I don't know where to go. Basta ang alam ko ay malayo ako sa lahat. I'm in the middle of nowhere, full of buildings, night lights, and people everywhere. I was just sitting on the corner like an idiot.
My eyes shifted to the couple walking and laughing. I smiled unconsciously and looked away. This place is relaxing and calming, if we were still together, I would bring her here. We will walk until the sun sets. Talk about stuff and watch her play guitar, we will enjoy every moment.
I sighed heavily. I looked at the stars and moon in the sky. I wonder if she's looking at the moon like what exactly I'm doing right now. I'm no longer the Goddess of the Moon but I feel like I'm still connected to it. It became my mark, the moon resembles my existence.
"Miss, okay ka lang?"
Napaangat ang tingin ko sa grupo ng mga kabataan. Naka-uniporme pa sila at nagkakahiyaan pa ata lumapit sa akin. Ang babae na morena ang nag tapang na magtanong sa akin. Hindi niya pinansin ang mga kasama nito.
"Miss?" Lumapit sa akin lalo ang babae para tingnan ako mabuti. Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas ng tingin.
"I'm fine, next time don't talk to strangers. You're still young, people might take advantage of it." Seryosong sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at nilagay iyon sa lap ko.
Nabigla ang babae ganon din ang mga kasama niya. Tumikhim ang isang kasama nila at nahihiyang nagsalita.
"H-hindi ka naman po mukhang nangunguha ng mga bata, ate! At saka, kanina ka pa po namin tinitingnan. Ang lungkot mo kasi ate." Ngumuso ang babae.
Tumango ang morena na babae na tila sumasang-ayon sa sinabi ng kasama.
Hindi ako sumagot. I don't know what to answer with that.
"Ang ganda mo ate! Parang ka daw anghel sabi ni Joshua!" Sabi ng binata at siniko ang katabi nito. Minura siya nung Joshua at naglakad na ng palayo na tila nahihiya sa kaibigan.
Ngumiti na lang ako at tumayo na para umalis.
"Aalis ka na ate?! Uhm, ingat ka po! Elena nga po pala. Malay niyo po pagtagpuin tayo ng landas!" Malakas na sabi nung morena na babae. Malakas ang tawanan at sigawan ng mga kaibigan niya.
Hindi mapigilan ng mga tao na lingunin ang lugar nila. Napailing na lang ako. Tiningnan ko sila sa pang-huling pagkakataon kaya natigilan sila.
"If that happens, I'll be waiting for you." Malumanay na sabi ko at bahagya na ngumiti.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil umalis na ako sa lugar na 'yon. Nanghihina ang katawan ko sa tuwing naaalala ang sitwasyon ko ngayon. Wala na ako uuwian, wala ng isang Athaleigh na bubuo ng araw at gabi ko.
2 months isn't easy. Lalo na kung nasanay na ako na lagi siya kasama. Siguro mas okay na 'to, ayoko maging pabigat lagi sa lahat. My family is already ashamed for having me, ayoko mangyari pa 'yon kay Athaleigh. Because I know someday, she will be ashamed of loving someone like me.
"Oh come on…" natatawang usal ko at napatingala dahil tumulo na naman ang luha ko.
Kung nandito lang ang Delian na tinuring kong kaibigan noon, siguro dadamayan niya ako ngayon. Edi sana may kasama ako sa mga sandaling ito. Parang noon ay naiirita lang ako sa pang-aasar at biro niya kapag may pinagdadaanan ako, pero ngayon ay namimiss ko na.
Hinihiling ko na sana may Delian pa rin na magpapatawa at mang-iinis sa akin kapag malungkot ako. Siguro tama nga sila, saka mo lang ma-appreciate ang isang tao kapag wala na siya. Kung ganon, dapat pala sinulit ko na ang pagkakataon noon. Di bale pagkukunwari lamang ang lahat, at least gumagaan ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Curse of Limerence ✔
RomanceSide story of Athaleigh and Artemis "I'll never like you, Levinson. I don't like bitch, spoiled and bossy women. You should put that in your mind." After seven years of not feeling pain and not having these stupid tears on my cheeks, she managed to...