Level 27 [He's Existence]

32.9K 503 60
                                    

***K A R U G T O N G***

Jane's POV

~Sigh.

After class, di ko na inantay si Key na sumabay sa akin, umuwi na ako kaagad. Oh my gosh.... Bakit pati siya? Yung... Ex co-model ni Key na si Scarlet... Siya si Erika Ayase ng

Love Plus Online...

Kung nagtataka kayo kung bakit Japanese name... Ang Love Plus online kasi ay gawa ng isang company sa Japan, all the characters maliban lang sa main Ideal Lover mo, kasi ikaw mismo ang magpapangalan dito, gaya ni Key, kinuha ko lang ang pangalan niya kay Kei Takeshima, si Henchelle, ang pangalan niya sa LPO is Aya Yokohama...

Isa-isa na silang nag-eexist, kung una si Key, sumunod yung malanding si Henchelle, at now... Si Scarlet? Ano to? Pataas ng pataas ang leve-- Hindi... Hindi pwede...

Pataas ng pataas ang level? Kung ganun? Kung may level talaga ang larong ito ibig sabihin... May ending ba ang Love Plus Online?

Ano ba talaga ang nangyayari ngayon? Please naman, huwag na sanang bawiin si Key sa akin, please lang po... Please Lord.

Liam's POV

*Google

Your search - Love Plus Online - did not match any documents.

Suggestions:

Make sure all words are spelled correctly. Try different keywords. Try more general keywords.

*Yahoo

We did not find results for: Love Plus Online. Try the suggestions below or type a new query above.

Suggestions:

Check your spelling. Try more general words. Try different words that mean the same thing. Try asking a question on Yahoo! Answers

Kanina pa ako search ng search dito, magkakapaltos na ata itong mga daliri ko kakatype pero bakit walang lumalabas... Bwiset naman! Teka, bakit ko nga hinahanap yung game na yun? Sa bagay, nakakapagtataka naman, tinanong ko yung mga kabarkada ko, di nila alam yung LPO, samantalang sa kanila ko lang nalaman yun, kahit mga pinsan kong babae, di na nila alam ang LPO.

Weird o baka naman nanaginip lang ako? No! Imposible...

*New Message From Ching

"Pare, yung Key Park, nabackground check na ng daddy ko, sinend ko na sa email mo, basahin mo na lang, ge par"

Agad kong binuksan yung account ko at oo nandoon na nga. Si Ching yun, teamate ko, tatay kasi nun detective, kaya nagbakasakali akong humingi ng tulong para mabackground check yung Key Park, yung boyfriend ni Jane, na kaklase ko din.

Naalala ko nanaman tuloy yung nakita ko kay Key... LPO Level 8... LPO? Love Plus Online yun ah!

(LOADING....)

From: Christian Ching

Name: Key Anderson Park

Nationality: Korean/Filipino/American

Birthday: December 25, 1996

Kaisa-isang tagapagmana ng Park Company, dahil siya ang iisang lalaki sa dalawang anak ng may-ari nito. Pinanganak sa Busan, South Korea pero tumira din sa New York noong 7 years old pa lang siya, pumunta sila dito sa Pinas dahil na nga sa kanilang seguridad. Napagalaman ni Dad na yung si Key, sa kanila pala yung St. Therese Academy. Kaya siya doon nag-aral kasi sila naman may ari nun.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon