Chapter 3

55 6 7
                                    

Shame. If there's one thing that can limit a person's action, it will definitely be shame.

It's close to jeopardizing yourself! My system's failing to eradicate danger in my sanity!

I mean, if only digging this cemented ground is possible, I would have used every ounce of strength I have just to bury myself alive. There's this blackhole-inspired gravity that is pulling me to turn around and just go home right now.

Of all people, it was Juancho—my crush, who caught me doing that idiocy. Kung hindi ba naman ako tatanga-tanga, ngayon ko pa talaga naisipang painumin ang uhaw kong kuryosidad sa amoy ng holy water.

Nakaawang pa rin ang aking mga labi at namimilog ang dalawang mata kahit kalahating minuto na ang nakalipas buhat nang pumasok siya sa loob. Ang nag-iinit kong pisngi ang siyang patunay na hindi pa namamatay ang kahihiyang dumadaloy sa katawan ko ngayon.

Shit! Umayos ka, Sharik!

"Wala lang 'yon. Hindi siya matu-turn off. Inamoy mo lang," pangungumbinsi ko sa sarili, sinusubukang pakalmahin ang nararamdaman.

"Pero shit! Tumawa siya e k—" tinakpan ko ang balahura kong bibig. "Hala, nasa harap pala ako ng simbahan."

I stamp my feet out of frustration. Now, how am I supposed to enter the sacred house without feeling embarrassed?

Mahirap, pero kailangan. Marapat lamang na pumasok ako ngayon dahil baka magtaka na ang pinsan ko. And besides, whenever I'm in an embarrassing situation, my coping mechanism includes acting unbothered. I should pretend that nothing happened. In that case, Juancho might forget that scene too.

Yes, that's right.

Bumuntonghininga ako at inayos na ang sarili. Gamit ang mga daliri ay sinuklay ko pa ang buhok at inayos ang pagkaka-tuck-in ng aking t-shirt. Nang makuntento ako ay dahan-dahan akong humakbang papasok.

May iilang mga matang dumapo sa akin nang makapasok ako sa loob. Natanaw ko si Pam sa pew sa bandang likuran ng ilang babae sa kanang bahagi ng inuupuan sa simbahan. Nang makita niya rin ako ay kinumpas nito ang kanyang kamay at inaya akong tumabi sa kanya.

I gripped tightly on the chain of my sling bag as I march towards her seat. Sa kaliwang bahagi ay naroon ang ilang siguradong mga sakristan, kabilang na si Juancho. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na hindi siya nakatingin sa akin ngayon.

Bakit naman kasi siya titingin? How dumb of me to think that he'll care about that embarrassing moment a while ago.

"Ginawa mo?" Pam asked as soon as I took a seat.

"May tinignan lang sa labas," tugon ko, muling pasimpleng tinanaw si Juancho.

Tahimik lamang itong nakaupo at nakatingin sa harap habang may tangan na libro. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng libro iyon subalit mula sa malayo ay tila may larawan ng santo.

His side profile is almost... godly. There's this almost visible line that shows how sharp his jaw is, void of any facial fats. What I'll do just to trace my fingers on his face...

Napaigtad ako nang bahagyang tinampal ni Pamela ang pisngi ko, dahilan upang mabaling ang tingin ko sa kanya.

"Ang bilis, nakatitig agad. 'Di man lang pinalipas ang ilang minuto e," tuya nito habang nakangisi.

"Tinitignan ko lang kung anong pangit sa kanya. Kaso, wala akong makita."

Hindi ko alam kung bulag na ba ako o sadyang wala lang talagang mali sa pagkakalikha ng kanyang mukha.

Ramdam ko ang pagtango niya. "True naman. Pero kung sa itsura lang, may laban din ang Micko natin."

My lips protruded on their own. She's right, our friend's utterly handsome too, but in quite a different way. Micko's features are gentle and soft. Siya 'yung tipo na tila hindi kayang gumawa ng kasalanan, kahit madalas na magulo ang buhok.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon