Chapter 16

43 3 33
                                    

"B-Bakit ka ganiyan?" tanging naisa-wika ko matapos ng ilang sandaling walang kibo.

Nag-angat siya ng isang kilay, tila ba hindi naintindihan ang tanong ko. I am not sure if he doesn't understand or he's just pretending to be clueless. But then, why would he pretend anyway?

"What?"

My heart is skipping a beat abnormally. I don't know if he's aware of his capability to make me go crazy just by saying those words. Dapat na ba akong mag-assume?

Ang kaso lang, natatakot ako. Ayokong maulit pa ang nangyari noong nakaraan. Alam kong humingi na siya ng paumanhin at nagpaliwanag ng dahilan subalit ilang araw ko ring dinamdam iyon.

Kaya siguro mas mainam nang maging matapang upang malinawan. I don't want to continue receiving mixed signals from him when I can clarify or warn him to stop, just in case it doesn't have any meaning to him. Prolonging will just worsen the pain.

"Naguguluhan ako sa'yo," matapang at buong tapat kong saad. "Sa mga ikinikilos mo."

He didn't speak for a while and just sat there with our clumping gazes still refusing to call a ceasefire. It took him a few seconds to sigh.

"Let's not talk about it..."

I gulped in instant disappointment. I raised the flag and tore my gaze off of him. Bumagsak ang mga mata ko sa nakakuyom kong palad sa ibabaw ng lamesa.

Ayaw niyang pag-usapan namin 'yon? Ibig bang sabihin, magpapatuloy na lang siya sa mga ganoong ikinikilos niya nang hindi binibigyan ng kahulugan? Does he have any idea how that would leave me hanging?

"I mean... not here, Sharina," he added.

My pessimist thoughts started fading. So, I brought my eyes back to him.

"Ano?"

Bumuntonghininga siya at tumingin sa paligid maging sa itim na relong suot niya. May mga tao pa sa loob ng canteen kaya't may rason ang kaingayan sa paligid.

"It's still twelve-fifteen. Let's get out of here," he said and closed the zipper of my bag.

Tumango ako kaya naman tumayo na siya at binitbit ang bag ko gamit ang isang kamay. Mabilis akong kumilos upang agawin iyon sa kanya. Ang kaso nga lang, naunahan niya ako at naisukbit na ang strap sa balikat. Sobrang tangkad niya kaya't hindi ko maabot iyon.

"Akin na..." Umiwas siya.

"It's just light. Let's go."

Palihim akong napangiti habang nakasunod sa kanya palabas ng canteen. Gaya ko ay mayroon ding ilang babae ang napapatingin sa kanya na seryoso ang mukha habang may bitbit na Hawk bag na ang kulay ay kombinasyon ng lila at rosas.

Ito ang mga tinutukoy kong aksyon na nagpapagulo sa isipan ko.

Ilang hakbang mula sa canteen ay ang daan na may ilang mga halaman at puno. Bukod doon ay mayroong mga bench na maaaring papaghingahan pagkatapos kumain. Doon ako iginiya ni Juancho at pinaupo.

He sat down a few inches from me, placing my bag in between us. We sat there in silence for a while until he spoke.

"Ask me again."

I bit the insides of my cheeks. "Ha?" I muttered, acting clueless.

"Tanungin mo ulit ako ng tanong mo kanina..." I saw him looking at me from the side of my eye. "May ibang tao sa canteen at maingay. This place is much better and more comfortable for both of us. You know... to talk about your question."

"Ah..." Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa. "Gusto ko lang naman malaman bakit ka gano'n. Baka lang kasi... ma-misinterpret ko ulit ang mga kinikilos mo. Ayaw ko nang mag-assume ulit," diretso kong sabi at tinignan na rin siya ngayon.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon