Atmosphere's forbearance from any noise, my family's mouths gaped. It was as if the cat got all of their tongues, totally permitting silence to engulf. I expected their reactions though, for I know very well what was the reason.
I was never a church girl. That's why me, volunteering to join a religious-based organization, seems like discovering proof to an old scarcely credible myth that would pave way for its existence in nature and truths.
Unbelievable and unexpected.
Nanatili ang katahimikan kahit natapos na sina Aling Melda at ang anak nito sa paglista ng pangalan ko. Namaalam na rin sila na tutuloy na sa pagre-recruit sa mga katabing-bahay. Napaka-sipag naman, paskong-pasko ay abala sa paghahanap ng mga nais sumapi.
"A-Anong nangyari sa'yo?" si Mama na siyang pinakauna sa nakabawi.
Ngumuso ako. "Wala po, Mama. Naisip ko lang na sumali dahil mukhang interesting ang ginagawa nila. Nakita ko sa misa kanina."
"At kailan pa naging interesting sa'yo ang pagsisimba lalo na ang pagsali sa mga gan'yan?"
"Ngayon lang, Mama."
Ngumiti ako at tinalikuran sila upang pumasok sa loob. Naupo akong muli sa sofa at ipinagpatuloy ang pag-ubos sa kakaunti na lamang na spaghetti. Lumamig na iyon habang ang coke naman ay halos wala nang natira sa lamig sapagkat natengga roon ng ilang minuto.
Hindi nila malalaman na may iba pang dahilan. O... hindi pa sa ngayon. Gusto ko mang mainis sa sarili dahil tagilid ang dahilan ng pagsali ko subalit wala naman akong magagawa dahil iyon ang totoo. Siguro nga ay nahihibang na ako. Wala akong ideya kung tuwid pa ba akong mag-isip o masyado na akong nalunod sa senaryong hindi mawaglit-waglit sa isipan ko.
Ni hindi mo nga alam ang pangalan, Sharik! Tapos ngayon, heto ka't agaran sa pagdedesisyon. Sana lang, hindi mo ito pagsisihan.
Kaagad namang nakasunod sa akin si Micko na hanggang ngayo'y halatang hindi pa rin makapaniwala. Kung nakakapagsalita lang ang titig nito'y kusa na itong nagtanong kung nagbibiro lamang ba ako.
"Sigurado ka ba d'yan? Dati ka nang nagsisimba tuwing pasko ah kaya... nakapagtataka. Anyare, Sharik?"
Bumuntonghininga ako. "Ah basta. Magbabagong buhay na 'ko."
Nakisawsaw si Ate. "Paano ang uniform mo?"
"Papatahi ako, Ate! Nakalimutan mo na bang mananahi si Tita Len? At saka, baka ayain ko rin si Pamela. Para naman... may kasama ako dahil sigurado akong hindi ka naman sasali."
"Bawal magmura do'n ah. Asinan mo 'yang bibig mo," hindi ko alam kung seryosong bilin ba ni Ate.
Inikot ko ang aking mga mata. "Hindi naman ako gano'ng kamakasalanan, okay? Bakit ako magmumura sa loob ng simbahan?"
Kung dito nga sa bahay, nakokontrol ko ang pagmumura. Pinapagalitan kami ni Mama sa tuwing naririnig na nagmumura dahil ayon sa kanya, siya lamang ang may karapatang magmura rito sa loob ng pamamahay namin.
Until now, I still cannot comprehend her logic. Sometimes, understanding our parents are much harder than a pre-calculus exam where I suck.
"May pera kang pampatahi?" tanong ni Micko.
Nagkibit-balikat ako. "Hihingi ako kay Papa."
He nodded and looked straight into my eyes. For some reason, his gray eyes gleamed with curiosity and concern. Where it was coming from is a mystery.
"Kapag hindi ka binigyan, papautangin kita."
Ngumiti ako at dumukwang upang kurutin ang napakatulis niyang ilong. Hindi siya umiwas at sa halip ay hinayaan akong gawin iyon.
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Teen Fiction4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...