Chapter 13

46 4 20
                                    

I can almost hear my heart beating at this moment. Magkasalubong ang kilay ni Micko at tila ba repleksyon lamang iyon ng kay Juancho. Kaya naman bago pa mayroong ibang magsalita ay inunahan ko na.

"Bakit?" tanong ko kay Juancho sabay harap sa kanya at bahagyang atras patungo sa direksyong kinatatayuan ni Micko.

His black eyes darted on me after I caught a movement on his jaws. He drew a deep breath.

"I'll just message you," he informed me and walked past us.

Sinundan ng aking mga mata ang bulto niya hanggang sa makalabas ito ng simbahan. Sa ganoong tagpo nakabalik sa kinaroroonan namin ang aking pinsan.

Tinignan ko si Micko na nakatitig na ngayon sa akin, subalit ang arko ng kilay niya ay nananatili pa rin. Napalunok ako at ngumiti sa kanya.

Oo nga pala, hindi pa niya alam ang tungkol kay Juancho.

Tahimik kaming sabay na hinila ni Pamela palabas ng simbahan. Gusto ko sanang bumalik dahil hindi ko nagawang magpaalam kay Cristine subalit hindi ako makawala sa mahigpit na kapit ng pinsan ko. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at sa chat na lamang siya kakausapin mamaya.

"Sino 'yon, Sharik?" tanong ni Micko nang makalabas na kami at nagsisimula nang tahakin ang daan pauwi.

Nagkamot ako ng leeg. "Uh... kasamahan namin."

"Bakit ka niya tinawag? At... ime-message ka ata? Kaibigan mo?"

"A-Ah hindi ako, si-"

"Crush niya!" Pamela cut me off.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Mukhang nagulat din si Pamela sa sinabi niya sapagkat lumipad ang kanyang palad sa kanyang bibig. Hindi naman ito nagtagal doon sapagkat ginamit niya ang kamay upang magkamot ng ulo kasabay ng kanyang pag-ngiwi.

"Oops. Sorry, nadulas," aniya at nag-peace sign sa akin. "Uh... gutom na ako! Mauuna na ako sa inyo!"

Mabilis na tumakbo si Pamela at nagpatiuna na sa pag-uwi. Naiwan ako roong gulat pa rin sa bigla niyang pagsisiwalat ng patungkol kay Juancho sa best friend ko. Ang bumagal kong mga hakbang ang patunay.

Nasa papasok na kami sa aming street nang muling magsalita si Micko.

"Crush mo 'yon?" he asked in an unusual tone. I am not sure what but I sensed a combination of shock and curiosity.

Bumuntonghininga ako. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung bakit hanggang ngayon ay ayaw kong sabihin kay Micko ang tungkol kay Juancho. Sabagay, kahit noon pa man din kasi, hindi ko naman sinasabi sa kanya ang mga tungkol sa mga crush ko. Nang una ko kasing ginawa 'yon noong bata kami, sinabi niya na hindi raw ako papatulan kaya magmula no'n ay 'di ko na inulit.

"Medyo," sagot ko at ngumuso. "Crush lang, Micko! Baka sabihin mo na naman, hindi ako papatulan no'n ah! Panira ka pa naman."

He did not speak. Nakita ko lang ang pag-angat baba ng adam's apple niya, senyales ng mariing paglunok. My eyebrows furrowed and I was about to ask him what's the problem when he suddenly tousled my hair, completely messing with it.

"Paano mo nalaman? Alam mo rin na tama ako, e, 'no?" aniya at ngumisi sa akin.

Awtomatikong nakarolyo ang mga mata ko. "Sabi na, e. Epal ka talaga!"

"Totoo naman. At saka, bakit mo crush 'yon? Hindi naman kapogian. Parang mas guwapo pa nga ako do'n!" he said which received a lame punch from me.

"Kapal nito! Masyado naman atang mataas ang tingin natin sa sarili ha?"

"Sus... totoo naman e," depensa niya at sumimangot.

Umirap na lamang ako at mas binilisan na ang lakad. Sa kabuoan ng aming pag-uwi ay ininis lamang ako ni Micko, gaya ng inaasahan, patungkol kay Juancho. Pinipilit din niya akong kumbinsihin na mas may dating at itsura siya kumpara rito.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon