I yelled his name once more when I heard him whimper in pain. His light blue shirt was stained red with blood, which was coming from a wound on the right side of his lower abdomen. His hand, instinctively reaching for the source of pain, was also slick with crimson as he struggled to stop the flow.
"Micko..."
I killed the panic that tried to conquer my entire system. Maybe it was adrenaline that gave me the strength to pull Micko up here with me. Idagdag pa nagagawa pa rin niyang makakilos kahit na nasugatan.
Inihiga ko siya at kaagad na tinignan ang sugat. May kalakihan at kalaliman din iyon pero hindi kasinlala nang inakala ko. Mabuti na lamang ay nakailag siya kahit papaano dahil kung hindi ay baka nahati na ang katawan niya. Naiyak ako sa pag-iisip pa lamang na paano kung iyon nga ang nangyari.
I immediately took a piece of cloth from his bag and placed it on top of the wound to apply some pressure. Ramdam ko ang panginginig nang katawan ko habang ginagawa 'yon.
"Sharik, o-okay lang ako..."
Micko placed his hand on top of mine. Wala na ang dugo roon dahil sa lakas pa rin ng buhos ng ulan. Tinignan ko siya at nakita ang pilit niyang ngiti upang pakalmahin ako, sa kabila ng sakit na nararamdaman.
"S-Sorry, Micko. Kasalanan ko 'to," I managed to say in between my sobs. "Anong nararamdaman mo?"
He grunted a little and tried to stand but I pushed him back gently to prevent him from doing so.
"M-Masakit pero kaya ko 'to. Sanay na ang katawan ko sa ganiyan. Ikaw ata ang hindi ayos. D-Daig mo pa ako sa pag-iyak."
I glared at him when he tried to take this situation lightly. I always knew that Micko was strong. Wounds like this one would not bother him. But he's still a human. Hindi gawa sa metal ang katawan niya. Lalo pa't ayaw pa ring tumigil ng pagdurugo.
He laughed a little bit while I forced myself to stop crying. Wala pa ring tigil ang ulan at hangin sa pananalasa. Sinubukan ko ring ngumiti kay Micko.
"H-Huwag ka na muna magsalita. Huwag ka ring magbibiro. Maghintay lang tayo rito. Siguradong may darating na tulong."
Micko smiled again and slowly closed his eyes. I looked around to see if there was anyone around but I saw no one. Ang bilis naman nakalikas ng iba.
Muling nabuhay ang takot sa aking dibdib. Habang patuloy na lumilipas ang mga oras at patuloy pa rin ang ulan ay unti-unting nilulukob nang kung ano-ano ang isip ko.
Papaano kung hindi kami agad mabalikan? Walang taong mangangahas na bumalik kami kahit na humingi pa ng tulong si Ate.
Nais ko mang patuloy na sisihin ang sarili ko ay wala rin naman akong mapapala roon. Nangyari na ang nangyari. Kailangan kong tatagan ang loob ko dahil kung hindi ay walang panghuhugutan ng lakas ni Micko.
"S-Shar..."
I held his face. "Hush, Micko. Sabi ko huwag ka munang magsalita."
He slowly opened his eyes and looked up at me. Halos isang oras na rin maming narito. Bahagyang humina na rin ang ulan subalit hindi pa rin namin kakayaning maglakad upang makahingi ng tulong. Hindi sa kalagayan ngayon ng kaibigan ko.
"Sharik..." he called again. "K-Kung mamatay man ako. Masaya a-ako na ikaw ang kasama ko."
My tears started falling again.
"Micko naman, e. Huwag kang magsalita nang ganiyan. Malakas ka, s-sugat lang 'yan," pag-subok ko na patatagin ang loob niya.
"A-Alam ko. Kung nga lang, Shar..."
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Teen Fiction4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...