Jane's POV
"Good Morning Jane" Masayang bati ni Liam sa akin nang pumasok ako sa classroom. UTANG NA LOOB NAMAN! Hindi naman ako teacher para araw-araw na lang niya akong binabati!
"Okay" As usual na sagot ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla na lang akong hampasin ng bestfriend ko na si Aly.
"Aray! Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko dito.
"Alam mo, August na! MANHID KA PA DIN! 4TH YEAR NA TAYO, MANHID KA PA DIN! Walang pagbabago Jane! Tsk tsk. Kaya NBSB eh" Sabi ni Aly. Inirapan ko lang siya, landi talaga nito.
Pagkaupo na pagkaupo ko, ayan nanaman itong si Aly at Syrra, kwento nanaman about doon sa korean novela na napapanood nila, si ganito daw hinalikan na si ganito, tapos ganyan ganyan, ganito ganito... Simpleng Kalan! Ang lalantod, tsk tsk.
Tapos eto nanaman, napansin nanaman ako, wala pa raw akong boyfriend, NAPUNTA nanaman sa akin yung topic, inasar nanaman ako. Agad ko naman sila syempre bwineltahan.
"Bakit? Ako lang ba ang wala pang boyfriend sa classroom? Aly, ikaw din naman diba?" Sarcastic na pagkakasabi ko.
"Ehem! Kami na kaya ni Aly" Singit ni Allen.
"WHAT?!" Nanahimik lahat ng classmates ko ng mapasigaw ako. No... NO WAY! Inunahan pa ako nitong babaeng ito?! O.o HALA.
"Whatever, ang aga niyong lumandi... Mga Kalan" Sabay talikod sa kanila.
"Asus! Mamaya tumanda kang dalaga dyan sige ka!" Sigaw ni Aly sa akin.
Hindi ko alam ko alam kung bakit tumatak sa isip ko yung sinabi ni Aly, tatanda ako ng dalaga? Sus, hindi mangyayari yun, ayoko nga! Hindi naman kasi sa ayaw kong magboyfriend, masyado lang kasi akong bata at hindi pa ko pwede, ayaw ng parents ko. HELLO?! Baka kapag nalaman nilang mayBF na ko, umuwi silang lahat para lang sampalin ako, huwag na lang.
"Suarez, Cruz. Kayo ang magkapartner sa origami ah"
"AYIEEEE" Nagsihiyawan naman yung mga classmates kong pinaglihi sa kalan. Ano nanaman ba?!
Nakakainis talaga sila, lagi na lang nila akong ni-lilink dito kay Liam, crush daw kasi ako neto. DAW ahh, meaning to say, walang kasiguraduhan. Tss. Ayokong maniwala sa sabi-sabi, ayokong mag-assume at HINDI ko type si Liam, FYI.
"Nice Liam!" Sigaw ng isa kong classmate.
After class, kinausap ako nitong si Liam, sila Aly naman kung makatingin at makangiti sa akin. =..= Mas gugustuhin ko pang kapartner si Aly na hindi gumagawa, kaya kay Liam, makapagbigay kasi ng malisya, WAGAS.
"Ga..Gawa tayo sa bahay mo?!" Sabi ni Liam.
"Oo, bakit parang gulat na gulat ka? Ayy, oo nga pala, first time mo sigurong makakapunta dun, ayaw mo ba?"
"GUSTO!" Mabilis na sagot ni Liam.
"Yun naman pala eh, tara na!"
Mas pinili kong sa apartment ko na lang kami gumawa ng project, ayoko sa school, nakakatamad eh. Eh kung dun na lang sa amin? Pagkatapos, tulog na lang ang gagawin ko. At isa pa, wala naman akong ginagawa sa bahay, bukod sa facebook, twitter, nood ng palabas, anime, waley na rin akong magawa, tumataba pa ako dahil sa kakakain (Take note: Kumakain lang ako dahil walang magawa)
Ako na lang kasi ang mag-isa dito sa apartment namin, wala si mama at papa, pati si kuya, lahat sila nasa Japan na. Ako na lang ang naiwan dito, pero after kong grumaduate sa highschool, automatic na susunod na ako sa kanila. Lintik kasi na visa yun eh! Nagkaaberya pa, edi sana sabay na kaming pumuntang Japan, baka doon, wala halos kalan na classmate at schoolmate.
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
RomanceWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...