Chapter 30

22 0 0
                                    

"Mahirap ba sa college? Nauna ako matulog kagabi dahil nagre-review ka. Tapos ngayong binisita kita, hindi ka pa rin tapos. Baka hindi ka natutulog o nagpapahinga niyan ah?"

He shook his head. "I slept for five hours, Sharina. And don't worry I ate earlier."

"Siguraduhin mo lang, Juancho."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, tila ba nais niya na matiyak kong ayos lang siya. Dahil doon ay napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimula na ring gumawa ng sariling gawain.

It's been three months since we've been together. Noong sinagot ko siya, hindi ko pinatagal at pinaalam kaagad sa mga magulang ko. Sa kabutihang palad ay hindi naman sila nagalit. Kaakibat nga lang no'n ang walang katapusang pangaral ang narinig namin ni Juancho.

I'm now in my last year of senior high school. Juancho, on the other hand, is now a freshman taking a Bachelor of Arts in Philosophy. He is studying at a private university here in our province. Mas may kalayuan iyon kumpara sa eskuwelahan nila ni Kane dati pero pinili niya na araw-araw pa rin umuwi.

I find it tiring but he said he doesn't want to stay in a dorm yet. Kapag daw kasi nag-dorm siya ay mas dadalang ang pagkikita namin. Hindi na namin madalas magagawa ang magsabay na mag-aral tulad ng ginagawa namin ngayon.

Kung bakit naman kasi walang University na nago-offer ng course niya rito sa distrito namin. Buti pa sa third district, mayro'n.

Si Kane naman, napiling lumuwas ng Maynila para mag-aral sa malaking unibersidad doon. Nakakausap ko siya minsan sa chat dahil friends naman na kami sa Facebook pero nang magsimula na ang school year ay mas dumalang iyon. Ayos lang naman dahil alam ko na abala siya.

When we finished studying, I stayed at their house for a while to spend some time with him. Hindi naman nagtagal iyon dahil ayoko siyang masyadong istorbohin lalo pa't prelims nila.

Juancho walked me home again as usual. He just greeted my mother but did not bother to go inside our house as he still had a lot of things to do. That's been our routine for a while already. Minsan ako pupunta sa kanila at may mga pagkakataon naman na siya ang pumupunta sa amin.

We are at peace. Calmness is lording our lives. I could only hope that it will stay this way.

"Oh, mag-iingat kayo rito ah. Iyong mga nakasaksak na appliances tanggalin n'yo kapag hindi ginagamit. Palagi rin kayo mag-lock ng pinto. Iyong gas sa ilalim siguraduhin n'yong hindi maiiwang nakabukas."

Bumuntonghininga ako nang marinig muli sa ikatlong pagkakataon ang bilin ni Mama.

"Opo, Mama. Mag-iingat din po kayo ni Papa sa Bicol."

"Kayo ang mag-iingat dito."

Nagkaroon ng reunion sa mga kamag-anak namin doon kaya magkasamang aalis sina Mama at Papa. Kung wala lang kaming pasok ni Ate Gia ay kasama dapat kami. Pero dahil mayroon ay maiiwan kaming dalawa.

Ayaw pa nga ni Mama sumama noong una pero nagtatampo na raw sa kaniya ang mga kamag-anak namin doon. Sa amin, ayos lang naman na umalis sila dahil malaki na rin naman kami. Maganda rin iyong minsan ay makapagbakasyon at makapagpahinga sila.

We escorted our parents out of our house. Tumulong kami ni Ate sa paglalagay ng ibang gamit nila sa sasakyan. Nakatanaw pa nga rin ako sa kanila hanggang sa mawala na sa aking paningin ang kotse ni Papa.

I was about to go back inside when I saw a familiar man from a distance. Nagbago man ang gupit niya at medyo pumuti ang balat ay kilalang-kilala ko pa rin siya.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon