Prologue

276 9 14
                                    

Matagal nang parte ng buhay ang pagkakaroon ng mga bagay na hindi nasusunod, mga pangarap na hindi natutupad, at mga pagkakataong napapalampas, hanggang sa malipasan na ng panahon.

Hindi rin maiiwasan ang mga bagay na kahit hindi mo naman gustong gawin ay napipilitan ka.

Gayunpaman, may posibilidad na magbago ang lahat kahit sa loob ng isang segundo lamang. Lalo na kung ito ang itinadhana.

"Hoy, Sharina! Bilisan mo na d'yan at mahuhuli na tayo sa misa!"

Saktong katatapos ko lamang makapagpahid ng pulbo sa mukha nang marinig ang nakaririnding sigaw ni Ate mula sa baba. Napairap ako at padarag na lumabas ng kuwarto pababa sa sala.

"Hindi makapaghintay? Kailangang sumigaw?" buwelta ko sa nakapameywang na kapatid.

"E bakit ba?! Pasko ka na nga lang nagsisimba, babagal-bagal ka pa!"

Umismid ako. "Mama mo mabagal."

"Mama mo, mama ko rin, tanga!" sikmat niya at pinandilatan ako ng mata. "Ma oh! Mabagal ka raw sabi ni Sharik!"

Saglit na napapikit ako bago bahagyang kinurot ang braso ni Ate Gia. Ngumisi lamang siya at inulit pa ang pagsusumbong.

"Sige pa! Nasasanay kayong magmura! Mga natututuhan n'yo sa kaka-cellphone na 'yan," ani Mama na kalalabas lamang ng kusina at bitbit ang isang malaking lalagyang may lamang pasta.

Balak niya pang maglutong muli ng spaghetti para sa amin at sa mga bibista ngayong pasko. Naubos na kasi namin iyong mga pagkain kagabi kaya abala sina Mama at Papa sa paggawa ng bago. Isa pa, kaunti lang din naman ang sa salo-salo kagabi.

Mabilis na hinila ni Ate Gia ang braso ko at patakbong nagmartsa patungo sa pintuan ng bahay.

"Alis na po kami, Ma! Hindi po mura ang tanga! Love you!" sigaw pa niya bago kami tuluyang makalabas.

Hanggang sa labas ay nahagip pa ng pandinig ko ang unang parte ng sermon ni Mama. Inirapan ko siya at inagaw ang brasong hawak niya.

"Lagot tayo mamaya."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi 'yan. Pasko naman."

Natawa na lamang ako, nasanay na sa ganitong mga senaryo. Madalas kaming magbangayan ni Ate, seryoso man o katuwaan. Kung sabagay, normal lang naman sa magkakapatid ang mga ganito. Lalo na kung ang kapatid mo ay ganito katindi ang langis sa ulo.

I hugged myself tightly when suddenly, the cold north wind of gentle December blew. The thin fabric of my long sleeve polo shirt wasn't enough to restrain me from shivering slightly.

Inilibot ko ang paningin sa aming pamayanan. May iilang bata akong natatanaw na halos bihis marahil ay para sa misa. Ang iba siguro'y handa na upang makibisita sa kani-kanilang ninong at ninang.

However, the number of people outside seems to be quite lesser than before. Years ago, at this hour, a great number of our neighbors are harboring our community with smiles and joyful attributes. Different Christmas lights and lanterns were decorating their respective homes.

But right now, our neighborhood seems quieter. This annual celebration which is supposed to be filled with warmth and joy was conquered by the coldness brought by the month of December.

I am not sure if we outgrew our traditions or it was our generation that changed. All I know is that Christmas isn't the same anymore.

I don't really care though. As long as I'm breathing, everything's fine.

Bigla tuloy akong tinamad tumuloy. Kasi naman e, gusto lagi ni Mama na magsimba kami ni Ate kahit tuwing pasko lang. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan para saan.

We are Catholics but I strongly believe that we could always worship at home. That's even better than going to the church regularly just to be deemed holy. Sacred house full of hypocrites huh?

Besides, I wasn't that religious.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating na rin namin ang walking distance na simbahan ng Santa Maria. Dahil pasko ay dagsa ang mga tao, marahil ang iba'y katulad ko na sa ganitong araw lamang bumibisita.

"Nag-text sa akin si Pamela, nasa loob na raw sila. Nagpa-save ako ng upuan. Mainit sa labas," sabi ni Ate at hinawakan ang kamay ko upang hilahin at mapabilis ang paglalakad.

"Iba rin, nagte-text sa loob ng simbahan," natatawang tugon ko.

"Hindi pa naman nag-start yung misa."

Pumasok kami sa loob ng malaking simbahan. Kaagad na dumapo ang tingin ng ilang mga tao sa bahaging iyon at tinitigan kami na tila ba ineeksamina ang aming buong kaluluwa. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga anghel?

I raised a brow and let my resting bitch face do the work. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad silang nagsi-iwas ng mga tingin.

"'Yun sila." Itinuro ni Ate Gia ang kinauupuan ng mga pinsan namin. Binawi ko na ang kamay ko mula sa kanya at nagmartsa patungo roon sa pew sa bandang gitna.

Kaagad kong tinabihan si Pamela at binati. "Merry Christmas."

Dumaan sa aming harapan si Ate at doon sa kabila naupo, katabi ni Ate Aubrey na kapatid ni Pam. Ako ang nasa pinakagilid ng pew, bale sa bandang sentro ng simbahan.

"Paano ka nakapasok dito nang hindi nasusunog, demonyita ka?" bulong nito sa akin.

Napairap ako at hinawi ang buhok. "Demonyita namang pinagsasabi mo? Excuse me, anghelita ako 'no. Safe na safe."

Napahagikgik si Pam sa sagot ko. Medyo napalakas pa ang nilikha niyang tunog kaya tuloy humarap sa amin ang isang matandang ginang na may suot na munting belo sa tuktok ng ulo.

"Ay sorry po," my cousin said and made a peace sign. The elder rolled her eyes and faced the front again.

We meaningfully stared at each other and laughed without any sound this time. Moments later, the commentator announced the arrival of the local priest and asked everybody to rise.

The choir started singing the opening song accompanied by an organ. Nakisabay sa pag-awit ang karamihan sa mga tao kabilang na ang pinsan ko samantalang nanatili akong tahimik sa kadahilanang hindi ko alam ang lyrics.

Naramdaman kong bahagyang pinagpapawisan ang noo ko kaya naman sinubukan kong dukutin ang dalang panyo sa bulsa ng suot na pantalon. Sa pagdukot ay biglang nahulog ang panyo kaya naman mabilis akong yumuko upang pulutin.

Nang inangat ko ang akin tingin ay tumama ang aking mata sa isang lalaking may suot ng puting-puting sutana at may hawak na krus. Napadiretso ako ng tayo nang magsalubong ang aming mga mata.

Mabilis lamang iyon sapagkat kaagad siyang nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang mabagal na paglalakad tungo sa altar. Gayunpaman, sapat na iyon upang matandaan ang ilang detalye ng kanyang mukha.

His features are very sharp and defined. Dark eyes that seem to wreak havoc and danger in a single stare. Undeniably thick eyebrows that will surely embarrass mine. And his pointed nose almost pointing the altar and well-defined jaw...

Damn! Am I allowed to curse inside the church?

You can't, Sharik! That's bad!

Napalunok ako at nanatiling nakatitig hanggang sa hindi ko namalayang nasa dulo na pala sila at oras na para mag-sign of the cross. Kung hindi pa ako siniko ni Pam ay marahil nakatulala pa rin ako hanggang ngayon.

Wala sa sariling nakaramdam ako ng panghihinayang. Bakit ba hindi ko kinumpleto ang simbang gabi?

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon