Chapter 12

57 4 13
                                    

Everything except this breathtaking man in front of me seemed to vanish. The distant bouncing of the ball from a distance, few murmurs from some people near the hall, and any other environmental noise were all discarded.

In my mind, his words are endlessly repeating, so is the look on his face—determined and sincere.

Looking back from the moment I first saw him on that entrance procession last Christmas day, I never thought that a time will come when he'll be the one who would want to befriend me. Kahit mukhang friendship pa lamang ang nais niya, hindi pa rin ako makapaniwala.

At ngayon, hindi raw siya magsasawang humingi ng sorry hanggang sa mapatawad ko siya. Ibig sabihin, kung umabot ng ilang buwan ang pagpapakipot ko, patuloy siyang hihingi ng tawad?

Palagay ko ay ako na ang mahihiya no'n!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Basta ang sigurado ay ang pamumula ng aking mukha.

"U-Uh..." I awkwardly laugh. "Okay na 'yon. Hindi mo n-na kailangang mag-sorry ng paulit-ulit. Joke lang naman na hindi ko tatanggapin."

Siya na ang nagpakumbaba kaya't sino ba naman ako para hindi tanggapin iyon 'di ba? Lalo na kung ganiyan ang mga mata niya.

"Really? Are you sure?" he confirmed.

Maagap akong tumango at ngumiti. "Oo naman."

His lips formed a single line as he sighed out of maybe... relief? Mas gumaan na rin ang ekspresyon niya kumpara kanina. Pero hindi pa rin ako nabibiyayaan kahit ng munting ngiti lamang mula sa mapupulang labi niya.

"Then... can I ask you something?"

Simpleng tanong lamang iyon pero grabe na ang itinambol ng puso ko. Mabilis na gumapang ang init sa aking mukha.

Bakit ba kasi nakakakaba ang tanong na 'yan?!

"A-Ano 'yon?" I answered.

"Did you really mean it?"

I slided my tongue in between my lips. "Ang alin?"

"When you told me that you like me. Did you really mean it?"

My eyes widened a fraction. Nadagdagan ng hiya ang nararamdamang kaba at kilig ngayon lamang. Noong nakaraang linggo nang umamin ako sa kanya, nilamon ko lang ang lahat ng lakas ng loob na mayroon sa mundo. At ngayon, bakit kailangan niya pang ipaulit?

Should I confess again? Right now in broad daylight? He's embarrassing me a lot without even knowing it!

Napayuko ako at pilit na itinago ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng tawa. Kung saan-saan ako sumulyap bago muling inangat ang tingin sa kanya.

"Uhm... ang totoo niyan, naghahanap na ako ng bagong crush. Alam mo na, crush-crush lang naman, e, gano'n," wala sa wisyo kong tugon. "Kaya huwag kang mag-alala."

Nakita kong umangat ang isa sa makakapal at itim na itim niyang mga kilay kasabay ng bahagyang pag-igting ng kanyang panga, tila sasabak sa isang debate o kung ano mang laban.

"Bakit ka naghahanap ng bagong crush?" kuryoso at tila may pagtitimpi niyang tanong.

Napangiwi ako. Papaano ba 'to?

"S-Siyempre, g-gano'n talaga. Nag-iiba-iba naman ang mga c-crush. Kapag ekis sa isa, hahanap ng iba. At minsan, puwedeng marami kang crush." I stammered foolishly.

Damn, I feel like I look and sound so dumb right now!

Para kasing, hindi ko kayang umamin ulit sa ikalawang pagkakataon. Lalo na't sinabi niya kanina na gusto niya akong kaibiganin. Kung aamin ulit ako, malaki ang tiyansa na tatanggihan niya ulit.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon