Damang-dama ko ang bilis ng tibok ng aking puso na tila may hinahabol na kung ano. Lalo na nang maramdaman ko ang mga hakbang ni Juancho na nakasunod sa akin.
Mayroong ilang nakatingin, kabilang na ang dalawang kasama ko. Kaya naman mas nilakihan at binilisan ko ang mga hakbang upang mas mapabilis ang pagpunta sa kaninang puwesto.
"Nag-usap kayo, Sharik?" usisa ng nakakunot ang noong si Cristine pagkaupo ko pa lamang.
"Ay, hindi naman. Pinabalik niya lang kami dahil magsisimula na ata ulit 'yong practice," dahilan ko.
Mabuti naman at mukhang naniwala siya roon dahil ngumiti ito at hindi na nasundan pa ang tanong. Pamela, on the other hand, stared at me meaningfully. If only her eyes can talk, it already put me on the hot seat for sure.
Sigurado akong mamaya ay tatanungin ako nito kaya't nagkibit-balikat ako.
Medyo gulantang pa rin ako sa nangyari ngayon-ngayon lang. Hindi ko alam kung anong rason upang magtanong siya patungkol sa pinag-usapan namin no'ng maangas na Mariano.
And heck, I almost softened when he uttered my first name! Mabuti na lang at nakapagpigil ako.
Sana lang, kung hindi niya ako gusto, huwag na siyang masyadong lalapit. Nakakainis lang na pagkatapos niya akong ma-reject, lalapit-lapit ulit na tila ba ayaw akong maka-move on.
At paano ako makaka-move on kung ganoon ang mga titig niya? Hindi ako gano'n katibay.
We practiced for the last time. Sa pangalawang beses na ito ay mas dumoble na ang kaba ko sa hindi malamang kadahilanan. Mabuti na lamang ay nakayanan ko kahit may nararamdamang mata sa aking likuran.
Juancho's not included in the induction ceremony, though, since he's already a full-pledge knight. But he needs to be present as the leader of the KBS. At siguro'y isa rin siya sa mga mag-se-serve bukas.
Matapos makapag-practice ay akala ko'y papauwiin na kami. Nagulat na lamang ako nang may biglang i-announce na importanteng bagay si Ate Weng.
"Guys, I need two volunteers. Isa mula sa mga COMI at isa rin sa mula naman sa mga Knights. This is for the yearly catechetical programs of youth organizations from different parishes."
My forehead furrowed at what she announced. I don't have any idea what's that program is all about.
"Sa mga hindi nakakaalam, every year kasi, nagsasama-sama 'yong mga youth orgs para magbigay ng catechetical instructions, for example mga prayers gano'n and songs, sa isang mapipiling public school. Bale this year, dalawa raw mula sa doseng barangay ng municipality natin 'yung mga pinipili. Dapat mahilig sana sa bata kasi mga bata ang tuturuan n'yo. And don't worry guys, may sessions din kayo para may guide kung anong mga ituturo niya bago magsimula ang mismong program."
One of my choices for my college program is Bachelor of Elementary Education. Bukod kasi sa malakas ang boses ko at nais magturo, mahilig ako sa mga bata. Minsan, hindi lang halata. Iyon ang nais ko bukod sa pagsusulat.
Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na sumali. Para kasing interesting, lalo na't may parang training pa ata. Kung dati, pakiramdam ko'y boring ang mga ganito, ngayon ay unti-unti nang nagiging interesting. Lalo na't hindi lang pala puro pagse-serve sa misa ang ginagawa n'yo. Puwede pang makapagturo.
"Ano, sinong may gusto?"
Inilibot ko ang aking tingin at napansing walang nangahas mag-taas ng kamay. Hindi ko sigurado kung ayaw ba nila o nahihiya lang talaga.
Lumipas pa ang ilang segundo at wala talagang nakuhang boluntaryo si Ate Weng. Parang dismayado na nga ang ekspresyon niya kaya naman bumuntonghininga ako at nilakasan ang loob. I slowly raised my hand, earning most of the members' attention. Gulat ding napatingin sa akin si Pamela at Cristine.
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Novela Juvenil4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...