It took us thirty minutes to arrive at their school. Medyo nahirapan nga kami maghanap ng parking dahil sa dami ng mga sasakyang kaagaw sa space. Kaya naman nang tinanong ako ni Juancho kung ayos lang ba na sa dulo kami mag-park ay pumayag ako.
He wanted to drop me off at the entrance so I wouldn't have to walk but I refused. May dala naman akong payong kaya't kahit mainit ay ayos lang. I wanted to stay with him.
"What's inside that bag?" tanong ni Juancho nang makababa na kami.
Bahagya kong inangat ang dala. Ngayon niya lang siguro napansin na may bitbit ako dahil nasa akin ang atensyon niya kanina nang pumasok ako ng sasakyan. Medyo nakatago rin kasi sa legs ko 'yon kanina noong nakaupo. Hindi kalakihan kaya't hindi talaga mapapansin agad.
Knowing Juancho, I decided to give it to him. Medyo halata na rin naman ang laman dahil hindi masarado nang maayos at baka masira ang bulaklak.
"Para sa'yo 'to," tugon ko sabay abot ng tangan. "Mamaya pa dapat 'yan pero mas-spoil ka na rin naman. Congrats ulit!"
Knowing him, he would just bug me until he found out what I brought.
Kumunot ang noo niya at binuklat ang paper bag. Bumalahid ang pagkagulat sa mukha niya.
"You bought me flowers?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Obvious ba? E, ano 'yan?"
"Flowers..."
"Oh, e'di oo. Bakit, ayaw mo ba?"
Maagap siyang umiling. "No, of course, I loved them. This is just the first time I received flowers so..."
"Sus, akala mo mga babae lang ang puwedeng makatanggap niyan? Hindi na uso 'yon!"
"Yeah... thank you for this. I love them."
I caught sight of his teeth when he smiled. Matagal niya pa iyon tinitigan muna. Ewan ko pero ang tangkad niya at maganda ang built ng katawan pero sa mga oras na 'to, mukha siyang bata na binilhan ng laruan.
Juancho volunteered to carry the paper bag on our way inside the school grounds. Sinubukan ko nga na kuhanin muna dahil pinapayungan niya rin ako pero ayaw niya. Mamaya na lang daw dahil bawal sila magbitbit ng gano'n kapag nagsimula na ang ceremony.
We come to a halt at a shed inside. Juancho said this is where we'll rendezvous with Kane and their parents.
"Benedicto! Nandiyan ka na pala! Tara na sa gymnasium!"
Sabay kaming bumaling ni Juancho sa malakas na tinig na 'yon. Nakita ko ang dalawang matatangkad na lalaking tulad ni Juancho ay nakasuot din ng barong at itim na pang-ibaba. Mukhang iyon nga talaga ang suot nila at hindi toga. The only difference is that Juancho's not yet wearing his graduation stole unlike these two.
Pamilyar sila sa akin. Feeling ko, isa sila sa mga na-stalk ko noong panahong palagi ko pang sine-search sa Facebook si Juancho pero dahil hindi siya makapag-post ay kung kani-kaninong Facebook profile ako napapadpad.
"Go ahead. We're still waiting for Kane."
When they saw me, their eyes widened. Kahit nga iyong tumawag kay Juancho na may pagka-chinito, medyo nanlaki ang mata.
BINABASA MO ANG
Meet Me In Your Sanctuary (4th District Series #1)
Novela Juvenil4th District Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a religious person, then Sharina Aerika Villares long crossed that out of the rubric. She's the type of person who finds eucharistic celebrations...