Chapter 32

33.2K 965 1.1K
                                    

"Leave-"

"No, let them in." Pigil ko kay Leigh kaya napatingin ito sa akin. Lahat sila ay napatingin rin sa akin.

Umiwas ako ng tingin at tumalikod na sa kanila. Pumasok na ako sa loob. Naririnig ko ang mahinang usapan nila nang makaalis ako. Sindie is with them, I guess I can't do anything about it. I just can't push her away because I don't like her here, she's still Leigh's friend and I don't own this penthouse.

But Leigh told me that Sindie convinced her family to stop from filing a case against Leyna and others. I don't know why and I'm not interested to know. It seems Leigh doesn't know the reason too, so why bother to know it right?

I just want a peaceful life. And besides, I already got what I want.

Nilapag ko si Thena pabalik sa single sofa. Nakaangat ng tingin sa akin si Thena parang hinihintay ang sasabihin ko.

Hindi ko mapigilan ngumiti.

"We have visitors, Thena. You have to behave okay? They're your mama's friends..." I whispered into the kitten's ear. She just meowed at me and nodded her head as if she understood me.

"Hala! May pusa ka, Miss Levinson?" Tulad ng inaasahan ko ay agad pumasok si Princeton sa loob at lumapit sa pwesto ko. Sumingit pa ito sa kinauupuan ni Thena!

Sumama agad ng timpla ng mukha ko. Sa laki niya, naiipit si Thena!

Bago pa ako makapagsalita ay malakas na tinampal ni Leigh ang balikat ni Princeton. Napaawang ang labi nito habang hindi makapaniwala na tumingin kay Leigh.

"Move, can't you see that the seat is already taken?" Inis na bulyaw ni Leigh sa kanya. Magsasalita pa sana si Princeton pero tinulak na siya paalis ni Leigh sa sofa.

"Aray ha! Paupuin mo naman ako, Leigh-Leigh! Hindi biro ang pagpunta namin sa penthouse mo na daig pa ang China wall sa taas!" Pagsagot ni Princeton habang nakaupo sa sahig.

Hindi siya pinansin ni Athaleigh. I was shocked when Leigh held my arm and pulled me closer to her. Tumama ang mga mata namin ni Sindie, napahinto ito sa pagpasok sa loob dahil sa nakita.

Nilipat ko na agad ang tingin ko kay Leigh. Her face was too close! Good thing that Princeton was busy talking to our cat like an idiot.

"Are you sure you want them here? I can make them leave, it's not a problem for me." She mumbled while looking at my reaction.

"Ayos lang, ano... Babantayan ko na lang si Thena, you can talk to your friends here." Naiilang na sabi ko at hindi siya matingnan ng diretso.

Nagbuntong hininga ito.

"Leigh-leigh, alam ko naman mahilig ka sa ulap pero parang gusto mo ata kami ideretso agad sa langit! Halos matulog na kami sa elevator!" Reklamo ni Dante.

Pinanood ko lang sila pumasok at ilapag ang kanilang mga pinamili na pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagbisita kay Leigh. Kinuha ko na si Thena mula sa tabi ni Princeton kaya napanguso ito na tila may plano pang agawin si Thena sa akin.

Umupo ako sa sulok habang si Thena ay nakahiga sa kandungan ko.

"Sino ba kasing nagsabi pumunta kayo rito?" Naiiritang sabi ni Leigh.

"Si Sofia nga!" Giit ni Miles kaya sinamaan siya ng tingin ni Leigh.

"Naniwala naman kayo doon? Tsk." Irap na sabi ni Leigh.

"Aba, bakit naman hindi? Iyon lang naman ang kilala namin na lagi mo kasama." Ngising sabi ni Dante.

Natigilan ako sa narinig, napatingin si Leigh sa gawi ko kaya mabilis ko binagsak ang tingin ko kay Thena. At nagkunwari na hindi narinig ang sinabi nila.

The Curse of Limerence ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon