Umuwi akong nagpupuyos sa inis ang kalooban dahil sa lahat ng pinagsasabi sa akin ni Cristine. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya ang lahat ng iyon dahil lang hindi ko pinagbigyan ang hiling niya.
At hindi ko rin alam kung bakit tila ba pinapalabas niya na wala akong karapatang magkagusto kay Juancho? I don't think liking him equates to faking myself. Kung fake ako, e'di sana hindi na ako nag-abala pang tulungan siyang sumali sa org.
Hindi niya naman ako kailangang sumbatan. Pero wala akong magagawa. Mayroon talagang mga taong kalilimutan ang lahat ng naitulong at nagawa mong tama para sa kanila sa oras na may ginawa kang hindi nila nagustuhan.
May parte pa rin nga sa akin na gusto siyang intindihin. Pero sa ngayon, nangingibabaw pa ang inis ko kaysa sa pagnanais na 'yon. Right now, I can't see a reason.
Bahala na sa lunes. Ayos lang din naman sa akin kahit hindi na niya ako samahan. Kung iimpluwensihan man n'ya si Allyson o ang iba pa naming kaibigan, bahala na sila. Hindi ko naman ikakamatay ang bagay na 'yon.
As long as I'm truthful, I'll be fine.
Nang sumunod na araw, isang mensahe mula kay Juancho ang naging almusal ko.
Juancho:
Good morning. I'll wait for you later at the plaza. 8 AM sharp. Bring any type of ID you have just in case.
Kaagad dinaga ang dibdib ko habang binabasa ang chat niya. Mariin ko pang kagat ang pang-ibabang labi sa magandang bungad sa araw na ito. Kahit ang nararamdamang inis kahapon at kagabi dahil sa nangyaring sigalot sa pagitan namin ni Cristine ay nawaglit sa isip ko.
Ako:
Good morning! Noted yan.
Ako:
Ask ko lang din sana ano ang isusuot? Nakalimutan kong itanong last time sayo huhu
He replied after three minutes.
Juancho:
Ate Weng didn't mention something about the dress code but I think decent clothes will do. Pants and shirt or something.
Ako:
Okay! Thank you! See you mamaya
Ni-like niya lang ang huling mensahe ko kaya naman ibinaba ko na ang cellphone ko upang mai-charge dahil kakailanganin iyon para sa lakad ngayong araw. Nagpahinga ako ng ilang minuto bago naligo na umabot ng halos kalahating oras. Tatlong beses akong nagsabon upang masigurong wala talagang dumi sa katawan.
Juancho said that we should wear something decent so I decided to wear a plain white shirt and high-waisted pants so I can tuck in the shirt. Sneakers na madalas kong ginagamit na lang din ang ipinangsapin sa paa.
Nang bumaba ako ay nasa munting kusina si Mama na mukhang nagluluto. Sinabi ko noong isang araw pa ang tungkol sa lakad ko ngayong araw at bukas kaya naman ipinaghahanda ako nito ngayon. Wala si Papa at Ate na sigurado akong tulog pa rin ngayon.
"Good morning, Ma," bati ko. Sumulyap ito saglit sa akin at bumati pabalik.
"Upo ka na d'yan. Mag-almusal ka," saad niya.
I think that has been her line for years, every morning. May pagkakataon nga lang na hindi ako nag-aalmusal at kadalasan ay napapagalitan ako dahil doon.
Mayroong ni-toast na pandesal sa kawali at scrambled eggs na nakahain sa lamesa. Kumuha ako ng dalawang tinapay at pinalamanan ng itlog na gusto ko ang luto bago kinain.
"Nagluto ako ng baon mo at baka wala kayong mabilhan na tanghalian. Dinagdagan ko na dahil sabi mo may kasama ka," sabi ni Mama at naglapag ng mga inilabas niyang tupperwares mula sa cabinet sa kusina.
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Novela Juvenil4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...