SachzNa's POV
Ang sarap talagang uminom ng malamig na red wine lalo na kapag mainit ang panahon. Bakit pa kasi tropical ang klima ng Pilipinas? Hindi ako sanay. Dibale, konting tiis na lang, uuwi na din ako sa Italy...
"Madam... Pinatawag niyo daw po ako"
Nilingon ko ang alipin na nasa likuran ko. Siya na siguro ang pinahanap kong tao. Hmmm, mukha ngang magaling siya ahh. Makikita sa katawan niya ang maraming marka na palatandaan na kagagaling niya lang sa matinding labanan.
"Ikaw ba ang kilalang serial killer ng Russia?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Serial killer? Hahaha. Normal na tao lang ako madam" Diin niya. Nakakatuwa naman siya, tumatanggi pa.
Lumapit na ako sa kanya sabay kuha ng folder sa mesa ko.
"Well, wala na akong time para siyasatin kung sino ka, didiretsahin na kita. May ipapatrabaho ako sayo" Binigay ko sa kanya ang folder na hawak ko. Agad naman niya itong binuksan at tinignan ang laman nito.
"Jane Celina Suarez?"
"Hindi siya maimpluwensyang tao, kaya naman hindi ka mahihirapan" Sabi ko.
"Ano po ba ang gusto niyong gawin ko sa kanya?"
Napahinto ako sa pag-inom ng wine ko, tumingin ako sa kanya ng masama sabay ngiti. Mukhang nagets niya naman ang ibig sabihin ko kaya naman...
"Masusunod po" Agad siyang lumabas ng kwarto ko pero bago pa lang niyang isara ang pintuan, pinigilan ko muna siya, nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya na...
"Dalhin mo sa akin ang katawan ah" Sabay ngiti, tanda ng pamamaalam. Natawa naman siya sa sinabi ko.
Hahahaha! Iniisip ko pa lang na mangyayari yun, tuwang tuwa na ako. Paano pa kaya kung nangyari na? Edi masaya! Can't wait to see Key's reaction... Hahaha!
"Madam, may bisita po kayo" Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko si...
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Sabay taas ng kilay sa kanya.
"Sachz Na... Ano ba talaga ang pinaplano mo? Nag-aalala na ako sayo."
Jane's POV
"Aray!"
Huminto lahat ng mga classmates ko sa ginagawa nila ng sumigay ako. Nilapitan naman kaagad ako ng teacher namin sa TLE
"Suarez, anong problema?" Tanong nito.
"Wala ma'am, natusok lang po ako ng karayom" Sabi ko.
"Haay... Hindi kasi nag-iingat. Class, ilang beses ko na bang paulit-ulit pinapaalala sa inyo, na dapat mag-ingat kayo kapag nananahi tayo. Yan tuloy, baka magaya kayo kay Jane. Sige na pumunta ka na ng clinic" Sabi ni ma'am.
Grabe naman ito, natusok lang ako ng karayom pero parang nahiwa na yung daliri ko sa sobrang dami ng dugo. Siguro sumakto sa ugat ang natusok nung karayom. Dumiretso kaagad ako sa Clinic. Tss. Dapat kasi wala na kaming klase ngayon eh. Practice week na lang dapat talaga eh kaso humirit itong si ma'am TLE, kulang pa daw kami sa project. Kaya yun, may klase kami sa TLE. Pero after neto, practice ulit for field demo.
"Thank you nurse Paulyne" Pasasalamat sa nurse namin. Palabas na ako ng clinic ng pahintuin ako ni nurse Paulyne.
"Bakit po?"
BINABASA MO ANG
Online Boyfriend
RomanceWala kang lovelife? Bawal ka pa magboyfriend/gf? Masyado ka pang bata para sa ganito? Pero gusto mo makaranas magkaroon ng lovelife? Well, I recommend you to play this game. Just register/log in and PLAY WITH LOVE. With this, magkakaroon ka ng insta...