"Papa, why am i wearing this?" She touched her tummy and wiggles her butt
I chuckled and shook my head, she's really beautiful.
"Diba dresses are for occasions only? tomorrow pa ang wedding nila Tito Lay eh"
Marahan kong pinisil ang tungki ng ilong nito at ibinaba siya sa upuan nang matapos kong ayusin ang ribbon ng kaniyang suot na dress.
"Mag bo-bonfire tayo sa dalampasigan, i want my baby to wear a beautiful dress" i said
"Why papa?"
"Hmm, do you wang wear pajama?"
She pouted at kinuha ang teddy bear nitong nasa ibabaw ng kama at bumalik na sakin, umiling ito kaya natawa nalang ako, matapos kong suklayan ang kaniyang buhok ay nilagyan ko siya ng headband bago kami lumabas ng cabin at nagtungo na sa dalampasigan, nang makarating nakita ko si Venus at mga babae nitong kaibigan na nag kekwentuhan habang sila Lay naman ay busy sa pag iihaw ng makakain namin, yung ibang mga bisita ni Venus na mga kalalakihan ay nag lalagay ng banana leaves sa ibabaw ng mahabang lamesa.
Nagpababa na si Reign at kaagad na nilapitan si Venus na ngiti naman itong sinalubong ng yakap at halik sa noo
"You're so gorgeous naman" ani ni Venus kay Reign
"Papa put my headband oh" tinuro ni Reign ang pulang headband na nasa kaniyang ulo
Pinanggigilan din siya ng mga kaibigang babae ni Venus, lumapit ako kala Lay at tinulungan silang mag ihaw doon ko napansin na masama ang tinging ibinibigay sakin ng mga nasa gilid, napansin naman nila Kino iyon kaya lumapit ito sa kanila at may sinabi, mas lalo pang sumama ang tingin nila sakin.
"May ginawa ba akong hindi maganda?" Siniko ko si Lay na napatingin sakin
"Huh? W..Wala" nag iwas ito ng tingin
"Bakit daw?" Tanong ko kay Kino nang makabalik siya sa pwesto namin
"Gwapo ka daw kasi kaya naiinggit sila" tawa nitong sabi at iniwan kaming nag iihaw para puntahan ang mga kaibigan ni Venus
Matapos mag ihaw inilagay namin sa banana leaves ang mga pagkain, si Nessey ang nag design kasama si Venus.
Nginitian ko si Reign ng tawagin niya ako at ipakita ang marshmallow na nakatusok sa stick
I grabbed the bottle of water and drunk it straightly.
"Tita Venus!!"
Halos magkadapa dapa na ang batang lalaki sa pagtakbo papalapit kay Venus, siya yung bata kanina. Inilibot ko ang tingin hanggang makita ko ang mommy nitong nakasuot ng see through polo at wide leg pants nakatali ang medyo mahaba na nitong buhok, his golden eyes are shining parang mga bituin na kumikinang sa itim na kalangitan.
Kumunot ang noo ko, he's familiar at the same time he's not familiar.
"Oh-oh" Kino
Our eyes met, wala akong makita sa mga mata niya kundi galit at kalungkutan, may kung anong humalughog sa kalamnan ko.
Umupo na ako sa kahoy na upuan kaharap ang apoy, tumakbo naman papalapit sakin si Reign at ibinagsak ang kalahati ng katawan sa balikat ko kaya natatawa ko itong pinaupo sa hita ko, yung batang lalaki kanina ay nasa tabi na ng mommy niya at nakatalikod sakin ngunit nang mapaharap siya sa pwesto ko ay napangiti ako dahil kamukha niya yung mommy niya maliban nalang sa kulay ng buhok, kakulay niya ang buhok namin ni Reign.