Level 37 [J A N E]

27.1K 478 93
                                    

Jane's POV

 Pagkagising ko... Nasa tabi ko pa rin si Key. Tumingin ako sa orasan, 6:34am pa lang pala. Hindi muna ako tumayo. Pinapanood ko pa kasing matulog itong si Key... Langya, ang gwapo talaga kahit tulog.

"Oh... Gising ka na pala?" Nagulat ako ng magsalita si Key. Maya-maya niyakap niya ulit ako.

"Ahh.. Hehe, sige matulog ka mu..na"

Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Key... Grabe, kahit sinong babae, papangarapin siya. Gwapo, matalino, matangkad, matapang, almost perfect na... Sa bagay, nung ginawa ko siya.... Perfect ang pagkakagawa ko sa kanya.

Lahat na ng type ko sa lalaki na sa kanya na. Inabot ba naman ng halos ilang daan yung nilagay ko sa description niya, hinaluan pa ng panalong biography...San ka pa?

Parang kailan lang. Parang dati ayoko pang maglaro ng LPO na kadalasang araw-araw kwinekwento sa akin ni Aly (In real World) Tapos ngayon, ayoko nang matapos ang larong ito.

Kahit sino ang nasa lugar ko ayaw nang magising sa katotohanan na may hangganan din ang LPO. Isipin niyo kaya na kayo ang nasa kalagayan ko.

Eto nanaman tayo sa senti mode eh... Basta pag si Key ang iniisip ko, walang oras na hindi ako naluluha.

Napansin kong tumtulo nanaman ang luha ko.. Hala, bakit nanaman? Tss. Jane, huwag ka na ngang umiyak...Bwiset na luha ito, kusa na lang bumabagsak!

Agad ko itong pinunasan, pagkatapos kong punasan ang mga luha ko, tumingin ulit ako sa mukha ni Key... Gising na siya.

Grabe, ilang oras ko na pala siyang tinititigan... 9:46am na eh.

"Jane.. Umiiyak ka nanaman ba?" Mahina niyang tanong. Kagigising niya lang kasi.

"Ahh.. Wala ito, hmm" Tumayo na ako sabay unat ng katawan. Ngumiti ako kay Key pero pilit lang yun.

"Anong gusto mo Key? Coffee? Pancake? Punta lang ako sa kusina, magluluto lang ako ng almusa--" Di ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo na ako papuntang kusina. T*ng-ina naman oh! Bakit ba ako naiiyak ulit? Nanginginig-nginig pa yung boses ko nung nagpaalam ako kay Key... Nahalata niya kayang paiyak na ako?

Habang hinahalo ko yung pancake, tuloy pa din ang pag-iyak ko, pero mahina lang. Ayokong marinig ako ni Key na umiiyak, pupuntahan niya ako malamang.

"Shit!" Napaupo na lang ako sa sahig at doon na bumuhos ang sakit na nararamdaman ko... Pakiramdam ko, malapit ng matapos ang magandang panaginip na ito, pakiramdam ko maghihiwalay na kami ni Key.

Naramdaman kong may yumakap sa akin at... Si Key yun, niyakap niya ako mula sa likod. Humarap ako sa kanya para mayakap ko rin siya.

Ayoko nang bitawan siya. Sa totoo lang, mas mabuti pang maagaw siya ng flirt evil sa akin, huwag lang mawala siya ng tuluyan. At least doon, makikita ko pa rin siya.

"Tahan na Jane... Ano ba kasi ang problema mo?"

Hindi ako nakakibo sa tinanong ni Key. Di ko naman masabi sa kanya na "Key, Online Boyfriend ka lang, lahat ng ito laro lang, alam mo ba yun? Malapit ng matapos ang laro, magkakahiwalay na tayo"

Ang hirap sabihin sa kanya nun... At isa pa, kailangan ko munang gawin yung naisip ko, tapusin laro, alamin kung sino ang game master at... Makiusap na buhayin si Key kung pwepwede...

Teka, ni hindi ko nga alam kung sino ang game master eh at isa pa... Mukhang kilalang kilala ako nun, hindi kaya kakilala ko din ang game master? Nak ng! Bakit hindi ko naisip yun?! Ay bobo! Bakit ngayon ko lang naisip na ipa-translate na lang kay Key yung 제인?! Total nakakabasa naman yata siya ng korean?! BOBLAKS MO JANE! NGAYON MO LANG NAISIP

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon