***KARUGTONG***
Jane's POV
"NYAH! INUMAN na!" Malakas na sigaw ni Scarlet.
"YEAH!" Lahat naman sumigaw din at sinimulan na ang pag-inom ng.... Alak malamang alangan naman na tubig. -_- Oo nga pala, nasaan na nga ba kami?
NASA CLUB LANG KAYA KAMI NI KEY -_- Kakainis kasi itong babaeng ito! Menor de edad pa kami pero nakapasok na kaagad kami dito, this is my first time EVER. Nag-aya siya na magdinner pero di ko naman inexpect na inuman pala ang meaning nun sa kanila -_- kaya pala ayaw sumama ni Key, ako naman hindi makahindi kasi kung makiusap si Scarlet as if na CLOSE KAMI. -_- Malandi na nga FC pa! YAN TULOY! Di na ako nakapalag kasi malay ko ba na dito kami pupunta at isa pa....
WALA AKONG DALANG PERA PAMASAHE PAUWI T_____T No choice, nahihiya naman ako kay Key manghingi ng pera kanina pa siya gastos ng gastos sa akin. By the way, nakarating kami dito sakay ng kotse ni Scarlet... Yaman no? PAANO SIYA NAKAPAGDRIVE? O.o Eh samantalang 16 pa lang siya. Baka naka-student license.
"Key! Come here! Dance with me" Nagulat ako ng biglang hinatak ni Scarlet si Key. Nabitawan ko tuloy yung kamay niya.
Tumingin sa akin si Key na para bang ayaw niya akong iwanan, pero sinenyasan ko siya na sige sumama ka na sa kanya. KAHIT NAKAKABWISET, hindi ko siya pinigilan...
"Oh My gosh! Si Key ba yun?" Kahit sobrang lakas nung music narinig ko pa din yung mga babaeng nagtsitsismisan sa likod ko kaya napatingin ako sa kanila.
"Oh Em, he's so cute talaga... It's been a year na rin siguro since last ko siyang nakita, well, gwumapo siya lalo and I love him na talaga ngayon" Sabi nung isang babae, well, ANG GANDA NIYA.
"Sorry girl, kay baby Scarlet na siya" Tumaas yung kilay ko nung marinig ko yun >:( Huh? EWW!
"Scarlet? Aww, I'm late na, well, bagay naman sila, Scarlet is damn gorgeous and Key? Well, no comment :")"
Bagay sila? Saan banda? :< Tsk, sana pala di ko na lang binitawan yung kamay niya.... Sana pala...
Sa bagay kung titignan nga naman, si Scarlet maganda, model pareho ni Key na gwapo at model din parehas pa yata silang pantasya ng buong bayan, bagay nga sila... :( Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ko maexplain, parang di ako makahinga kapag naiisip ko na bagay sila.... Eto ba ang tinatawag na selos?
Napatingin ako kung nasaan si Key at si Scarlet and.... O.O What the heck?!
Ang daadadaddadaddaddaming naghahalikan! O.o Ganito ba talaga dito? Pugad ng mga kalan? O.O Grabe! Iniwas ko kaagad yung mata ko sa mga naghahalikan na mga kalan then.... Sa upuan, lamesa, corner, kahit saan! Ang daming naglalaplapan! O.o
WAAAAAAAAAAH! Bakit ganito dito????? Sa sobrang pagka-shock ko, napaatras ako and nagulat ako ng may tumakip ng mata ko inalis ko nama kaagad yun para tignan kung sino and...
Ang gwapo.... Pero mas gwapo pa din si Key :") Teka teka! Bakit naiba nanaman yung usapan?
"Nakakadiri ba?" Tanong sa akin nung gwapong lalaki.
"A...Ang alin?" Medyo utal kong boses na tanong sa kanya.
"Hahaha! Whatever, first time mo lang siguro dito no?" Biglang siyang tumawa and.... MY GOSH! Ang gwapo~ Pero mas gwapo si Key :D
"So... Drinks?" Inaya naman ako nung guy na hindi ko alam yung name pero dahil sa nakakaOP naman talaga at nakakahiya namang tumanggi, pumayag ako total dun lang naman kami sa parang mini-bar hahaha DI KO ALAM TAWAG DUN, basta kung nasaan yung bartender, yun na yun.
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
RomantikWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...