Hiyang-hiya at siguradong pulang-pula ako kanina habang magkausap kaming dalawa. Ni hindi ko na nga maalala kung ano pa ang mga pinagsasabi ko bago tuluyang umalis ng simbahan dala ang payong na ipinahiram niya.
Honestly, I was a little worried that he'll see my real emotions through my facade. And I wonder how I sounded in his perspective? Oh, all that I'll give just to know what's going on with his mind right now.
The bullish drops of rain in the umbrella heralded its immense intensity. But as the sky is weeping, my heart is thronging with glee. And there's this unexplainable burning sensation in the pit of my stomach that I cannot contain.
If only I could dance in the rain right now, I would've done it already. However, pulling that stunt in a public place will make me look absurd.
My grasp on his umbrella was hard, even until I reached home. It's as if I don't want to let go of this thing that belongs to him. Of course, he let me borrow it!
Hindi naman kami close pero pinahiram niya ako. At hindi lang pala basta pinahiram. Pinaubaya niya ito kahit siya mismo ay wala nang magagamit. A kind of sacrifice, I could say.
Ngayon, may parte na sa aking sarili na nais nang mag-assume. Kasi naman e, hindi lang ako ang nag-iisang tao roon na naghihintay tumila ang ulan subalit sa akin lang in-offer ni Juancho ang dala niyang payong.
I really cannot believe it! Kakaunti pa lamang ang interaksyon namin tapos gano'n na? Posible kayang, unti-unting nang natutupad ang gusto ko?
Yes, it's been just a week but crushes can develop as fast as a second. You can even fall for someone for a mere second. Just a simple glance, a simple touch, a simple talk, and any other simple interactions are enough.
Alam kong masakit ang mag-assume. Mahirap ang mag-expect lalo pa't wala namang kasiguraduhan. Kaya kahit labis ang kilig ay dapat ko pa ring pigilan ang aking sarili.
Maghunus-dili ka, Sharik. Hala't kontrolin ang puso!
"Oh? Kaninong payong 'yan?" Mama asked the moment I got home.
Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Sa kakilala kong nagpahiram, Ma. Buti may extra siya."
"Mabuti naman. Nag-aalala na nga ako sa'yo kaya sabi ko kay Gia kapag lumipas ang ilang minutong wala ka pa e ipapasundo na kita ro'n."
"Okay na po ako. Medyo... gutom na po."
Tumango si Mama. "Oh sige't tawagin mo na ang Ate at Papa mong nasa labas nang makakain na tayo," tugon nito na kaagad kong sinunod.
Kumain kami ng hapunan pagkatapos no'n. At nang muli kong mahawakan sa wakas ang cellphone ay napagdesisyunan kong magpasalamat muli kay Juancho sa tulong nito. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob talaga.
Ako:
Hi! Thank you ulit sa payong na pinahiram mo. Ibabalik ko kaagad sa susunod na misa :)
Gusto kong maibalik kaagad subalit tingin ko ay mababaw lamang iyon na dahilan upang mag-set pa kami ng date. Kaya naman sa susunod na misa na lamang.
Bigla ko na namang naalala ang eksena kanina. Kung gaano kalalim at kainam pakinggan ng tinig niya nang binigkas nito ang aking pangalan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Nakatulugan ko na ang paghihintay ng reply mula kay Juancho. Nang magising kinabukasan ay ang cellphone ko ang binuksan matapos makapagdasal.
It's nine o'clock and he had seen the message already. He just didn't reply though.
Hindi ko maipagkakaila na bahagya akong nadismaya nang hindi siya tumugon sa akin. Ni-react nga rin e wala!
Nakausli ang nguso ko habang sinasaksak ang cellphone. Hmp, okay lang 'yon. Ang mahalaga, nakapag-usap kami kagabi. Ayokong masira ang maganda kong mood.
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Teen Fiction4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...