Level 25 [Magical Game]

34.8K 558 100
                                    

(===== K A R U G T O N G ======)

"Key... Do you really exist?" 

Halatang di niya ako makuha, nagtataka siya kung ano siguro yung pinagsasabi ko. Si Key, pangalan niya pa lang nakakaloko na, saan ka nakakita ng Key Park? Ako lang naman kasi ang gumawa nun, itsura niya, shit, mapapagulong ka sa sahig kahit pa puro tae at bato yan, sa sobrang kagwapuhan niya, kasi ako ang gumawa sa kanya. Ugali? Hay, pakamatay ka na kung di mo magugustuhan ugali niya,

I am the one who created him.... To love me.

Alam kong nagiging corny nanaman ako pero, hanggang saan? Hanggang kailan? Hanggang kailan kami ganito? Bakit? Di ba pwedeng sana reality na lang ito? Bakit si Key pa? Sana siya na lang ang pumalit sa mga lalaking walang kwenta, nambubugbog ng babae at nambababae.

Sana totoo na lang siya.... Sana, sana...

"Girlfriend? Of course, I exist. Kung di ako nag-eexist edi sana wala ako dito" Sabay kuha ng kamay ko, pinisil pisil niya yung dalawang kamay ko at pinagdikit ito.

"At kung di ako nag-eexist, wala kang boyfriend na tulad ko" (~^_^~)

T.T Nakakajeje na ah, gulong-gulo na ako, may point siya. Pero sino ba talaga yung nag-eemail sa akin and ano yung Love Plus Online? Bakit alam ni Liam yung LPO?

Bakit namin alam yun? Samantalang wala namang LPO dito, walang nakakaalam nun at wala talagang larong Love Plus Online sa mundong ito.

Kung iisipin, kung sakaling makapasok kami sa isang Virtual world, ano yun Sword Art Online? -_- Imposible talaga, di ko alam kung paano o anong nangyari,

"...Keep playing Love Plus Online"

Then, kailangan ko lang is maglaro, pero ang hirap, ang hirap makipaglaro sa pag-ibig.

"Nothing, sorry kung di kita pinapansin ah"

"Hindi okay lang girlfriend, tara na :)" Inabot niya yung kamay niya at hinawakan ko naman yun.

Kung iisipin, pakiramdam ko nga parang hindi reality ito na reality, gulo ko. Mahirap makipaglaro sa Love dahil once na bumagsak ka at nawala ang taong sasalo sayo, broken hearted ang aabutin mo, ngayon alam ko na ang ibig sabihin nung lyrics ng kanta ni Taylor Swift. (IF YOU KNOW WHAT I MEAN)

Liam's POV

Oo nga no? Bakit ngayon ko lang naisip yun? Suddenly nagising na lang ako isang araw, may pagkaweird na yung mundo. Kahit ako di ko rin maintindihan kung anong nangyayari, si Jane, nagbago, yung mga classmates ko na babae na sobrang hilig sa larong LPO, isang araw lang natigil na yung pagkabaliw nila doon.

Kind of weird din yung mga kaibigan ko, parang di ko na sila kakilala, pero close kaming magbabarkada.

Hmm, bakit kaya? Ang gulo naman.

"Naah~ Nakakainggit talaga yung dalawang 4th year, ang sweet talaga nila"

Agad naagaw ng atensyon ko yung dalawang babaeng nag-uusap, tumingin ako kung saan sila nakatingin, si Jane at si Key pala, magkasama nanaman.

Ano pa nga bang bago? Kalat naman na sa school na sila na. Bobo mo kasi Liam eh, edi sana nagtapat ka na nung gabing... Gabing? Huh? Anong gabi? Anong nangyari nung gabi? Teka, ano ba tong pinagsasabi ko?

*FLASBACK*

[August 31st, 12:02 AM]

"Ma, gabi na di pa ba tayo uuwi? Gusto ko na matulog, may pasok pa ko bukas" Reklamo ko sa nanay ko na ang tagal nakatambay sa bahay ng tita ko.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon