**K A R U G T O N G***
Jane's POV
"Sasaktan niya ako, wala naman akong ginagawang masama sa kanya eh, nagseselos ata siya sa atin, Key, tignan mo sinundan niya pa tayo dito!" Sumbong ni Scarlet kay Key.
"Ano? Ay..Ayos ah. Ikaw nga dyan ang nanguna!" Susugurin ko pa sana si Scarlet kaso pinigilan ako ni Key, teka, huwag niyang sabihin na naniniwala siya sa mangkukulam na ito? No way!
"Jane..." Napatigil ako sa gagawin kong pambubugbog sana kay Scarlet. Nakatingin sa akin si Key na para bang... Para bang naniniwala siya sa sinasabi ni Scarlet... Akala ko pagsasabihan niya ako, hinahantay ko siya na magsalita na "Jane, ano bang problema mo? blah blah blah.." Basta yung mga nangyayari sa mga palabas, paniniwalaan nung bidang lalaki yung kontrabida, basta, lagi namang kinakawawa ang bidang babae pero... Kabaliktaran naman ang nangyari.
"Tara na Scarlet, hinahanap ka na ni sir photographer" Sabay hawak sa kamay ni Scarlet at lumabas sila nung dressing room. Halata sa mukha ni Scarlet na nagulat siya sa nangyari kasi alam ko, maski siya expected na mag-aaway na kami ni Key kasi nga papaniwalaan siya ni Key... Pero hindi nangyari eh, ang ginawa ni Key, parang di niya pinansin yung sumbong ni Scarlet, pero di niya din ako pinansin... Luuuh, galit kaya siya sa akin? :(
Total wala naman na akong gagawin sa lugar na yun, lumabas na ako ng dressing room para umuwi na, syempre pagkalabas ko pa lang, nakita ko na kaagad sila Key at Scarlet, diba nga nagphophotoshoot sila...
"Closer! Key, hawakan mo kaya yung waist ni Scarlet, ikaw nama let, hawakan mo yung kanang pisngi ni Key, then eye contact" Utos nung maarteng photographer, si Scarlet naman, syempre nakita niya na rin ako kaya mas lalong nilandian yung pose niya >:( Nakakapang-init ng dugo.
"Good! Excellent!" Sigaw ng photographer habang kinukunan silang dalawa. Ako naman, eto, nasa isang sulok, napahinto ako sa kakalakad dahil... BINABANTAYAN KO LANG NAMAN YANG HALIPAROT NA YAN NA MAKAHAWAK SA BOYFRIEND KO WAGAS! >:(
Pero hindi ko din maitatanggi... Kahit pinipictureran lang sila, nagseselos na ako.
Ewan ko ba, ang sikip sa dibdib lalo na kapag pinaglalapit pa sila lalo nung photographer...
"Excellent! Napaka-pro niyo talaga!" Puri nung bwiset na photographer na pinaglalapi pa lalo si Scarlet at Key.
Naririnig ko din sa mga katabi kong mga staffs na bagay sila, perfect couple, sana sila na lang... blah blah blah. SHUT UP! Mas bagay pa din kami ni Key! :< Ewan ko sa kanila, naku, kung ako lang naging model baka maging mala-Tyra Banks ako. Tsss~
Tumingin ulit ako kila Key at... Oo nga no, bagay din sila, >_< Waah! Ano ba itong naiisip ko, nakakaewan, hindi sila bagay, hindi! Kami ni Key ang bagay... Jane! Yang Scarlet na yan, maganda lang yan pero di hamak na mas maganda ka Jane, tandaan mo, singkit lang yan, maputi, paitimin mo yan papangit yan! :< Sige na nga, aaminin ko mas maganda sa akin si Scarlet 1% lang! 1% lang! Pag nag-ayos naman ako maganda ako eh, lamang lang ng isang ligo sa akin yang haliparot na yan.
"Excellent! The best talaga kayo, bagay na bagay. Okay, we're done" Sabi nung photographer.
Tae, di ko namalayan, 1 hour na palang nakalipas at ISANG ORAS NA DIN KUMUKULO ANG DUGO KO SA BABAENG YUN. Tinignan ko si Key at saktong pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya sa akin... Oi oi! Mukhang tinitignan niya ako kanina pa ahh :") Yehey! Di siya galit sa akin :") Kaso nung pagkatingin ko sa kanya agad niyang umiwas... T_T Key naman eh.
"Key! Wait lang" Si haliparot tumakbo papalapit kay Key. Binangga ba naman ako! Syempre tumumba ako, sinadya eh. Tutulungan sana ako ni Key kasi nakita ko siya na papalapit sa akin kaso si haliparot >:( Pinigilan ba naman siya.ASDFGHJKLZXCVBWIIIIIIIIIISEEEEETTT!
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
Roman d'amourWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...