K A R U G T O N G
Jane's POV
Magkapatid sila, magkadugo, pero ang ate niya ang first love niya?! Ano yun? Sa pagkakatanda ko wala akong nilagay sa biography ni Key na maiinlove siya sa ate niya. Tss, may mali dito. Kung ganun, isa sa kanila ang ampon! Tss -.-
"Diba magkapatid kayo? Bakit siya ang naging first love mo? Luuh, ano yun na-GSA (Genetic Sexual Attraction) kayo?" Tanong ko.
"Hindi ahh, hindi kami biktima ng GSA, magkapatid kami pero... Sa papel lang" Sabi ni Key. Kung sa papel lang, ibig sabihin... Isa sa kanila ang ampon. O.O Luuh, nagiging excited lalo ang story ni Key ah! Hindi ko na siya tinanong kung sino ang ampon sa kanilang dalawa kasi malay ko ba baka si Key, maoffend pa.
"Siya ang taong hinding hindi ko kayang makalimutan... Sana nga GSA na lang ang nararamdaman ko sa kanya, sana nga naging magkapatid na lang kami" Sabi nito. Napansin kong lumungkot ang mukha ni Key. Inakbayan ko siya sabay ngiti na din sa kanya, ngumiti siya pero halatang pilit.
"Siguro, huwag mo na dapat ikwento. Mukhang di mo yata kaya" Sabi ko kay Key.
"Hindi okay lang, at least nga may mapagkwekwentuhan ako nito. Pinagkakatiwalaan naman kita girlfriend eh." Sabi ni Key.
Ilang segundong katahimikan ay nagsimula na siyang magsalita. At ikwinento niya na ang isa siguro sa mga mapait na narinig kong kwento sa buhay ko. Tinalo pa ang mga kwento ng MMK, drama ng ABS at GMA, pati TV5 sama niyo na rin.
Inumpisahan ni Key ang kwento mula sa lola't-lolo nila. May anak ang mga ito ng iisang lalaki, ito daw ang yumao niyang tito. Anak naman sa labas ang tatay ni Key, kaya hindi ito matanggap ng lola niya, pero ng mamatay sa isang car accident ang lola at kasama na ang anak nitong lalaki. Ang papa na ni Key ang kaisa-isahang tagapagmana ng corporation na pagmamay-ari ng mga Park.
Kaso may problema, may anak na babae ang tito ni Key, at ito ay si Sachz Na, dahil nga dito, napilitang ampunin ng tatay niya si Sachz Na, para lang mapunta na ng tuluyan sa tatay niya ang Park co.
So ang lumalabas... Pinsan silang dalawa? Pwede, baka mga 25% silang magkadugo... Ay ewan! Ang gulo, pero doon na nga nagstart yun, mula pagkabata, ang ate Sachz Na na niya ang lagi niyang kasama at di nagtagal... Nahulog sa isa't-isa ang dalawa. Nangako pa nga daw sila na sila ang ikakasal balang araw. 7 years old si Key ng umalis ng Korea, naiwan ang ate. Kasama ni Key ang ama at nanay niya, doon niya lang nalaman na hindi sila magkapatid ni Sachz Na.
Taon ang lumipas bago nagkita ang dalawa, pero ang laki na ng pinagbago ni Sachz Na, ang dating masiyahin naging liberated, bugnutin at maldita, kahit si Key hindi alam dahilan ng kapatid kung bakit ito naging ganun.
Last year, namatay ang mama ni Key, dahilan? Kapatid niyang si Sachz Na. Car accident ang kinamatay, naglasing daw kasi ang ate niya at nagbabalak magpakamatay... Kaya sinamahan ng mama niya sa kotse at doon na nga, nabangga sa 10 wheeler truck ang dalawa, DOA ang mama ni Key, si Sachz Na naman, buhay pa din, galos lang ang tinamo.
Yun ang dahilan kung bakit tinakwil ng papa ni Key si Sachz Na, dahil na nga sa perwisyong dala nito at sa kahihiyan na pinaggagagawa nito sa buhay. Yung malaking family picture pala nila na nasa dingding, ipinatapon pala ng papa ni Key yun, pero itong si Key, imbis itapon, dinala sa Pilipinas ang litrato kasabay nang pagpapalibing ng mama niya dito sa PIlipinas.
Last year ang huli nilang pagkikita ng ate niya. Simula noon, wala na itong balita dito. Sabi ng iba, nag-asawa na ang ate niya. Kahit hindi totoo yun, nasasaktan si Key, pero di niya magawang magalit sa kapatid niyang sobrang minahal niya na higit pa sa pagiging kapatid.
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
RomantikWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...