagiliran, mariin kong pinikit ang mata



"What the hell is wrong with you?"


"What the hell is wrong with me? Well wala akong kasalanan, ikaw ang meron, you cheated in front of my face! You stupid flirt!"



Buti nalang ay nandito na kami sa loob ng kotse niya kundi marami nanamang nakatingin sa amin, uwian na kaya sinundo niya ako dito sa school, umuwi siya kanina sa bahay niya para tignan ang mga alaga lalo na si Violet at para na din kunin ang isa niyang sasakyan, wala na talaga siyang planong umalis sa bahay.


"Anong cheat? Ikaw ang ngumunguso doon sa babae sinong hindi titingin?"



Lumaki ang butas ng ilong nito, aawayin nanaman niya ako, lagi nalang.



"Wala akong sinabing gender bakit alam mong babae yun?" Halos magkabanggan na ang kilay niya sa pagkunot ng noo sakin


"Dahil sa babae ka lang naman nagagalit, kapag may kausap akong lalaki hindi ka nagagalit" hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa manibela "naghahanap ka talaga ng ikaaaway nating dalawa"


"Sinisigurado ko lang kung sakin ka pa din" ngumuso ito at tinapik na ang kamay ko "how's school?"


"Same as usual" kibit balikat kong sagot



"Baka kinakausap mo yung---sino yun? Yung four eyed girl?"




Tinapunan ko siya ng tingin "Stepaniya"





Ilang beses na niyang tinatanong ang pangalan ni Stepaniya pero nakakalimutan din niya kaagad, speaking of Stepaniya she's talkative pagdating sakin perhaps because she's comfortable to me? Hindi ko kasi siya nakikitang nakikipag usap sa ibang mga lalaki minsan pa nga ay pinagkakamalan na may relasyon kaming dalawa na kaagad naman naming tinatanggi, ang mahalaga hindi siya katulad ng ibang babae na ma fa-fall kaagad, kaibigan turing niya sakin ganun din ako.




"Nag uusap kami Alucard pero usapang kaibigan lang"




"Usap pa din iyon"





Nagbuga ako ng hangin, nang makauwi sa bahay ay kaagad akong nagpalit ng pambahay at dumiretso sa court malapit lang dito sa amin, nakita ko kaagad ang mga kalaro ko noon, nag fistbomb kami bago nagsimulang maglaro.





Ibinato sa akin ang bola na kaagad ko namang nasalo at shinoot sa ring kaya sa amin nanaman ang puntos, tumakbo ako sa kaliwa at tinaas ang dalawang kamay upang iblock ang pagpasok sa ring, nagpatuloy ang laro at madami na din ang nanonood, pinunasan ko ang pawis sa mukha gamit ang damit, tinapik ng ka team ko ang balikat ko kaya tumango ako at tumakbo sa kabilang side ng court ng maagaw sa amin ang bola





"Tangina nakakapagod" sigaw ng isa sa mga kalaban





Nagtagal din ang paglalaro namin na sa tingin ko ay dalawang oras, bumili ako ng palamig at mabilisan iyong iniinom dahilan ng pagkakaroon ko ng brain freeze ngumiwi ako at hinawakan ang ulo, natawa ang mga kasama ko at inasar pa ako.





"May girlfriend ka na ba Rieux?" Tanong ng isa sa kanila




"Meron na" ngumiti ako ng maalala si Alucard





"Siguradong mas maganda kay Roxan" nagsikuhan ang mga ito





Roxan siya yung pinaka maganda at tinatawag na crush ng bayan, maganda ito at laging nauuwi ang korona kapag sumasali sa mga pageant, may gusto ito sa akin pero binusted ko dahil sobrang daming nagkakagusto sa kaniya, masiyado siyang maganda at hindi na iyon ayos para sakin, she's out of everyone's league, maraming nagalit sakin ng malaman na binusted ko si Roxan pero hindi ko nalang din pinansin.





Alucard Royce(COMPLETED)Where stories live. Discover now