***
"Jane! Jane! Jane!"
Pamilyar na boses ang tumatawag sa akin... Medyo minulat ko ang mga mata ko... Key? Ikaw ba yan? Malabo pa ang paningin ko nun kaya di ako sigurado kung sino yung tumatawag sa pangalan ko.
"Jane! Gumising ka! Naririnig mo ba ako? Jane!"
Malabo ang nakikita ko, hindi ko alam kung sino ba ang nasa harapan ko. Pero parang kilala ko siya, teka, nasaan ako? Nasa ferris wheel lang ako kanina ahh... Bakit ang init? Hala, may nasusunog ba?! Amoy usok na ewan.
Agad akong bumangon. Si Liam pala yung tumatawag sa pangalan ko, nagulat na lang ako sa nakita ko. Nasusunog na yung buong apartment ko.
"Si Key?!" Agad kong tanong kay Liam.
"Mamaya na yan, tara na, lumabas na tayo. Baka mamaya mamatay pa tayo dito" Sabi ni Liam. Hinila niya ako pero nagpabitaw ako.
"Hindi! Si Key? Nasaan siya?! Liam, nasan si Key?!" Malakas na sabi ko kay Liam.
"Key? Sino yun?"
Nanlaki yung mga mata ko nung tinanong ako ni Liam nun... Hi..Hindi niya kilala si Key? Tapos bigla namang may sumabog, kaya napilitan si Liam na hilahin na ako palabas. Hinawakan niya yung kamay ko, naramdaman ko yung malakas niyang pwersa.
Buti na lang di pa masyado nasusunog yung apartment ko, kaya madali kaming nakalabas dito. Wala na akong naligtas na gamit, lahat nasunog na. Anong oras na rin nakarating yung mga bumbero. 4/5 ng building nasunog, yung naitirang 1/5, 1st floor lang yun ng building kung nasaan yung apartment ko.
Tama yung sinabi sa akin ni Je-in, babalik ako sa time kung saan ako mismo nakapasok sa LPO. August 31, 2012... Ito ang araw na pagpasok ko sa LPO at ang araw rin kung kailan nakalabas ako sa mundong yun.
Tama rin siya, nasunog nga ang apartment ko. Pero bakit ganun? Bakit hindi matandaan ni Liam ang pagpasok namin sa mundo ng LPO? Ang gulo. Imposible namang panaginip lang ang lahat ng yun...
"Baka nananaginip ka lang?" Sabi ni Liam sa akin nung kwinento ko sa kanya yung sa LPO.
"Nananaginip? Imposible! Wala ka ba talagang natatandaan?"
"Wala nga. Nagsasabi naman ako nang totoo sayo Jane. Ang alam ko lang nung sumabog yung poste parehas tayong bumagsak. Basta, nagising na lang ako, nasusunog na yung apartment mo. Kaya ginising kita ng ginising. Yun lang."
Hindi ako nakaimik. Parang naguluhan na rin ako... Imposibleng panaginip lang yun. At kung sakaling panaginip man yun... Bakit ang haba naman yata? Imposibleng panaginip yun... Totoo yun, totoo si Key, totoong nangyari yun... Totoo ang lahat ng yun, alam ko yun. Alam ng puso't isip ko, alam ko na totoo yun. Kung ano man ang dahilan ni Liam kung bakit di niya masabing totoo yun, wala na akong pake. Basta sa sarili ko, naniniwala akong totoo si Key.
Nagising na lang ako sa hospital kinabukasan, matapos mangyari ang sunog. Hinimatay daw ako habang kausap ko si Liam. Hinimatay pala ako? Siguro dahil na rin sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko at sa hirap pa rin akong tanggapin na wala na si Key.... Ayan nanaman tayo, naiiyak nanaman ako kapag naaalala ko siya.
Tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko nung mga oras na yun, sinasabayan ang patak ng ulan, hinahanap hanap si Key kahit alam naman sa sarili na wala na siya, kahit anong gawin ko, kahit anong dasal ang gawin ko, hindi ko na siya mababalik. Ganito pala talaga kasakit ang kailangan kong pagbayaran sa pagbabago ng hinaharap ko.
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
RomanceWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...