Chapter 17

45 3 18
                                    

I left home earlier this morning completely pumped. And now, my way back is like riding the crest of the wave, surfing through its wildness as it wipes out negativity obstructing the way. If someone would see me grinning from ear to ear, they might think that I am getting crazy.

What can I do? My heart is jumping with pure joy and thrill. I just got the man I never thought I'll get! It's one of the best things ever!

"Sharik! Hoy!"

Malaki ang ngiti kong hinarap ang tumawag sa akin. Nakita ko si Micko na may dalang isang plastic ng apple mango at mukhang pauwi ng bahay nila. Nakasuot ito ng itim na sando at shorts. Kumaway ako at nilapitan siya.

"Hi, Micko! Guwapo mo ngayon ah!" magiliw kong bati.

Confused by my high spirit, he arched his brows. "May kailangan ka ba o sadyang masaya ka lang?"

"Masaya lang ako!" I answered truthfully while flipping my hair. "Tambay tayo sa inyo! May ikukuwento ako! Pahingi rin ng mangga."

Sa sobrang pagnanais na sumabog ng dibdib ko, pakiramdam ko'y kailangan kong mailabas ito. At dahil sigurado na ako na interesado talaga sa akin si Juancho, tingin ko ay puwede ko na siyang i-kuwento kay Micko. Wala na siyang masasabi na hindi ako papatulan no'n!

"Magpalit ka muna ng damit dahil baka mainitan ka sa pantalon na 'yan. Babalatan ko muna rin 'tong mga 'to," sagot niya at hinawakan ang likod ko. "Pati t-shirt mo palitan mo! Ang pawis na! Huwag mong papatuyuin!"

Napangiwi ako. "Isa-isa lang, 'tay."

The thing about Micko is that he always looks out for me like a loving parent to his child. We are not related biologically but he's making me feel like we are. I am really thankful to have him as my best friend. Even if he often nags and teases me, I know that he cares about me. Kahit nakakapikon minsan ang isang 'to, hinding hindi ko siya kayang itapon.

"Isa-isa lang tapos hindi mo naman papakinggan," reklamo niya. "Sige na, uwi ka muna. Hintayin na lang kita sa bahay."

"Okay! Wala pa rin Tito mo?"

Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa Tito niya o kung nakauwi na ba ito. Sa totoo lang, masaya nga ako na hindi pa umuuwi iyon dahil kapag and'yan ang Tito niya ay lagi siyang pinag-iinitan. Mas nag-aalala lang ako pag nasa bahay nila 'yon.

"Wala pa rin. Nagtanong-tanong na nga ako. Ang sabi'y nasa nga ka-tropa niya raw panigurado. Ewan ko," aniya at nagkibit-balikat.

Narating namin ang tapat ng bahay namin kaya't saglit akong nagpaalam upang makapagpalit ng damit. Binati ko si Mama sandali at binalitang nagustuhan ni Juancho ang manok na niluto niya. Mukhang natuwa naman si Mama roon. Masaya siya kapag naa-appreciate ang mga gawa niya.

I changed into more comfortable clothes. Simple shirt and shorts. Siyempre bago 'yon, nagpunas muna ako ng pawis gaya ng bilin ni Micko. Mamaya na lang ako ulit maliligo tutal naligo naman ako kanina.

Before I went out, I fetched my phone and typed a message for Juancho. We promised each other that we'll chat whenever we find time.

Ako:

Nakauwi na ako! Kakain lang muna ng mangga at tatambay

The chat was just sent and not delivered. Maybe Juancho was still not on his phone and probably doing something important. I'm sure he'll reply later.

Ako:

Reply ka na lang kapag puwede na! Charge muna ako ng phone habang tumatambay :))

Pinatay ko ang wifi at iniwang naka-charge ang cellphone ko na simbilis ng kidlat kung ma-lowbat. Dahil ilang taon ko nang gamit ay bumababa na ang maximum capacity ng battery. Huling check ko ay nasa 65 percent na lang.

Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon