Level 43 [I Was Created To Love You]

29.3K 704 192
                                    

Jane's POV

 "Magkano po yung 1 kg nung indian mango?" Tanong ko dun sa tindera nung mga prutas.

Napadaan kasi ako sa mini market malapit doon sa hospital kung saan nakaconfine si Key. Mabilhan man lang siya ng prutas. Tsss, 4 days straight na ngang natutulog eh, ayaw gumising. Di niya alam kung gaano ko na siya namimiss.

Okay naman na daw ang condition niya sabi nung doctor, siguro kailangan niya lang talagang magpahinga. About sa level ng LPO...

"Dahil maganda ka miss at magpapasko naman, bigay ko na lang sayo bente"

"Ahh, sige po. Ito naman si ate nambola pa, tapos kalahati pong mansanas at saka oranges ahh. Pili mo ko ng maganda ate ahh, kapag di magandang klase yan, ibabalik ko sayo yan" Biro ko.

 "Sige sige, pero para saan ba ang mga ito miss?" Tanong nung tindera sa akin. Ngumiti ako dito bago sumagot.

"Sa Boyfriend ko po" Masayang sagot ko sa kanya.

After kong makabili ng mga pasalubong kay Key mahal, dumaan din muna ako sa malapit na bookstore. Tumingin tingin lang ng mga bagong labas na libro. Matapos nun, dumaan din ako sa malapit na tindahan ng mga damit.

Kung anu-ano ang pinaggagagawa ko bago tuluyang pumunta sa hospital.

4 days na rin since yung nangyaring aksidente. Di na nga kami nakasama sa SportsFest pero okay lang, at least natapos na rin ang lahat.

Dumating na rin pala sa bansa yung tatay ni Key, actually, kahapon nga lang nag-usap kami. Kinamusta ko siya, kinilala niya ako.

Mabait naman ang papa ni Key, gusto niya nga ako eh. Di na namin napagkwentuhan yung about kay Sachzna. Ayoko rin iopen yun. That's none of my business ika nga.

At saka mamaya, maoffend ko pa ang tatay niya. Kung gusto niyo naman alamin ang kalagayan ni Sachzna. Sakalukuyang pinoproseso yung kaso niya. Balita ko nga, idedeport na siya sa Italy. At may nalaman pa ako, yun palang ibinibintang ni Sachzna sa tatay ni Key, hindi totoo. Brain washed lang pala yun ng lola ni Key. Complicated ng story ng pamilya nila. Kaya mas mabuting di makealam.

"Jane!" Napalingon ako sa tumuwag sa akin.

Si Liam lang pala, teka, anong ginagawa niya dito?

"Oh? Bakit ka nandito?' Tanong ko sa kanya, hinihingal pa nga siya eh, siguro hinabol niya pa ako.

"Bibisitahin si Key" Sabi niya.

"Diba may christmas party kayo?" Sabi ko sa kanya.

Ngayon kasi ang Christmas Party namin, di na ako dumalo, di rin kasi makakasama si Key at isa pa, gusto kong alagaan si Key hanggang nandito pa kami sa LPO world. Alam ko, level 20 na kami eh, kahit si Liam. Nakita mismo ni Liam na naglevel up nung inaresto na si Sachzna.

//////LPO//////Level 20 C O N G R A T U L A T I O N S ! ! ! //////

Pero nagtataka kami kung bakit di pa rin kami nakakaalis sa mundong ito, siguro ito na ang sinasabi ni Je-in (Future me) na bonus days namin dito. Wala siyang sinabi kung ilang araw, ilang oras o minuto ang itatagal namin dito.

Kaya di na ako humiwalay kay Key. Di ko kasi alam na kung kailan ito matatapos, mamaya, ngayon na pala, o kaya 5 minutes mula ngayon, o kaya bukas. Hindi ko alam.

Ako na yung nagbukas nung pintuan sa kwarto ni Key. Pagbukas ko...

"Ke..Key?" Sabi ko ng makita kong nakaupo na siya.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon