ARTEMIS' POV
"Nasan ka na, ma'am? Nandito na kami sa resort, excited itong mga kasama ko!" Sabi ni Elena sa linya. Inipit ko ang phone ko sa balikat at tenga ko habang naglalagay ng lipstick sa labi.
"That's alright, have you checked-in already?" Tanong ko. Nagsuot na ako ng heels at bumaba na.
"Ay, hindi pa ma'am. Wala naman marunong sa amin, baka hindi alam ng mga staff na free vacation ang pinunta namin dito." Humalakhak siya pagkatapos. Napailing na lang ako.
"I'll call Hades, he will assist you there. Mauna na kayo, susunod ako." Sabi ko.
"Hala ma'am! Yung owner pa talaga mag-aassist sa amin, nakakahiya naman pero salamat po!" Sabi niya natawa na lang ako nang mahina.
Pagkatapos ko pinatay ang tawag, agad ko minessage si Hades. I overslept na naman! I forgot na ngayon pala ang outing namin. Nakalimutan ko na mag alarm, si mommy usually ang gumigising sa akin. Pero hindi niya ginawa ngayon.
"You forgot to wake me up." Salubong ko kay mommy. Nagulat naman ito. Kumunot ang noo ko nang makita na nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok.
"Oh? Do you have work today? I didn't know!" Sabi niya at nagmamadaling pinatay ang kalan. Nagbuntong hininga na lang ako.
"It's alright, I'll go now." Kinuha ko na yung sling bag.
"W-wait! Uh, I cooked your favorite dish, it's bulalo. Naka-pack na rin." Ngiting sabi niya.
"I'm... Actually on diet, my secretary is the one who monitors my meals." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi niya, bumagsak ang balikat niya. Pero gayunpaman, ngumiti pa rin ito ng pilit at tumango.
"O-oh, sige, ilalagay ko na lang siguro dito in case you want it." She gave me a warm smile.
I just watched her. Starting from that day, she started to act like a mother to me. She's the one who's cleaning my bedroom, arranging my papers and cooking my dinner. Masasabi ko talaga na sinusubukan na bumawi sa akin kahit ilang beses na ako tumatanggi sa kanya.
Nagbuntong hininga na lang ako at kinuha na ang tupperware. Natigilan naman ito at napatingin sa akin.
"I'll go now, mom." Sabi ko kaya napangiti siya sa akin.
"Uhm, may nasabi ba sa'yo si Cristine tungkol sa lawyer nila? Samahan mo kaya siya para may mag-aalalay sa kanya, baka hindi siya marunong makipag-usap sa lawyer." Sabi niya habang nakaiwas ng tingin sa akin. Patuloy lang siya nagliligpit sa mesa.
"What is she? A 3 years old baby? Kaya niya na 'yon, mom." Natatawang sabi ko.
"I'm just telling you, kasi dapat ang mga magulang niya ang kakausap doon. Baka hindi niya alam ang sasabihin, lawyer pa naman ang kakausapin niya." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko, bakit parang may pakialam pa siya sa kaibigan ko? Problema niya na iyon kung tatanga tanga siya sa harap ng abogado.
"I'm sure she can handle herself, una na ako." Sabi ko at tumalikod na.
Pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang inaakto niya. Naparami siguro ng kape kaya ganon. Napailing na lang ako.
Wala ako masyadong dala na damit, gusto ko rin magbabad doon. Meron naman mga damit sa resort, o kaya uutusan ko na lang ang pinsan ko na bumili ng mga damit para sa akin. I laughed like a villain.
Parating na ako sa resort nang tumawag si Cristine. Napairap ako at sinagot ang tawag.
"What?" Salubong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Curse of Limerence ✔
RomanceSide story of Athaleigh and Artemis "I'll never like you, Levinson. I don't like bitch, spoiled and bossy women. You should put that in your mind." After seven years of not feeling pain and not having these stupid tears on my cheeks, she managed to...