Umupo si mom sa harap namin at hinihilot ang sintido, ngumiti ako kay Alucard dahil alam kong hindi na makakawala pa ito ngayon at sasabihin na din niya ang tungkol sa amin pero nang makita na seryoso ang mukha nito ay dahan dahang nawala ang ngiti ko
"Alucard, pinagkatiwala ko sayo yung anak ko" paninimula ni Mom, disappointed. "Akala ko ay close na kayong dalawa in a way na tinatrato mo siyang nakababatang kapatid mo pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari?"
Napahinto ang isang katulong sa paglapit ng makita ang mainit na pag uusap ni mom at Alucard, nagkaroon lang kami ng mga katulong nang makauwi sila mom at dad para daw sa susunod na alis nila ay pwede na akong maiwan sa bahay at may kasama na din ako.
"Hindi pa graduate ang anak ko Alucard"
Eh ano naman?
"Tita, im sorry....hindi kaagad namin nasabi sa inyo"
"Ibig sabihin matagal nang may kayo? May nangyari na ba sainyo?" Lumalabas na ugat ni mom sa leeg, mababato na niya kami ng tsinelas
Sabay kaming tumango ni Alucard
"Lumapit ka sakin Rieux"
"Mom"
"Lumapit ka sakin!" Tumayo ako at lumapit kay mom "ayoko ng makita ka Alucard at kung maaari huwag ka na ding magpakita pa sa anak ko"
Doon na ako nagsalita pero pinutol din kaagad ni mom, kinuyom ko ang kamao, nilingon ko si Alucard nakayuko ito at nilalaro ang mga daliri, i don't want him to leave, hindi ko maimagine na hindi ko na masisilayan pa si Alucard, kung aalis siya aalis din ako, babalik ako kapag pumayag na si mom sa aming dalawa.
Narinig ko ang pagbukas ng gate, pumasok si dad at nagtaka ng makita si mom na galit, tumayo si mom at nilapitan si dad tsaka sila nag usap, sinabi din ni mom ang lahat pati ang nakita. Bumuntong hininga si dad at napailing ng tapunan ng tingin si Alucard bago umakyat sa hagdan at pumasok sa kanilang kwarto dahil may gagawin pa ito
"Naiintindihan mo ba ako Alucard? Hindi ka na pwede pang magpakita sa anak ko! Leave. Leave right now!"
"Mom, stop!"
Inis kong sabi
"Hindi namin kasalanan na mahalin ang isa't isa, ga-graduate ako kasama si Alucard, hindi ko pababayaan ang pag aaral ko, hindi na ako gagala ng gagala o kaya ay iinom sa party kasama ang mga kaibigan ko. Im willing to stop all of those just for Alucard and for you to accept our relationship, nasa tamang edad na ako mom" sabi ko habang nakakuyom ang kamao
"Rieux...." tawag sakin ni Alucard "let's stop this"
"Stop? You told me that we will going to face mom na may tapang, nangako ka din na ipaglalaban mo yung satin"
He fidgeting his fingers.
Unti nalang ay maiiyak na ako, dahil parang wala nang nangyayari, parang hindi niya ako kayang ipagalaban, nagtiwala pa naman ako sa kaniya tapos ganito lang? I feel betrayed....
"I hate all of you!" Sigaw ko at dabog na umakyat sa hagdan
Nang makapasok sa loob ng kwarto ay dumiretso ako sa kama ay binaon ang mukha sa unan, doon ako umiyak ng umiyak. I hate my mom, i hate Alucard!
"Rieux...."
Niyakap nito ang bewang ko sabay buhat sakin kaya nasa ibabaw na ako ng hita nito
