Chapter 26

21 2 1
                                    

"Kinakabahan ka 'no?" I asked Juancho when I noticed how tense he was on our way home. 

Sandaling dinapuan niya ako ng tingin bago bumuntonghininga. "Yes. This is a first for me."

A smile immediately crept into my lips. I know it is normal to get nervous when you are supposed to meet the family of your special one. That's exactly what I felt when I first met his parents. I just can't help but be amazed that this seems to be a fearless and confident person would feel nervous.

Ano ba'ng iniisip ko? He's still a human after all!

"Huwag kang mag-alala, gusto ka ni Mama para sa akin. Si Papa naman, si Mama na ang bahala do'n. At saka, hindi naman masama ang intensyon mo kaya hindi ka dapat matakot," pagsubok ko na pakalmahin siya.

"I know. Thank you, Sharina..."

Sandali kaming natigil sa paglalakad matapos niyang sabihin iyon. Tinanaw ko si Juancho na kasalukuyang nakatingin sa akin nang may munting ngiti sa labi. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahawa sa ngiting iyon.

I took my eyes off of his face and darted it towards his body. He looks handsome with just a simple polo shirt, pants, and a pair of rubber shoes. Seeing him like this still makes me wonder how I managed to pull him off.

Natigil lamang ang paninitig ko sa kanya nang dumapo ang kamay ni Juancho sa aking ilong upang pisilin iyon. Kaagad ko siyang pinandilatan na ikinatawa lamang nito. Hindi ko na rin tuloy napigilan ang sarili na matawa rin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa amin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga tingin ng aming mga kapitbahay sa amin, lalo na kay Juancho. Mayroon pa ngang nagbubulungan na tila ba walang pakialam kahit nakikita ko sila.

I am aware of how nosy our neighbors are. Kaya naman nasisiguro ko na kahit iilan lamang ang nakakakita sa amin ngayon ay buong street na namin ang makakaalam tungkol dito mamaya or kinabukasan lamang. Suwerte na kung walang dagdag ang kuwento nila niyan.

"Pasensya ka na, maraming chismosa sa amin," kaagad kong turan kay Juancho nang mapansing hindi na lingid sa kaalaman niyang nakatingin ang ibang tao sa amin.

"It's alright. I don't really mind."

I clicked my tongue and rolled my eyes in the direction of our neighbors.

"I said I'm alright, Sharina. How about you? Are you okay?"

"Hindi. Nakakainis kasi! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang tumingin nang sobra. Akala mo ngayon lang nakakita ng totoong tao."

Juancho laughed at me and tried to calm me down. Imbes na ako ay siya pa ang gumawa no'n hanggang sa wakas ay narating na namin ang compound. Naramdaman kong muli ang paghinga ni Juancho nang malalim habang kami ay papasok na sa bahay.

"Ma! Nandito na po kami," sigaw ko habang inaakay papasok sa pintuan si Juancho. Mabilis kong natanaw ang pagdating ni Mama.

"Good morning, Po," Juancho politely said and reached for my mother's hand.

"Ay, God bless sa'yo. Halika at pumasok na kayo."

As we entered, Juancho offered the paper bag he brought filled with pastries. Last night, I asked him not to bother bringing anything but he refused to do so. Nahihiya raw kasi siya kaya naman hinayaan ko na lang.

"Naku! Nag-abala ka pa!" ani Mama nang matanggap ang bigay ni Juancho. "Salamat dito!"

Juancho smiled. "You're welcome po."

I asked Juancho to sit on our couch and he immediately obliged. My mother asked if he wanted a drink but he was too shy to say yes. Kaya naman ako na lamang ang sumagot kay Mama at sinabing okay na sa amin ang malamig na juice. Tumango si Mama at kaagad na umalis upang kunin ito sa kusina. At nang bumalik ito ay hindi na lamang ang pitsel ng juice ang kasama kung hindi maging si Papa na may dalang dalawang baso.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon