Chapter 27

29.5K 1.1K 1.8K
                                    

It's my birthday so I made this chapter long. Para sulit sa paghihintay. By the way, happy birthday too, sunXliy!

That's all, happy reading! <3

---

"Leigh!" I called her. I followed her outside the bar. I saw some people gathering in front of the ambulance, watching the rescuers carrying the stretcher.

Napahinto ako sa kalayuan nang makita si Leigh doon. Nakatingin ito kay Sindie na nakahiga sa stretcher, walang malay. Duguan ang ulo nito. Namutla ako sa kaba.

Madilim ang mukha ni Leigh, seryoso ito habang kinakausap ang isang tao sa ambulance. I saw her friends walking towards her place. Tulad ni Leigh ay seryoso ang mga mukha nito. Ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit.

And they thought it was all because of me...

Wala sa sarili ako napaatras. I'm afraid to go there, they will blame me.

"Artemis! Ayos ka lang?" Tumakbong palapit sa akin sina Cornelia, nahihingal dahil hinabol nila ako.

Hindi ko sila nasagot. Nakatulala lamang ako sa harapan. Nakita ko si Leyna na naglalakad palapit sa pwesto ni Leigh.

"Leyna! Where are you going?!" Tanong ni Kiena.

"Athaleigh might be worried sick about what happened to her best friend. I'm just going to comfort her." Umiwas ito ng tingin at tumakbo palapit doon.

Napatingin sa akin si Cornelia na tila tinitingnan ang ekspresyon ko. Nagbuntong hininga ako. Kinuyom ko ang kamao ko at napayuko.

I'm sure she will not just comfort her but flirt with her too.

"S-saan ka pupunta, Artemis?" Hindi ko na sinagot si Kiena dahil umalis na ako.

Dumeretso ako sa kotse ko at pinaandar iyon. Mahigpit kong hinawakan ang steering wheel. I gritted my teeth. I'll find out who did this. This is a plan, there's a mastermind for all of this.

Kapag nalaman ko kung sino ka, sisiguraduhin ko na dadaan ka sa mga kamay ko.

Kinabukasan ay nag-stay ako sa mansion ni Hadrian. Nandoon rin si Apollo. Hindi ko maiwasan magtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako tinatawagan ni Leigh, I know she's suspecting me that I was the who did that to her best friend.

Why hasn't she reported it to the police?

"Tapos na?" Seryosong tanong ko kay Apollo. Nakaharap ito sa computer niya, nandito na rin si Axcel. Ang kanang kamay ni Hades.

"You're right, this is all a plan. They paid a person to access the camera and stole the footage." sabi ni Apollo. He stretched his neck.

"Damn it. How can we take it back?" Napahilot ako sa sentido. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang naglalakad.

"I can do it. I'll hack it and steal the footage." lumapit si Axcel sa computer at nagtype kung ano ano doon.

Apollo frowned and rolled his eyes.

"I can't understand why we are doing this. Sinabi mo na sa kanya na hindi ikaw gumawa 'non, so dapat naniwala na siya agad sa'yo at hindi ka niya pinagdududahan." Reklamo ni Apollo.

Natigilan ako dahil doon. Napaupo ako at hindi makaimik.

I'm not sure if Leigh really thinks that I was the person who did that. Wala siya sinasabi sa akin na kasalanan ko ang nangyari pero hindi rin siya sumasagot sa messages ko.

Kasi kung pinaghihinalaan niya na ako talaga ang gumawa 'non, dapat sumugod na siya sa akin kasama ang mga police.

Binasa ko ulit ang huling message ko sa kanya.

The Curse of Limerence ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon