Chapter 22

41 3 0
                                    

I was as quick as a wink the moment Pamela messaged me that she was done with the gift for Juancho's birthday tomorrow. Halos matisod pa ako sa pagmamadaling makapunta sa bahay nila kahit malapit lang naman 'yon.

"Pamela!" sigaw ko kahit nasa labas pa lamang.

May bitbit akong pambalot ng frame, gunting, at tape. Sa kuwarto ni Pam ko balak ibalot at ipatago na rin ang regalo dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kina Mama ang tungkol sa balak na pormal na panliligaw ni Juancho.

"Punta ka na raw ro'n," ani Ate Aubrey na siya'ng sumalubong sa akin.

I thanked her with a smile before heading toward Pamela's room. Bukas naman ang pinto kaya't hindi na ako nag-abalang kumatok at pumasok na kaagad.

"Hoy, patingin!" sabik na sabik kong saad.

Pamela's eyes lifted on me. Kinuha niya mula sa isang gilid ng kanyang kama ang frame na binili ko kahapon lang din. Simple ngunit madepinang tsokolate ang kulay no'n. May pattern na nakaukit sa gilid. Ang size ay 12x15, alinsunod sa sinabi ni Pamela.

"Ayan na! Hindi ko sigurado kung ayos na ba 'yan sa'yo. Medyo masakit kasi kamay ko," she said and handed me the frame.

I carefully held it in my arms and immediately stared at the watercolor portrait of me and Juancho. Amazement and glee conquered all the emotions inside me the moment I saw the result.

"Grabe! Sobrang ganda! Kamukhang-kamukha namin, Pam!"

The portrait was way more beautiful than I anticipated. The colors she used are perfect and well-blended. Even if it's just hand-drawn, our features are defined and detailed. Worth it ang five hundred pesos na bayad ko! Dapat nga ay mas mahal pa pero iba ang presyong pinsan. Ang laki ng discount kahit na sinabi kong willing magdagdag!

Tinabihan ako ng pinsan at sinamahan sa pagtitig sa gawa niya. "Habang ginagawa ko nga 'yan, mas na-appreciate ko kung gaano ka-guwapo 'yang si Juancho. Kahit titigan mo ng matagal, hindi nakakasawa!"

"Uy, teh! Baka naman ma-in love ka pa rito! Huwag mo naman akong papiliin sa inyo!" biro ko.

"Gaga! Laklakin mo 'yan hanggang sa magsawa ka! Sa akin ka pa talaga nag-alala, e, halata namang sa'yo lang tumititig 'yan. Akala mo hindi ko napapansin tuwing bago magsimula ang misa?"

My face instantly heated. "Ano ba, kinikilig ako."

Umirap siya. "Pakalandi amputa."

Humagikgik ako at bumalik sa paninitig sa regalo. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay ibigay kay Juancho ito bukas. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. He may be good at hiding his emotions before but now that I got to spend more time with him and discover things about him, I became better at fathoming some of his emotions and even thoughts.

Or maybe, he's just more transparent whenever he's with me.

"Tinanong ka nga pala sa akin kanina ni Micko. Kinukumusta ka," kuwento ni Pamela habang abala na ako sa pagbabalot no'ng frame.

Mapakunot ang noo ko sa sinabi niya at pansamantalang natigil sa ginagawa. "Huh? Bakit ikaw ang tinanong niya?"

"Aba, malay ko sa inyo. Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman," lito ko pa ring sagot.

Ang huling kausap ko kay Micko ay noong nakita niya ako sa tapat ng Mang Cha-a. Ayos naman siya no'n at naipakilala ko pa nga kay Juancho.

Naging abala ako sa paaralan at maging sa paghahanda para sa catechetical program kaya't hindi ako nagkaroon ng oras bisitahin siya sa kanila. Ngayon ko lang din napagtanto na maging siya ay hindi pa muling nagpupunta sa bahay namin.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon